Thirty Seven
Pinaakyat ko si Reil sa kwarto para makatulog na ulit. Alas tres na ng madaling araw at nakatitig padin siya sa kanyang iniidolo. Pinakiramdaman ko ang katawan niya at medyo bumababa na ang lagnat nito.
Naupo ako sa sahig para mapagmasdan ko ng maayos ang mukha niya. Payapa siyang natutulog habang may nakapatong na towel sa kanyang ulo.
Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak habang tinititigan siya. Hindi ko mapigilang maghurmitado ang dibdib ko dahil nakikita ko na ulit siya sa harap ko.
Wala akong ideya kung bakit siya nandito, hindi ko alam kung papaano siya nakapunta dito. Ang alam ko lang is narito na siya sa harap ko.
From time to time ay nagigising ako para palitan ang towel sa ulo niya. At hindi ko namalayan ay nilamon na din ako ng gabi.
Nagising ako ng maramdaman kong may nagpatong ng kumot saakin. Nagtama ang mata namin ni Rio at kaagad akong napaiwas ng tingin sakanya. Malakas padin ang ulan.
"A-Anong nangyare?" Tanong niya saakin. Napatayo na ako sa aking pagkakaupo at hinilot hilot ang batok kong nangangalay dahil sa aking posisyon.
"You were disturbing us, panay ang bato mo sa bintana namin kagabi." Sagot ko. Kinuha ko palangganang pinaglagyan ko ng tubig at towel.
Inilapag ko ito sa kusina at nakahalukipkip na tiningnan siya ng diretso.
"And now tell me, what comes to your mind at nagpunta ka dito?" Bigla siyang napaiwas tingin.
Ang tagal niya bago sumagot. Hanggang sa sabay kaming napalingon ni Rio sa taas ng hagdan.
"Mom, Am I not going to school?" Biglang kumabog ang dibdib ko. Napalunok ako at tiningnan si Rio na gulong gulo at palipat lipat ang tingin saaming mag ina.
"No, baby. There's still a typhon." Nakita ko ang pagtama ng mga mata nilang dalawa. Bumababa si Reil habang bitbit ang teddy bear na hawak niya.
"I remeber you, you are the one who keeps trowing a rock on our window last night and you are my idol? Mr. Rio Lhoyd?" Napakamot ako sa aking ulo.
Pinagmasdan ko ang emosyong nilalabas ni Rio, pero hindi ko siya mabasa. Hindi ko makita ang iniisip niya.
"I thought you are handsome in real person but actually youre not." Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi ni Reil.
Pinagmasdan lang siya ni Rio.
"Reil, manners." Sambit ko.
Lumapit saakin si Reil. "Sorry Mom, but hes the reason why I didnt sleep well last night." Pumantay ako sakanya at inayos ang buhok niya.
"Did youre wash your face?" Umiling iling siya.
"Then go to bathroom muna and wash your face. We have a visitor." Tamad siyang sinunod ang gusto ko at nagtungo sa banyo.
Naupo ako sa harap ni Rio at hindi padin niya inaalis ang tingin niya kay Reil. Para bang may kung ano rito na hindi niya maintindihan, malamang mag ama ba naman silang dalawa. May something talaga sakanya.
"And now Rio, sagutin mo na ang tanong ko kanina. B-bakit ka nandito?" Nagtama ulit ang tingin naming dalawa at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay.
"I didnt have any idea na dito kana pala naninirahan. Where is your husband?" Pinaningkitan ko siya ng mata. Iniiwasan niya ba ang mga tanong ko?
"Bago ko sagutin ang tanong mo, answer mine first. What are you doing here? At kailangan mo pang sumugod sa malakas na ulan habang inaapoy ka ng lagnat."
Napayuko siya, hindi niya magawang tumingin saakin.
"Raiden told me that you are staying here. Kaya nagbyahe ako ng almost 2 days in land para lang makita ka. Dahil sa bagyo lahat ng flight kanselado." Nagtama ang mga tingin naming dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa pagkurba ng muscle sa mukha niya habang nagsasalita. Hindi ko maiwasang hindi mamangha when he almost kill herself para lang makita ako. Katulad ka pa din ng dati, Rio.
"Then why you want to see me?" Umiwas siya ng tingin.
"I dont know, my mind went black when I knew that you are staying here. And also gusto ko lang makita kung totoo ba yung sinabi ni Jel na may anak kana. Gusto ko lang ulit makita ka." Tago akong napangiti hanggang sa umupo sa lap ko si Reil. Tinitigan niya ng masama si Rio.
"Kaibigan ka din ba ng Mom ko?" Asik niya kay Rio.
"Yes."
"Ah, kaya siguro ganun ka kagabi. When I meet one of her friend, nabangga niya ito and now you also didnt let us sleep last night." Tiningnan ko ng masama si Reil.
"Reil, you manner, diba pinagusapan na natin ito." Malungkot siyang tumango sa sinabi ko.
Tiningnan ko si Rio. "Pagpasensyahan mo na, stict kasi si Dad sa pagpapalaki sakanya kaya ganito siya sa mga first time niyang nakikilala."
"Dad? Your Dad?" Tumango ako.
"Where is your husband?" Pareho kaming nagkatinginan ni Reil. Napalunok ako at kinakabahang tumingin kay Rio.
Maya-maya ay tinitigan niyang maigi si Reil. Pumantay siya rito na animoy may kung ano siyang napansin. Tiningnan niya ang labi nito, mga mata.
Napaiwas ako ng tingin. He know, na magkatulad sila ng mata at labi. Namana ni Reil ang mata at labi niya kay Rio kaya alam kong mapapansin niya ito.
"Reil?"
"Uhu." Sagot nito.
"How old are you?" Tumingin pa saakin si Reil, biglang tumulo ang luha ko. Nawala lahat ng bigat na meron ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko sila. Nagkatinginan kami ni Rio and I knew nagkakaroon na siya ng ideya sa reaksyon ko.
"I'm 5 years old." Sagot niya at pinupunasan ang luha sa mata ko.
Mas lalo akong napahikbi ng makita kong tumulo ang luha ni Rio sa harap ko. Tumulo ang luha niya habang nakatanaw saaming dalawa.
"Why youre crying? Both of you. Did I do something wrong?" Pati siya ay napapaiyak na din.
"I promise, hindi ko na aawayin si Idol, Mom tahan na. Mr. Rio..." palipat lipat ang tingin niya saamin habang umiiyak.
Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay naming pareha at alam kong naguguluhan si Reil sa mga nangyayare.
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
Dating Rio Lhoyd Salazar
RomansaCheska Cristobal choose to be away for how many years, inilayo niya ang kanyang sarili sa mga taong alam niyang sobrang masasaktan kapag nawala siya. And there is Rio Lhoyd Salazar wants to be with her, kahit hindi alam ang bawat reason ay mas pinil...