Personal Assistant
I hate this feeling. I'm going crazy!
Feeling ko ang panget ko ngayong araw, namumugto ang mga mata, nanghihina, feeling ko broken hearted ako. Feeling ko iniwan ako ng jowa ko, kahit na wala naman akong jowa. Lablab please comeback home.
Nagsimula na yung pasukan noong nakaraang linggo, pero wala akong ganang pumasok. Isang linggo akong absent at isang linggo nadin na nawawala si LabLab.
"Reighlyn ayusin mo nga yang itsura mo. Panget kana nga,mas lumala pa."sabi ni Bryle nag-aalmusal kami ngayon and I don't have time to argue with him.
"Bryle stop it. Baby fix yourself please, hindi kana nga pumasok nong mga nakaraang araw e." sabi ni kuya Luke
Sus! e wala namang pake yung mga teacher kung hindi ako pumasok e papasa padin naman ako. Saka hindi pa naman regular class no!
"The guard won't let you in, if they saw you like that. You're such a mess." dagdag pa ni kuya Luke.
Why? What's wrong? Maliban sa gulo-gulo ang buhok ko, matang namamaga, labing namumutla at uniform na gusot, wala namang problema. Dyosa padin naman ako.
"Bibilhan na lang kita ng bago." kuya Ken said while looking at me.
"Ayoko. Nag-iisa lang yon." sagot ko kaya hindi na sila nagsalita pa.
Matapos namin mag almusal ay naghanda na kami para pumasok. Inayos ko na din ang sarili ko, ayoko namang magmukang basahan ngayon baka mapagkamalan pa akong tambay.
Kay kuya Ken ako sumabay. Ayoko kay Bryle baka pasabugin ko na yung kotse niya sa sobrang bwiset ko sa kanya.
Pagdating namin sa M.U ay madami na agad estudyante. Sobrang ganda talaga ng Magnum.
Isang beses palang ako nakapunta dito noon, nong graduation ni kuya Luke taon na ang nakalipas ng mangyari iyon at malaki na ang pinagbago ng school. Mas gumanda pa ito lalo ngayon.
"Do you have your schedule, right? Call me, kapag uwian niyo na." sabi ni kuya Ken.
Tumango na lang ako at naglakad na papunta sa HRM department. Nandito na kaya yung dalawang bruha.
"Eriyaaaa! We miss you!" sabay na sigaw ni Trixy at Alena saka patakbong lumapit sa akin. Nagulat pa ako sa biglaan nilang pagsigaw at pagsulpot.
"Namiss ko din kayong dalawa." sabi ko saka kami nagyakapang tatlo sa gitna ng daan.
Sa Paris kasi sila nagbakasyon ng dalawang buwan, napapatingin na nga sa amin yung mga estudyanteng dumadaan paano ba naman kasi napakalakas ng boses ni Trixy, walking megaphone padin!
At dahil maaga pa naman, siguradong wala pa yung mga prof, kaya inaya ko muna sila sa cafeteria. Wala pa kasi ako sa mood pumasok, napilitan lang ako kaya ako nandito.
"Bakit ngayon ka lang pumasok? Ang haba naman ng bakasyon mo, akala namin wala ka ng balak pumasok e." ani Alena
"Tinatamad ako, ngayon lang ako sinipag." simpleng sagot ko.
"Bruha ka! Sigurado naba na HRM kukunin mong course? Wala ng bawian? Totohanan naba? Mahalin man ako ni Jin?" sunod-sunod na tanong ni Trixy
"Oo. At talagang dinamay mo pa si Jin! FYI akin lang siya." irap ko. Tinawanan niya lang ako.
"Paano na yan Eriya, madalang na lang tayong magkikitakita." sabi ni Alena. Hays! Bussiness Administration nga pala silang dalawa.
"Ayos lang yan. Para hindi naman tayo magkasawaan, mula elementary magkakasama na tayong tatlo e. Nakakasawa na." natatawang sabi ko sa kanila, sinimangutan lang nila ako, kaya mas lalo akong natawa.
YOU ARE READING
Fake Love
Romance"I don't give a shit. ARMY ALWAYS and BTS FOREVER " Simula ng makilala ni Eriya Reighlyn Fuentes ang BTS yan na ang naging motto niya sa buhay. Para sa kanya ang pagiging isang fangirl ang pinakamasayang punto ng buhay niya. Maayos at maganda na s...