Hindi ako marunong magluto! Naman, ano ba tong napasukan ko.Chapter 9
Bakit ko ba sinabi sa kanya na kaya kong gawin yun?! Anu ba naman yan Andy, anong plano mo ngayon?
Tumingin ako dun sa kitchen ng mga manuals or cookbook kaso nga lang wala akong nakita. Sinubukan ko namang tawagan si Mama para humingi ng tulong kaso wala daw sa bahay. Ang malas naman
Okay Andy, wala ka naman mapapala kung magrereklamo ka kaya magsimula ka nalang! Tama, balatan muna natin yung kalabasa.
Kumuha ako ng kutsilyo mula sa lalagyanan at nung tinry kong ipangbalat sa kalabasa eh walang epekto. Hay, ang tigas naman ng balat nitong kalabasa na ito. Kumuha pa ako ng ibang kutsilyo at sinigurado kong mas matalas at mas malaki yun kaya lang�
�ARGH! Ano ka bang kalabasa ka bakit ayaw mo magpabalat?!�
�Oi, Andy�ayos ka lang diyan? Kelangan mo ba ng tulong?�
Darn! Hindi niya pwedeng malaman na wala akong alam sa pagluluto. Dumiretso naman ako kaagad at nagtatakbo paakyat. Tamang tama, kalalabas lang niya ng kwarto. Pinatalikod ko naman siya at tinulak papasok ng kwarto niya.
�Ano ka ba! Sabi ko naman sa iyo diba ako bahala dito?�
Tumingin siya sa akin ng may pagsususpetsa at tumango lang. Hay, ligtas ka ngayon Andy.
�Pag kailangan mo ng tulong eh tawagin mo lang ako��
Tumango naman ako nun at nung sarado na yung pintuan niya eh saka lang ako nakahinga ng maluwag. Muntik na ako dun�buti nalang nakalusot.
Bumaba naman ako kaagad. Hindi pa pala tapos problema ko. Hay, ano kayang pwede kong gawin sa iyo para lumambot ka? Alam ko na! Pakukuluan nalang kita.
After 30 minutes�
Hay, okay na kaya ito?
�OUCH!� Ang bobo mo Andy! Malamang mainit yan eh pakuluan mo ba naman ng 30 minutes eh. Hmf! Nakakaasar naman ito. Awts, sakit talaga ng daliri ko�huhuhu.
�Oi ayos ka lang? Teka anong---eh?�
Hay, no use, nasilip na niya. Nakita kong tumaas yung dalawa niyang kilay sa gulat niya. Ganoon ba talaga kalala yung ginawa ko?
�Fine, I admit, wala akong alam na kahit anong pumpkin dish na pwedeng lutuin. Actually, hindi ako marunong magluto. Sige, tumawa ka na.� Yumuko lang ako nun at hinihintay yung mapang-asar niyang halakhak pero walang lumabas. Tumingin ako sa kanya at nakita siyang nakangiti sa akin. Whoa, totoo ba itong nakikita ko?
�Bakit hindi ka kaagad nagsabi? Sana natulungan kita��
Alam kong pinipigilan lang niya yung tawa niya pero inaappreciate ko yung effort niyang gawin yun. Nginitian ko siya tapos tumingin ako dun sa nilulutuan ko kanina. Hay, sayang lang pala yung kalabasa, hindi man lang nagamit ng maayos, paborito pa man din ito ni Kit.
Kukunin ko na sana yung pinaglutuan ko para itapon na yung laman kaso hinawakan niya yung kamay ko.
�Anong ginagawa mo?�
�Itatapon ko na ito. Order nalang tayo sa Mcdo or something.�
�Ano ka ba? Pwede pa iyan no.� nanlaki naman yung mata ko dun sa sinabi niya tapos nun eh nginitian lang niya ako. Teka, bakit ngiti yata siya ng ngiti ngayon?
�Una muna nating gagawin eh balatan ito. Andy, kumuha ka ng kutsilyo tapos chopping board. Maghanda ka narin ng kawali at magpakulo ka ng tubig.� sumunod naman ako sa lahat ng inutos niya. Syempre, ano pa bang magagawa ko eh wala naman akong alam sa pagluluto diba?