Five.

314 14 4
                                    

May naramdaman akong mahinang pag tapik sa balikat ko kaya napahinto ako sa pag inom ng pangatlong shot ng tequila at nag baling ng tingin sa taong yun.

"Drinking again ha." Pasigaw na sabi sa akin ni Jacob dahil sa ingay ng paligid. Umupo siya sa high chair sa tabi ko at tinukod ang siko sa bar counter at tinuon ang tingin sa center stage na crowded na.

"Damn it bro! I saw her..." Naiiling iling na sabi ko sa kanya habang nakatitig sa hawak hawak kong shot glass at iniikot ang laman nito.

Siya talaga yung babaeng nakita ko at imposibleng magkamali ako sa nakita ko. Kahit na matagal na simula ng makita ko siya personal ay kabisado ko parin ang mukha niya; ang mga mata niya, ang matangos na ilong, ang mapula at manipis niyang labi. Kabisadong kabisado ko ang mga yun.

"Maybe 'twas just your hallucination." Natatawang sabi niya sa akin at inikot ang high chair paharap sa counter bar at sinenyasan ang bartender.

I know what I saw and it was really her. It wasn't a damn hallucination dahil matino ako. Alam ko siya yung babaeng muntikan ko ng masagasaan kaninang umaga at hindi talaga ako pwedeng mag kamali dito. Kilalang kilala ko siya mulo ulo hanggang paa niya. Kahit nakapikit ako, makikilala ko siya.

Flashback.

"Hanna?!" gulat na gulat na tanong ko sa kanya at bakas sa mukha niya ang gulat na akala mo ay nakakita ng isang multo.

Gustong gusto ko siyang hilahin palapit sa akin at yakapin ng sobrang higpit at halikan muli ng paulit ulit. Gusto ko siyang hilahin papasok ng kotse ko at dalhin sa isang liblib at hindi mataong lugar para wala na siyang takas pa.

Agad siyang yumuko dahilan para matakpan ng di kahabaang buhok niya ang kanyang mukha. Hahawakan ko ulit sana siya sa balikat pero tumayo siya at inayos ang nagulo niyang damit habang nakayuko parin.

"Naomie..." Halos pabulong na sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Di ko maexplain kung anong nararamdaman ko ngayong nakita ko ulit siya sa loob ng ilang taon. Magkahalong takot at saya ang nararamdaman ko ngayon. Takot dahil baka hindi na niya ako mahal gaya ng sabi ni Thalia at saya dahil sa tagal ng pag hihintay at pag titiis ko ay nakita ko na siya uli.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na siyang ikinagulat niya. I missed her so damn much!

"Naomie, ikaw nga..." Masayang masayang sabi ko sa kanya habang pumipiglas siya mula sa mahigpit kong pagkakayakap.

"Let me go! You stupid jerk!" sigaw niya sa akin habang patuloy ang pag tulak niya sa akin palayo sa kanya.

"I won't let you go again, Naomie Hanna Natividad. I missed you so damn nuch!" Mahinang sabi ko sa kanya.

Hinding hindi ko na siya bibitawan pang muli. Ngayon pa bang nakita at yakap yakap ko na siya ulit? Kaya kong bitawan ang lahat ng bagay na mayroon ako wag lang siya.

"Damn it!" galit na galit na sigaw niya sa akin habang patuloy parin sa pag piglas sa akin. "Let me go! You bastard! You almost have killed me by hitting me with your car. And now, what?! You're trying to choke me to death?!" galit na galit na sabi niya sa akin habang patuloy ang paghahampas niya sa dibdib ko.

Dahan dahan ko siyang binitawan dahil sa boses niyang galit na galit at sa sinabi niya. Tinignan ko siya at yumuko naman siya.

Kahit nakayuko siya, di ako pwedeng magkamali sa nakita kong mukha kanina lalong lalo na ng mag tama ang mga mata namin. Siyang siya to at alam na alam ko ang bawat parte ng mukha niya.

He Kissed A Girl And He Liked It SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon