chapter 13

4 0 0
                                    


WALANG HIYA! PATTERN YUN NG UNDERWEAR

Nung mga oras na yun eh sobrang winish ko na lamunin na ako ng lupa. Paano ba naman, sa lahat pa ng makakakita ng pattern ng underwear ko eh ang nag-iisang mapang-asar na si Kit Tasello pa?! Bwisit. Bakit kasi bumukas bigla yung zipper ng skirt ko eh!

�Andy tara dun oh!� Tama talaga yung choice ko na isama silang dalawa. Paano, halatang halata na sobrang saya ni Myka. Ngayon, ang kelangan ko nalang gawin eh batukan yung Kit na iyon para pansinin naman niya yung effort ni Myka.

�Hindi sige kayo muna. May kelangan pa kasi kaming bilhin ni Vince eh. Babalikan nalang namin kayo diyan okay?�

Siniko ko naman si Vince para umoo at ayun, tumango siya at ngumiti kina Myka. Si Myka rin eh tumango kaya umalis na kami ni Vince.

�Ikaw babae ka, ano na naman itong pinaplano mo?�

Ngumiti lang ako kay Vince tapos nun eh tumingin sa paligid. �Bakit? Bawal na ba kitang solohin?�

Tinawanan naman niya ako nun kaya napatingin ako sa kanya. �Yeah right. Pinagsasama mo sina Kit ano?�

Best friend ko nga itong mokong na ito. Umakbay naman ako sa kanya tapos inexplain yung plano ko. After nun eh pareho kaming nagtatawanan.

�Dun tayo sa rides oh!�

�Alam mo ikaw Andy, ang laki laki mo na eh gusto mo parin magrides!�

�Excuse me Mr. Vincent Aldo Nucena, people are never too old to have fun.�

Nagkangitian kaming dalawa at yun, sasama rin pala siya eh. Sumakay kami una sa roller coaster at sobrang nakalog yung buong mundo ko. Paano may mga loops pa iyon at kung anu-ano pang chuvaness. Ayay, nahahawa na talaga ako kay Cheeky.

�Dun tayo.� Tinuro niya yung go carts tapos nun eh tumakbo na kami pareho sa may ticket booth tapos ayun. Nag racing pa nga kaming dalawa eh. Syempre hindi ako nagpatalo kaso nga lang, talagang magalig si Vince eh. Pero at least may part dun na naunahan ko siya.

�Ang saya!�

�Parati naman natin ginagawa to kasama ng barkada ah, bakit parang kakaiba para sa iyo ngayon?�

Oo nga naman, pero ewan ko, feeling ko special tong araw na ito. �Ewan, basta feeling ko sobrang saya ngayon! Tara! Bili tayo ice cream.�

At ayun, hinatak ko siya papuntang ice cream stand at bumili kami ng favorites namin. Rocky Road para sa akin tapos Strawberry sa kanya. Parang baliktad no? Pero hayaan nalang natin.

�Anong oras na?�

�Mag 7 pa lang, bakit?�

�Iniisip ko kasi kung ano oras tayo uuwi. May pasok pa bukas. Gulay! Wala akong number nina Myka! Paano natin sila makokontact?�

�Tingin ko naman, si Kit ang bahala dun��

�Dapat lang kung di uupakan ko siya.� Umupo muna kami sa isang bench dun kasi napagod din kami.

? If I could escape
And re-create a place as my own world
And I could be your favorite girl
Forever, perfectly together
Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ?

Teka, unknown number? Sino kaya ito? �ASAN KAYO?!� grabe, nagulintang naman bigla mundo ko nun! Bakit ba siya naninigaw?!

�Teka nga! Bakit ka ba sumisigaw at paano mo nakuha ang number ko?�

�Tumawag ako sa bahay niyo at nagtanong. Sumisigaw ako dahil kanina pa ko kayo hinahanap tapos hindi ko kayo makita!�

Teka nga, bakit naman niya kami hinahanap? Oh shocks! Wag mong sabihin na hindi man lang niya tinake sa rides or para kumain si Myka?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

100 days with himWhere stories live. Discover now