Chapter 17

164 23 35
                                    


Araw ng pag uwi ni Calvin...

Ilang araw bago manganak si Mia..

Hindi na nagSkype Call si Calvin..

Asa bahay lang si Mia, dahil wala si Jamie may kameet na Client. Isa na kase itong Party Organizer (involves Catering Services)

Nanonood lang siya ng TV, alas tres na ng Hapon, bagot na bagot na siya si Mia.

Ng biglang may bumusina sa harap ng kanyang bahay.

Sinilip nya sa Bintana baka sa kabilang bahay na bisita kase wala naman siyang iniexpect na darating.

Ate Mieee... Tao po, yahoooo, anjan ka ba?!
Ang maingay na tawag ni Miko,

Pag bukas ng pintuan si Miko at nakita nya sa gate Yong Montero ni Calvin.
Kinabahan bigla si Mia.
Ang alam naman nyang pagdating ni Calvin is sa Monday pa. Friday pa lang ngayon.

"Oh bakit gamit mo sasakyan ng Kuya mo? Bakit hindi ka nagmotor?!
Tanong ni Mia.

Bumababa si Tita Lina sa likurang bahagi ng sasakyan so lalong nagtaka si Mia dahil bihis na bihis ang mga ito.
Tented ang sasakyan kaya hindi aninag kung sino pa ang sakay ng sasakyan.

"Mano po Tita, may lakad po kayo?! Tanong ni Mia

"Kararating nga lang eh, Tara magbihis ka, kain tayo sa labas nag hihintay sa sasakyan si Tito Emil mo. Anyaya ni Tita Lina sa kanya.

Hindi na po ba Bababa ng sasakyan si Tito?! Ulit na tanong ni Mia.
"Hindi na Iha, tara na magbihis kana, mukhang nakaligo ka naman na.

"Opo Tita kaso wala pa po si Jamie, ang pag aatubili ni Mia.

Tatawagan ko na siya Ate Mieee, don't worry.

Nagtataka man si Mia, pumasok na rin siya ng bahay habang tinutulak siyang bahagya ni Lina.

Mabilis na nag bihis si Mia, nagpolbo, lipstick at nagwisik ng cologne lang siya at Lumabas na ng Kwarto. Dala dala nya ang wallet at Cellphone nya, may duplicate key naman si Jamie if ever.

Si Miko na ang nagsara ng Pinto at nagpadlock ng Gate, pinapasakay na siya sa Sasakyan ni Tita Lina, pagbukas nya ng pintuan ng sasakyan, Hello po Tito E-mi Calvin?!!!!

Surpriseeeee, Hi Mieee andito na ko, sinadya ko talagang ibahin yong Date ng Flight ko para masurprise ka.. Sinundo ako nila Mama, Papa at Calvin sa Airport, 9am kami lumapag 7am pa lang asa Manila na sila.

"Hahaha kainis ka kaya pala hindi ka tumawag sa Skype mula kagabi, sabay hampas sa braso ni Calvin.

Saan tayo Pupunta pala? Asan si Tito Emil at si Vanessa?

Asa City na kasama si Jamie inaantay tayo, Dinner tayo doon sa bagong bukas na Resto.

Hindi maitago ang saya ni Mia, makitang muli ang pinakamamahal nyang si Calvin.
Isiping siya ang inuna nyang puntahan kesa kay Shien.

(Oh Mia wag kang Asado, excited lang talagang makita ni Calvin ang Baby Girl nyo, wag kang mag isip ng iba, iwas sakit sa puso)
Paalala ni Mia sa Sarili.

Ilang araw na lang manganganak ka na, makikita at mahahawakan na natin si Baby Girl.

"Naku Calvin magmaneho ka nga ng maayos dyan, lingon ka ng lingon dito baka mabangga pa tayo, paninita ni Lina sa Anak.

Hahaha Lagot ka Koys, Kase eeeh excited na sya maging Daddy talaga Ma, pagbigyan mo na.

"Hoy Mikoy, wag na wag kang magpopost ng Pictures natin na andito na ko ah? Baka biglang pumunta sa bahay si Shien.
Paalala ni Calvin.

My First LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon