[ C4 - Napkin ]

1.2K 28 0
                                    

Chapter 4

**Ethan's POV**

After our kissing scene ay hindi ko na masyado'ng kinausap si Marielle, hindi pinapansin, hindi lumalapit—

"Ethanas alam mo ba talaga kung saan pupunta?" Oo na! Kasama ko na si Marielle! Ano ba yan!

Inirapan 'ko lang sya sa salamin. Wala parin ako sa mood kahit kasama 'ko sya ngayon. At mas lalo ako'ng nawala sa mood dahil naalala ko ang pwesto namin ngayon. Nasa back seat sya at ako ang nasa driver seat, anong akala nya sakin driver?! Pero tang ina mas nabadtrip ako ng maalala kung bakit nya ako hinalikan. Hinalikan nya nga ako pero akala nya si Dream ako?! Tang ina ang sakit!

Well, papunta kami sa isang shop— wedding gown shop sya actually. Sabi nya alam nya ang daan pero heto sya ngayon tinatanong kung alam ko ba talaga ang daan. Diba dapat ako ang magtatanong sa kanya non?!

"Letse ka. Wag mo ko'ng kausapin" sabi ko sa kanya na may nag-tatampong boses, pero boses bakla padin.

Hindi na nya ako sinagot after ko'ng sabihin yun hindi na talaga sya nag-salita. Tsss...

"Marielle saan na tayo after nito'ng daan na 'to?" Akala ko wala sya'ng narinig dahil wala ako'ng nakuhang sagot kaya inulit ko nalang.

"Marielle, saan tayo next dadaan?" Nangunot na ang noo 'ko dahil wala parin akong narinig na sagot sa tanong ko. Mahigit dalawa'ng oras na ako'ng nag-dadrive pero wala parin kami sa putragis na store na yun?!

"Marielle! Nabingi ka na ba?!" Sigaw ko sa kanya.

"Tangina ka! Sabi mo wag kita'ng kausapin ngayon kinakausap mo ko?! Gago ka ba!" Hala? Ano'ng nangyari?

"Hehe, sorry na. Pero seryoso saan na tayo next?" Tanong ko habang kamot ang batok 'ko.

"Sorry din dahil sinigawan kita. P-pero yung tanong mo hehe ano kasi hehe a... Hehe. K-kanina pa tayo lumagpas mga one hour and thirty minutes na." Hala ka tang ina?! Lagpas na pero di nya sinasabi!

"Marielle! Kanina pa ako nag-dadrive dito pero ngayon mo lang sinabi na lagpas na tayo! Ok ka lang ba?!" Sigaw ko sa kanya.

"Aba't! Bwiset ka nag-tanong ka ba! Ngayon ka lang nag-tanong e! Tapos ako pa may kasalanan?!" Tinignan ko sya ng na para bang nawiwirdohan kaya tinabi 'ko muna yung kotse sa gilid.

"Ok ka lang ba?" Kinapa ko ang noo nya at leeg nya.

"Wala ka namang sinat a? Ok ka lang ba?" Kunot-noo ko'ng tanong ko sa kanya.

"Naka-taas ang red flag" mas lalo'ng lumalim ang gatla sa noo ko dahil sa sinabi nya. Red flag? China ba ang sinasabi nya?

"Ha? Anong red flag—"

"Basta ibili mo ako ng napkin! Mag papalit lang ako!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Shit!

"S-saan ako bibili?"

"Mangatok ka sa mga sasakyang umaandar tapos mag-tanong ka kung may napkin sila! Bwiset!"

"A... Sige sige. Sandali lang" akma na akong lalabas ng kotse ng marinig kong sumigaw nanaman sya. Kelan ba sya titigil sumigaw?!

"Bobo! Sa tindahan syempre!"

Kaya agad-agad ako'ng nag-hanap ng pinakamalapit na tindahan.

"A... Pabili po ng napkin" sabi ko sa tindera.

"Anong klaseng napkin?" Tanong nya sakin. Nangunot ang noo ko dahil sa tanong nya. Iba-iba ba yun?

"Iba-iba ho ba yun?" Tanong ko dahil nga naguguluhan ako.

"Oo naman"

"A... Sige po."

**Marielle's POV**

Ang tagal bumalik ng lintik. Ramdam ko ang pag-daloy ng dugo palabas sakin. Shit. Nasaan na ba yun— Tangina?! Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Ethan! Tumatakbo papunta dito'ng may dalang— a... Pitong klaseng napkin?!

"Ano ba yan?! Bakit ang dami nyan?!" Sigaw ko sa kanya. Napakamot sya ng batok na para ba'ng nahihiya.

"A... E... Hehe... H-hindi ko kasi alam kung anong bibilin kaya binili ko na lahat. Di mo naman kase sinabi na madaming klase pala yun." Inirapan ko nalang sya.

"Labas." Utos ko.

"Ha? Bakit ako lalabas? Ang init-init!" Reklamo nya.

"Mag-papalit po kasi ako. Unless gusto mo—"

"E-eto na lalabas na, nanginginig pa. Hehe" natawa naman ako sa kanya.

Habang nag-papalit ay narinig ko'ng sumigaw sya mula sa labas.

"Marielle, pag-tapos mong mag-palit uuwi na tayo ha? Baka kasi mapano ka pa pag-tumuloy tayo."

"Geh"

Natapos ako'ng mag-palit at gaya nga ng sabi nya ay umuwi na kami sa condo ko't nag-pahinga.

Accidentally Engaged In My Gay BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon