Zigzag Road

25 1 0
                                    


Gusto ko ng ipikit ang mga mata ko pero dahil sa siksikan kami rito sa loob ng jeep, hindi ako komportable. Tanghaling tapat pa naman at napakainit.

"Neng, pakiabot naman sa'ken yun," sabi ng babae na itinuturo ang nahulog na laruan ng kanyang anak.

"Ok po."

Isang fidget spinner pala 'to na agad ding inagaw ng bata sa akin.

"Miguelito mag-thank you ka naman kay ate at huwag ka ng magkulit pa para hindi na mahulog ulit yang laruan mo."

"Thank you po ate."

Makulit nga siya kasi kanina pa niya ako nasasanggi pero normal lang naman kasi sa bata yun na siguro ay nasa 6 years old. Nginitian ko na lang siya.

Sinubukan kong tanawin ang labas kung malapit na ba kami sa zigzag road. Mahihiluhin kasi ako at ayokong nadaan dun dahil nga feeling ko ay palaging buwis-buhay ang biyahe sa parteng iyon ng byahe.

"Babe, bumili tayo ng maraming pasalubong pagdating sa bayan," sabi ng dalaga na nakaupo sa harapan ko.

"Sige babe para matuwa rin si nanay lalo na ngayon na sasabihin na nating magpapakasal na tayo," agad na sabi ng lalaki.

Hay naku, kailangan ko ng makatulog. Kung ano-ano pang naapansin ko. Ayoko sa zigzag road. Hinanap ko na lang ang earphone ko at pumindot ng kahit ano sa aking playlist.

Ipikit ko na ang mga mata ko....

"Ate, ate, pwede po bang pakiabot ulit yung laruan ko."

Kainis naman 'tong batang 'to! Pero ano pa nga bang magagawa ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan...

"Saan mo ba naihulog na part?"

"Napunta po sa ilalim dun," itinuturo niya sa ilalim ng paanan ng girl na kaharap ko. Lumuhod ako ng slight para makita yung ilalim kaso nahihirapan ako kasi bumibilis ng patakbo si kuyang driver.

"Aba manong dahan-dahan naman tayo at malapit na tayo sa zigzag road," pasigaw na sabi ng lola ni Miguelito.

"Mamaya ko na kukunin ha? Kasi hindi ko pa makita yung laruan mo."

Sa totoo lang biglang bumilis yung kabog ng puso ko at kumapit ako sa kung saan pwedeng humawak. Bumibilis nang bumibilis ang andar ng jeep at alam kong nasa zigzag road na kami.

"Lola natatakot po ako," yinakap ang bata ng kanyang lola samantalang ang ibang pasahero ay unti-unti ng nagreact.

"Nawawalan tayo ng preno!!! Kumapit kayo!!!" Sigaw ni kuyang driver.

Feeling ko mahihimatay ako at matik na may luha ng pumapatak sa mata ko. Hindi ito pwedeng mangyari. Makakauwi ako sa bahay ng ligtas. Hinihintay ako ni mama, kailangan n'ya ako.

Nagkagulo na ang iba pang pasahero. May sumisigaw at umiiyak na rin. Ilang saglit pa'y nakita ko na may pasalubong na malaking truck sa amin, kumapit ako ng mas mahigpit...pero...sumalpok ang jeep, tumilapon kami, malapit sa bangin. May malakas na tunog....boom!!!!

"Ate, ate, pwede po bang pakiabot ulit yung laruan ko."

Napamulat ako, napatingin sa kumakalabit sa'kin. "Please ate pakiaabot na po yung laruan ko."

Teka, panaginip lang yun? Hindi, parang totoo ang lahat.

"Kuya hintoooo!!!! Ihinto mo po itong jeep ngayon na!!!" Pasigaw kong naibulalas at nanginginig ang buong katawan ko.

"Kuya please lang po huminto ka," dugtong kojg sabi.

"Ay ineng ano bang nangyayari sa'yo? Hindi pwedeng magbaba rito lalo na't malapit na tayo sa zigzag road."

Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. "Kuya please ihinto mo na. Bumaba na po tayong lahat, maaksidente po tayo kung hindi tayo hihinto."

Napangisi yung girl na nasa harap ko "Ano 'to Final Destination lang ang peg?"

Maniwala kayo sa'kin. Dati na akong nanaginip ng ganito na nagkatotoo ayoko ng maulit ulit yun.

"Naku naman!!! Sige bumaba ka na nga!!!" Sabi ni kuya driver na. "Kung may saltik ka, bahala ka sa buhay mo!!! Baba!"

Nanginginig ang tuhod ko at tinignan ko ang lahat ng pasahero sa jeep. Yung bata, yung lola, yung ikakasal na magjowa at silang lahat. Pumapatak ang luha ko na sinabing "sumama po kayo sa'kin, paniwalaan n'yo po ako."

Pero unti-unti na silang nakalayo. Napaupo ako sa mainit na kalsada ng zigzag road. Ilang saglit pa....

BOOM!!!

Isang malakas na pagsabog. 


********************************************
ISANG JEEP SUMALPOK SA TRUCK,
WALANG NAKALIGTAS!
********************************************

Ito ang halos naging laman ng balita sa TV, dyaryo at social media sa trahedyang gumulantang sa lahat. Marami ang nagluksa lalo na ang naiwang mga pamilya.

Ngunit paano pa ang pagluluksa na nararamdaman ko? Walang nakakaalam na may nag-iisang nakaligtas, kahit si mama, pinaglihiman ko. Mag-isa kong kinimkim ang lahat: lungkot, takot at pag-usig ng aking konsensya.

Kasalanan ko ang lahat. Kung sana mas kinumbinse ko silang lahat at ipinaliwanag ang posibleng mangyari.

"Ella, mukhang malalim na naman yang iniisip mo ahh. Saka ano ba yang hawak mo?"

Nilapitan ako ng katrabaho ko na si Janet na chinicheck ang hawak kong dyaryo.

"Hhhmmm... June 17, 2016 pa 'tong issue ah. Bakit mo naman binabasa ang 2 years ago ng dyaryo?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya naman nadugugtungan niya pa ulit habang sinusuri ang laman ng dyaryo.

"Ay ito pala yung balita ng trahedya sa zigzag road. Grabe yun no? Ang saklap na halos lahat namatay."

Hinablot ko sa kanya yung dyaryo, "okey back to work na tayo at hindi kung ano-ano pang bagay ang uunahin nating pag-usapan." 

Sadyang madaldal.lang talaga si Janet kaya nagsalita pa rin siya, "Alam mo Ella, siguro if isa ako sa mga tao na nand'yan sana may power ako na kaya kong mapredict yung pangyayari. Baka sakaling wala pang namatay." 


Napatingin ako kay Janet, ano bang alam niya sa pinagsasabi niya? Wala. Dahil ang totoo, mahirap makita ang hinaharap lalo na kung walang maniniwala na kaya mo.





Hindi Ka Ba Takot?Where stories live. Discover now