Nanaginip pala ako habang sinusulat yung shortstory ko??Akala ko nagpunta si Krystal sa bahay para mabasa yung story ko.
Hindi pala?? Panaginip pala lahat??
😪😪😪Kaya naman pala ang weird. At nangyayari ang lahat ayon sa gusto ko o iniisip ko. Kasi panaginip pala yun. Akala ko pa naman nagkatotoo na si Indigo at pakakasalan na ko. Tsk. 😒
Siguro dapat ko nang tigilan ang pagbabasa at panonood ng mga fictions. Lumalawak tuloy ang imagination ko. Pati panaginip ko nadadamay kung saan nakakalimutan ko na pinagka-iba ng panaginip sa reality.
Hayyy.. 😪😪😪
"Sam, may nagpapabigay," sabi ng isa sa mga kaklase ko sabay abot ng isang maliit na papel.
Inabot ko naman ito agad, "Kanino galing 'to?" Nagtataka kong tanong.
Nakalagay lang ay isang concave na color blue? Navy blue?? Dark blue? Indigo? Sorry na, hindi kasi ako marunong magdistinguished ng kulay.
Tapos may nakasulat na: "Would you mind finding me?"
"Galing yan du---hala! Nasan na yun?" Response ng kaklase ko.
"Huy! Sino na nga?"
"Eh umalis na eh! Nakita mo yun bago ka pumasok dito sa room. Nadaanan mo pa nga. Yung naka-mouth mask na itim,"
Oh?? Totoo?
"Manliligaw mo ba yun? Eh kakahiwalay niyo palang ni Derrick diba?"
Etchosera 'tong kaklase kong ito! Daming alam.
"Hindi ko kilala yung sinasabi mo, kaya there's no way na maging manliligaw ko yun. At FYI lang, two months na kaming WALA ng EX ko," sabay irap ko sa tsismosang ito. "O sya! Dun ka na! Etsosera ka,"
"Yiiiiieeehhh, kunyari pa ih! Kay Krystal nalang ako magtatanong," sabi nito sabay alis sa harapan ko.
Nang umalis na ito, doon ko pinagkatitigan ang hawak kong papel.
Ano ba 'to?
Hmmm..
Parang nangyari na'to? Yung may hawak akong papel na ganito tapos may concave na may colors----teka, oo nga! Yung sa library! Yung drawing ng rainbow na may missing color! Which is Indigo!
Sandali nga, alam ko kinuha ko yun ih. Inilagay ko yun dito sa case ng ID ko.
OMG..
Iisang tao lang ang may gawa nito. Parehas ng hand writing.
____________
Dalawang linggo rin akong nakatanggap ng mga papel na may connection sa rainbow at sa missing color na yun, which is Indigo.
On this day, meron na kong 12 pieces of it.
Pero still.. Hindi ko pa rin natye-tyempuhan na makita kung sino ba yung nagbibigay.
Sobrang naku-curious na nga ako kung sino ba yang pa-mysterious guy na ito. Maski si Krystal at mga kaklase ko, sobrang curious na kung anong connection ko sa guy na ito. Although sila nga itong nakakita doon sa tao.
Pero hindi nila maituro kung sino, dahil mata lang ang kilala nila rito. Lagi lang raw itong naka-mouth mask, Itim na jacket, at lose pants tuwing ipa-aabot yung papel sakin. Baduy nga raw ang porma ang sabi nila, pero kilig na kilig dahil ang gwapo raw ng boses at chinito.
Lalo tuloy ako na-curious.
Ngayon, nagplano kaming lahat, including Krystal. Plano naming makilala na itong si mysterious guy.
Ang usapan, kung sino man ang pakisuyuan ni Mysterious guy ng papel, kailangan maging alert. Dapat niyang tawagan agad ang nakararami, tapos kukuyugin namin para di na makatakas! At kapag nahuli na namin, makikita na namin ang itsura niya!
Naghintay kaming lahat ng mga kaklase ko, halos hindi na nga kami naka-pokus sa discussion ng mga prof namin. Si Krystal nga, maghapon siyang naki-seat in samin at hindi na pumasok sa sarili niyang klase.
Pero walang nangyari. Lahat ng pag-iintay at plano namin, napunta sa wala. Wala kahit anino ni mysterious guy para magbigay ng another paper. Pero hindi kami nawalan ng pag-asa. Nag-intay pa kami ulit ng kinubukasan, at ng sumunod na araw, at nang sumunod pa, hanggang naging isang linggo na.
Wala na..
Baka, nagsawa na. Sa bagay, sino nga naman ang magtitiis sa ganung bagay. Hindi naman ako kagandahan para paghirapan ng ganung katagal. Teka nga!! Eh ano naman?! Binigyan lang ng mga papel feeling ko agad gusto na ko?! Ang assuming ko na ata.
"Sam! Anong isusuot mo para bukas?" Tanong sakin ni Mau, isa sa mga close ko sa mga kaklase ko.
"Bukas?? Bakit? Anong meron?"
"Mygoodness Sam!! Educ night na bukas!!" Parang naiirita niyang sabi na nagpalugmok lalo sakin.
"ANO?! Bukas na ba yon?!"
"Ewan ko sayo! Alam mo, simula nang nacurious ka dyan sa paper guy na yan, lagi ka nalang lutang, itigil mo nga paghithit ng katol ah?!" Biro nito sakin.
"Oo na!" Sagot ko nalang.
"Sige, see you tomorrow sa Educ Night," then umalis na siya.
Educ Night.. Please.. Makisama ka naman. Ayoko na maulit yung epic na pknaggagawa ko noon. Wag mo na ko ipahiya please!!!
Tomorrow night..
Okay.. This is it.
I'm wearing a pink long gown na off shoulder at silver shoe. Ginaya ko lang ang ipit ni Belle (Emma Watson) ng Beauty and the Beast but silver version yung ipit ko. And sa make up , polbo at lipstick lang. Hindi kasi ako marunong 😅😅
Pagdating ko sa Hall, halos lahat may partner. Nakakainggit. Sayang kasi, hindi pwede si Krystal dahil BM siya.
Hayyy...
Okay lang.. Sanay ako mag-isa. Haha.
Ayun.. Almost half of my hour, naubos sa pag-upo ko sa naka-assign na upuan sakin. Samantalang yung ilan sa mga close kong kaklase nagsisipagsayawan.
"Here," biglang sulpot ng isang kamay na may panyong kulay itim.
Tinignan ko kung sino yung guy na nagbibigay sakin ng panyo. Pero naka-iwas ang mukha niya sakin kaya di ko makita ng ayos ang mukha niya plus dim yung lights dito sa hall.
"Hindi naman po ako umiiyak, thank you nalang," sagot ko at tumingin na ulit sa mga kaklase kong nagsasayaw.
"Kunin mo nalang," sabi nito in plain tone.
Kinuha ko nalang ito para umalis na siya.
"Kapalit yan ng one week na hindi ko pagbigay ng paper sayo," pahabol na sabi nito at umalis na.
P-paper?? Wait.. Siya kaya si Paper guy?? At itong panyo...
It's actually color Indigo, not black!
"Wait!!"
YOU ARE READING
Kiss the Rain #summerlovefga18
Short StoryA fantastic story of my summer was written in here. Hi! My name is Samantha, Tadhana just made a move. Ikaw raw ang next na binigyan niya ng match. Isang COLOR match. Is it really possible to go with the colors??