Six.

299 16 0
                                    

Guys, sorry for the long wait. Nasira phone ko eh. Sa phone kasi ako nag aupdate kasi mas nadadalian ako. So, sana magustuhan niyo 'tong chapter. 

***

"Di pa ba mag sstart 'to?" iritableng tanong ng katabi kong si Thalia na kanina pa reklamo ng reklamo.

Kanina pa kami dito at inip na inip na kami pare-parehas. Wala naman akong mamukhaang kakilala ko dito para kahit papaano ay may makausap dahil lahat ay nakasuot ng mask dahil nga isa 'tong masquerade party at ang color theme ay black. Para tuloy isang lamay ng patay ang welcome back party na ito. And until now, no knows whose welcome back party is this for. Masyadong pa mystery effect ang taong mag babalik. At lahat ng invited sa party ay mga bigating tao na gaya ko.

Tinignan ko ang wrist watch ko para tignan ang oras at kumunot ang noo ko dahil 7:30 na.Sabi sa invitation 7P.M ang start ng party pero anong oras na. Dahil tuloy sa curiousity ko sa Welcome back party na 'to ay nakalimutan ko ang sinasabi nilang Filipino Time kaya nag madali akong pumunta dito. Mga Filipino nga talaga naman, di marunong sumunod sa tamang oras. 

"Jacob and Justine, I'll leave you here muna ha. I'll just roam around. You know, boys hunting." Nakangiti at medyo flirt na sabi ni Thalia sa amin ni Jacob na siyang nag bigay ng kilabot sa akin at iniwan na kaming dalawang nakaupo sa table namin.

Nilibot ko ng tingin ang buong venue at madami ang invited sa party na 'to. May mga nakatayo at nag uusap, may mga nag lalakad, may mga nakaupo at nag sasayaw sa gitna.

Naramdaman ko ang mahinang pag tapik sa kanang balikat ko kaya napaligon ako sa likod. Yung tatay ko.

"Justine..." Mahinang tawag niya sa akin. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. Ano nanamang kailangan nitong taong 'to? 

"Can you dance this beautiful lady?" tanong niya sa akin at hinila ang babaeng nasa likuran niya. May kasama pala siya, 'di ko napansin. When will he stop from this kind of shit?!

Tinignan ko ang babaeng kasama ni Daddy at napakunot ang noo ko. Sa lahat ng taong nasa loob ng venue na 'to ay siya lang ang kakaiba. She's the only one who's not wearing black. Black party 'to pero naka white siya, does she know how to identify colors? Pilit ko ring inaaninag ang mukha niya pero di ko makita dahil madilim ang venue at dimlight lang ang gamit. 

"Hi..." Nakangiting bati niya sa akin. Para hindi naman ako mag mukhang suplado ay nginitian ko nalang siya at tinanguan.

"I'll leave this beautiful lady to you, son. Dance her, okay? I have my eyes on you." Seryosong seryosong sabi niya sa akin at tinuro niya ang mata niya at mata ko gamit ang dalawang daliri niya at iniwan na kami. Sumama rin sa kanya si Jacob kaya dalawa lang kami dito.

Naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko at hanggang ngayon ay nakangiti parin siya sa akin. Nakakainis yung ngiti niya. Kapareho ng ngiti ni Hanna.

"Do you know whose party is this?" tanong niya sa akin habang nakatukod ang dalawang siko sa lamesa at nakapalumbaba.

"Nope." Tipid kong sagot sa kanya.

Wala naman atang nakakaalam kung sino ang gumawa ng party na 'to at kung sino't saan nag bigay ng invitation. They're so damn mysterious.

"I guess, the person behind this party loves mysteries." Ngiting ngiti paring sabi niya.

"Are you a daughter of a business tycoon? or just a daughter of a stock holder?" tanong ko sa kanya at tinignan siya.

He Kissed A Girl And He Liked It SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon