Black Ace Seven
"Mom, I want Army bomb please buy me." kanina ko pa kinakausap si mommy through video call. Nasa singapore kasi silang dalawa ni dad. May restaurant kami don at silang dalawa ang namamahala. Sikat na chef sina mom and dad at doon nila napiling magtayo ng negosyo sa Singapore mas malaki daw kasi ang kikitain kung doon magnenegosyo.
"What!? At anong gagawin mo sa bomba Eriya ha!" nanlalaking mata na sabi ni mommy. Pati tuloy si Dad na nagbabasa ng newspaper sa tabi ni mommy e napatigil. At ngayon silang dalawa na ang nakaharap sa screen.
"Why princess? May kaaway kaba at kailangan mo ng bomba?" naiiling na sabi ni Dad pero natatawa. Napairap na lang ako sa hangin.
"Mom, Dad search niyo na lang po sa google ARMY BOMB latest version. Tinatamad ako magexplain basta gusto ko yon! Love you both." sabi ko saka naglogout. Hindi ako bastos na anak, ganon lang talaga ako at mahal ako ng mga magulang ko. Sa totoo lang pwede naman akong bumili ng Army Bomb kaso maarte ako gusto ko sina mom bibili at magbibigay sa akin para mafeel ko na support nila pagiging fangirl ko. Hihi!
Kinuha ko ang hugis puso kong unan na kulay itim may nakaburdang B.T.S na pula sa gitna nito. Hindi basta-bastang tela ang ginamit sa paggawa ng unan nato. Halatang mamahalin, kumikinang kasi ang B.T.S na burda nito kapag gabi. Sobrang lambot at ang sarap yakapin. Wala pa akong nakikita na ganitong unan na binebenta sa kahit saang K-pop store o kahit sa online.
Sobrang swerte ko talaga at nasa akin to.Balak ko pa sanang manuod ng video nila sa YT nang mapansin kong madilim na sa labas. Bumaba ako para tignan kung nakauwi naba sina kuya.
"Wala pa sila? 7 oclock na ah! Nasan kaya yung mga yon." sabi ko ng makitang wala pa ang mga kotse nila sa garahe. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si kuya Luke, alam kong nasa trabaho pa siya ng ganitong oras pero kasi wala pa yung isang unggoy at si kuya Ken. Nagwawala na yung mga dragon ko sa tiyan.
Tatlong ring palang ay sinagot na niya ang tawag. "Hello, bakit ka napatawag? Kumain naba kayo? Sorry baby malalate ako ng uwi madami pa akong meeting." halata ang pagod sa boses ni kuya Luke kaya hindi ko na sinabi pa na wala pa dito yung dalawa baka mamaya biglang umuwi yon e may meeting pa pala siya.Nagtatrabaho si kuya Luke sa Smythson company. Sobrang sikat ng kompanya na iyon. Kilalang kilala ang Smythson sa loob at labas ng bansa, kaya halos maiyak si kuya Luke ng matanggap siya bilang isang manager doon.
Pagkababa ko ng tawag agad akong nagtext don sa dalawa.
To: Monkey Bryle <3 and Oppa Ken <3
Umuwi na kayo gutom na ako. Isusumbong ko kayo kay Kuya Luke.
I press send at tumawa ng parang baliw, naiimagine ko kasi mga muka nila na namumutla at parang matatae. Yung dalawa na iyon takot kay kuya Luke. Hindi kasi ako marunong magluto. Sa aming lahat ako lang ata pinagkaitan ng talento pagdating sa pagluluto. Chef mga magulang ko tapos ako itlog na lang nasusunog ko pa. Inaasar nga ako ni Bryle na ampon e.
Biglang tumunog ang cellphone ko at sabay pa silang nagtext. Inuna kong basahin ang text ni kuya Ken.
From: Oppa Ken <3
I'm on my way. Sasapakin ko si Bryle. Don't text kuya Luke, baby please. Sorry.
From: Monkey Bryle<3
Masasapak ko yang si Ken e. Tamad mo kasing magluto. Puro ka Kpop!!
Unggoy nato, dinamay pa Kpop sa kabobohan niya.Patapon ko siya sa North Korea e. Hindi ako nagkukuya kay Bryle minsan lang kapang may kailangan ako. Haha! Isang taon lang naman kasi tanda nun sakin. Iniinis niya din kasi ako kaya inis din ako sa kanya.
YOU ARE READING
Fake Love
Romance"I don't give a shit. ARMY ALWAYS and BTS FOREVER " Simula ng makilala ni Eriya Reighlyn Fuentes ang BTS yan na ang naging motto niya sa buhay. Para sa kanya ang pagiging isang fangirl ang pinakamasayang punto ng buhay niya. Maayos at maganda na s...