CHAPTER THIRTY

2.6K 45 1
                                    

KATRINA's POV

"Mukhang di mo na yata ako kailangan, kayo na lang ang mag date" at walang likod s'yang umalis.

Shit! Akmang susundan ko na sana sya pero naisip ko si Paulo. Nakakahiya naman kung iiwan ko lang s'ya rito, dahil lang sa nagseselos ang asawa ko.

"Hey, wala ka bang balak sundan s'ya?" Paulo asked habang nakatingin din sa pintuan na nilabasan ni Dylan. Nagkibit-balikat naman ako. Gusto ko rin naman puntahan si Dy, pero ang mga ganung actions ay 'di dapat tinotolerate.

"Hayaan na muna 'yun. Nagpapakachildish na naman e"
Nagtatakang napatingin sa akin
"Are you sure?"

"Yes. Anyways, wala ka bang balak umupo? Chikahan tayo" at iginiya ko s'ya na umupo.

"Seriously, Princess. Wala ka bang balak sundan ang asawa mo?"

naiiritang tumingin ako sa kanya
"Gusto mo ba na sundan ko s'ya at maiwan ka dito?"

"Kung magiging dahilan ako ng pag-aaway n'yo, then yes. I want you to follow him"

Wow! I didn't know that Pau could be so selfless. If I were on his shoes, magpapasalamat ako kasi inuna n’ya ako kaysa iba.

"Hayaan mo na lang muna s'ya. He is becoming territorial again. And It's not like I'm going to cheat. Besides, he knows you, so there's really nothing to worry." Paliwanag ko.

Napatango naman s'ya. Good. Dahil kung hindi, iiwan ko rin s'ya dito.

"So, why are you here at my resto?" he asked, maybe to lightened up the mood.

"Am I not allowed here? Sabihin mo--"

"No, that's not what I mean" putol n'ya "It's just that, your husband is jealous of me, right? So, buti naman pumayag s'ya"

"Oh that" napatango naman ako "I told him that I want to eat here, and he doesn't ask me naman if who's the owner of this resto so, di ko na sinabi" paliwanag ko.

"So, di mo man lang pinagmalaki na ako ang may-ari nito? Ouch! You've just stepped on my ego" at umarte pa s'yang nasasaktan. Parang ewan lang e. I rolled my eyes before answering him

"Duh! Gaya nga ng sabi mo. Seloso ang asawa ko, and kapag sinabi ko na ikaw ang may-ari, do you think he'll let me eat here? No"

"You've got your point there" at napapalakpak pa s'ya. Parang ewan talaga e.

"Ikaw naman? Why did you come back here?"

"Am I not allowed to stay here?" He said mimicking me. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.

"Joke lang, Mom wants me here. So yeah"

Nag usap pa kami ni Pau about sa kung ano-ano, and only stopped when we realized that it's getting dark already. Wow, time flies so fast.

"I think kailangan na kita ihatid sa inyo, baka nag-aalala na 'yung asawa mo"

"Yeah. I think so, too"

****
"'Til next time?" Pau said.

"Yeah sure. Just contact me"

"Goodbye"
bumaba na ako sa sasakyan n'ya, then waved at him before his car moved.

"Looks like you enjoyed your date with him, huh" napatalon ako sa gulat, when I heard Dylan's cold voice. Mukhang kanina pa s'ya naghihintay sa'kin.

"Ginulat mo naman ako, kanina ka pa ba d'yan?" Tanong ko, pero parang hangin lang ako sa kan'ya. Wow! Cold treatment ah.

Nilagpasan n'ya lang ako at pumasok s'ya sa loob ng bahay namin. S'yempre sinundan ko s'ya. Tumigil s'ya sa sala at binuksan ang TV. So, wala talaga s'yang balak akong kausapin? Hmp.

Seducing My Workaholic HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon