[ C2 - The Moving Plan ]

1.4K 32 3
                                    

Chapter 2: The Moving Plan

**Ethan's POV**

"Ano 'nak susuko ka na ba? O itutuloy mo yang plano mo. Matagal-tagal mo na rin yang sinimulan. Kaya pa ba?" Nakangising tanong sakin ni dad habang umuupo sa kaharap 'kong upuan.

"Oo naman dad. Nasa kalahati na ako ngayon pa ba ako susuko?"

**Marielle's POV**

"Daddy naman e! Bakit kasal agad!"

Singhal 'ko sa tatay 'kong magaling habang kausap ko sya sa telepono. Malakas ang loob ko dahil sa phone 'ko lang sya kausap. He-he-he.

[Abat, ano'ng bakit kasal agad? Nasimulan nyo na nga e! Ako ang tatapos!]

Palihim 'kong nilayo ang phone 'ko sa tenga 'ko dahil sa pag-sigaw nya. Nakakainis!

"Dad naman! Sino ka si FPJ?! Ano'ng susunod 'isang bala ka lang?!" Ginaya ko rin ang boses ni FPJ habang sinasabi ang linya'ng tumatak sa isip at puso ng masa at bawat manonood nito.

[Ah... No need, nagawa nyo na e... Kaso ngalang hindi bala]

Huh?

[Natahimik ka dyan? Di mo gets? Ayaw mo ng bulgar pero ang slow-slow mo 'nak! Anak ba kita?!]

Napapikit nalang ako sa frustration.

"Ikaw daddy tatay ba talaga kita!" Wala sa sarili ko'ng tanong.

[Aba talaga naman! Tinutulungan lang kita! Pano kung may mabuo?! Walang ama ang magiging anak mo! Mag-isip ka nga Mirabelle Anne Lee! Kukutos kutusan kita!]

Ramdam 'ko ang pamumutla 'ko dahil sa sinabi ni Daddy. Kukutusan nya daw ako?! Alam ko at kilala 'ko si daddy. Basta sinabi nya gagawin nya!

"Daddy! Kahit ipacheck-up mo pa 'ko! Wala po talaga—"

[Tang ina. Hindi ko gusto yang lumalabas sa bunganga mo Mirabelle! Walang ibang pwede'ng makakita ng katawan mo lalo na— lalo na yan! Kahit ang tang ina'ng mga doktor hindi pwede!]

Naging seryoso ang boses nya staka nya pinatay ang tawag. Ang weird nya jusme! Ayaw nyang may makakita ng katawan 'ko pero pinag-pipilitan nya'ng may nangyari samin ni Ethan?!

Imbes na mainis ay tinungo 'ko nalang ang sofa at natulog. Masyado akong napagod sa pag-uusap namin ni daddy para pumunta sa kwarto ko. Tang ina this.

Accidentally Engaged In My Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon