Two.

393 17 2
                                    

"Justine?!" gulat na gulat na sabi niya habang salo salo ko siya sa mga braso ko.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa pag sigaw niya ng pangalan ko. I don't know her and I can't even recognize her voice. Ni hindi ko maaninag ang itsura niya dahil nanlalabo na talaga ang paningin ko sanhi ng alak na nainom ko.

She stood up and fix the hem of her short dress and I heard her soft giggled. The next thing she did? Naramdaman ko nalang ang mahigpit na pag pulupot ng braso niya sa leeg ko. Wtf! Is she trying to choke me? Papatayin ba ako ng babae na to?

"O my god! I missed you! It's been a year!" tuwang tuwang sabi niya sa akin habang nakayakap parin sa akin at pinanggigigilan ako.

Sa sobrang inis ko sa babaeng nakayakap sa akin sabayan pa ng pagkahilo ay pwersahan kong pinag hiwalay ang braso niyang nakapulupot sa leeg ko at tinulak siya. Nakakatakot tong isang to a. Kakaiba sa lahat ng babaeng nag hahabol sa akin.

"What the hell, Justine!" medyo inis na sigaw niya sa akin ng medyo na out of balance siya.

Di ko na siya pinansin at nag lakad na palabas ng bar. Damn that alcohol! Paano ako makakauwi nito kung nahihilo na ako at dumodoble na ang paningin ko. Paano pa ako makakapag drive nito? Maybe I'll just take a cab.

"Ouch!" sigaw ko ng may tumama na matulis na bagay sa likuran ko habang binabaybay ang side walk.

Narinig ko ang mahinang ingay na sanhi ng pag bagsak sa lupa ng bagay na ibinato sa akin. Tinignan ko kung ano yun, at isa itong black 4' pumps. Lalong kumunot ang noo ko ng may makita akong isang anino sa di kalayuan sa akin.

"Is that how you welcome you best buddy?" malanding sabi nito.

Best buddy? Wala akong maalalang may bestfriend akong babae sa tanang buhay ko. Nag se-self proclaimed lang ata to e. Isa nanaman sa mga babaeng patay na patay sa akin.

I looked at her, she's wearing a black fitted dress that define her curves, she's sexy though. She has a curly and black long hair.

The surrounding is spinning and my head hurts like hell because of too much alcohol I drunk. I can't see her face because my visions became blurry and double. Damn it! I swear next time, I won't drink too much when I'm alone. The last time I got myself so fucked up, I got into huge trouble and I regret drinking alone.

Kumunot ang noo ko dahil kahit anong gawin kong pag liliit sa mata ko ay di parin makita ang istura niya.

"Who are you?" iritang tanong ko sa kanya habang turo turo ko siya.

Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay nginitian lang niya ako at nag lalakad siya ng dahan dahan palapit sa akin samantalang humakakbang naman ako paatras dahil sa kanya.

"Justine... Justine... Justine..." Tumatawang sabi niya sa akin habang patuloy parin ang dahan dahang pag lapit sa akin.

Dahil sa sobrang hilo ko ay na out of balance ako at naramdaman ko ang pag tama ng likod ko sa matigas at malamig na semento and everything went black.

*

Nagising nalang ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko at dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto at napabalikwas ako ng upo sa kama dahil hindi ko ito kwarto. Damn! Ang sakit ng ulo ko. Damn this hang over.

Nasaan ako?! How did I get here? Who changed my damn clothes?

Biglang bumukas ang pintuan at niluwa non ang isang nakangiting babae na may hawak hawak na tray. She's wearing a checkered long sleeves polo and she paired it with high waisted short shorts at naka messy bun ang buhok niya. Bigla nalang akong napasipol sa utak ko dahil sa itsura ng babaeng nakangiti at nakatayo sa harapan ko. Damn! She's sizzling hot and gorgeous.

He Kissed A Girl And He Liked It SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon