chapter 10

9 0 0
                                    


�BITAWAN NIYO SIYA!�

�BITAWAN NIYO SIYA!� Si�Si Kit�

Naramdaman kong bumitaw sa akin yung isang lalaki tapos lumapit kay Kit. Yung nakahawak naman sa akin eh ang higpit at ang sakit kung makahawak.

Nakita kong sinuntok ni Kit yung lalaking nauna at tumumba yung mama. Tumayo rin siya kaagad kaya pinaulanan ni Kit ng mga suntok. Nung na knock-out na yung lalaki eh tumakbo si Kit papunta sa amin. Binitawan naman ako nung lalaking nakahawak sa akin tapos ang ikinagulat ko pa eh naglabas siya ng kutsilyo.

�KIT MAG-IINGAT KA!�

Tumango siya nun tapos nun eh kumuha pa ng isang kahoy sa gilid at pagtapos nun eh nag-iikutan silang dalawa. Yung lalaki naman eh nakakatakot kasi hindi mo malaman kung kelan siya susugod.

�KIT!!�

Sumugod yung lalaki at nakita kong natamaan niya si Kit sa tagiliran pero pagtapos nun eh napalo ni Kit sa ulo yung lalaki kaya naknock out kaagad. Dali dali naman akong tumakbo papunta kay Kit kasi napaupo siya nun tapos nun eh natumba siya sa akin.

�Hang on!�

Tinry ko siyang buhatin kaso hindi ko kinaya.

�Dala mo ba yung phone mo?�

Tumango siya nun tapos dinukot ko mula sa pocket niya yung phone niya. Nagdial ako ng number namin sa bahay tapos nun eh nung sagutin feeling ko sobrang panic ako nun. Buti nga at naintindihan pa nila yung sinasabi ko. Umiiyak narin kasi ako nun kasi takot na takot ako na baka kung anong mangyari kay Kit. Kasalanan ko ito, dapat hindi nalang ako umalis ng bahay. Dapat hindi nalang ako nagpaapekto at sana tinulog ko nalang yung galit ko.

�Kit please�� At yung mga sumunod na nangyari eh nakita kong pumikit yung mga mata ni Kit.

*****

�Hoy, ano tong nabalitaan namin na naospital daw si Kit?�

Hay, minsan talaga nakakainis kapag mabilis kumalat ang balita. Wednesday na nga pala ngayon at 2 days narin na nasa hospital si Kit. Hindi naman na ganoon kagrabe di tulad nung 1st day niya na hindi pa siya nagigising. Ngayon kasi nagpapahinga nalang siya eh at baka mamaya eh makakauwi na siya.

�Naospital siya nung Monday, nasaksak kasi siya��

At ayun, nakwento ko naman sa kanila yung lahat ng pangyayari, nabatukan pa nga ako ni Cheeky kasi daw eh bakit daw gabing gabi na eh nasa labas pa ako tapos wala pa akong kasama. Si Vince naman parang nagdrama pa na dapat daw tinawagan ko man lang siya para daw nasamahan niya ako at hindi pa ako nasangkot sa gulo. Hmf, ang dadami nilang problema.

Lumipas naman yung oras. Review week na namin ngayon kasi next week na pala yung exams. Hay, lalo naman tuloy akong naawa kay Kit niyan, isipin niyo, star section pa man din siya tapos nun eh 2 days siyang absent sa review week. Naku, marami rami siyang hahabulin niyan.

Nung dismissal naman eh pumunta ako dun sa classroom nila. Nakita ko pa nga si Sasha eh kaya ayun, buo na naman araw ko.

�Myka!� buti pala at classmate ni Kit si Myka, sa kanya nalang ako hihiram ng notes para kay Kit. Mabait rin naman ako no, lalo na sa mga taong nagliligtas ng buhay ko.

�Oh Andy, napadaan ka?�

�Ano kasi�eh�Pahiram ng mga notes niyo kahapon saka kanina. Papaxerox ko tapos bibigay ko kay Kit�� tumango lang naman siya sa akin nun tapos kinuha yung notebook niya.

�Tara, sabay na tayo.�

Ngumiti naman ako sa kanya tapos diretso kami sa bookstore namin. Andoon kasi yung xerox machine eh. Pagdating naman namin dun eh binigay kaagad namin yung notebook tapos si Myka eh tinuro yung mga pages.

100 days with himWhere stories live. Discover now