Kiss the Rain IV

22 2 0
                                    


Red's Side

5:00 a.m

Nag-alarm na ang phone ko. Same as before. Gigising, kakain, manonood ng movies, at matutulog ulit. Nakakaboring pala kapag mag-isa sa apartment. Tsk. Sana pala inaya ko yung utol ko na magbakasyon rito.😑

Ilang linggo na rin ang lumilipas, inisip ko nalang na panaginip yung sa sementeryo. Wala na akong pake dun!

*Kruuugggsshh!

Nagpaparamdam na agad ang tyan ko ah! Makabangon na nga, magluluto nalang ako ng instant noodles. Tamang-tama sa klima dahil naulan!


Hmmm..

Start na ba talaga ang summer??🤔

*Blag!

A-ano yun?!😨

*Blag! *Blag! *Blag!

😨😨😨

May nakapasok sa apartment ko! Naririnig ko sila.. Oo sila, rinig ko na marami yung nasa labas.

"Ang harot naman! Tignan niyo nabasag tuloy!"

"Ssshhh!! Ang ingay naman!"

"Hoy tigilan niyo yan! Wag yan!"

"Ang cute!! Anong tawag dito??"

"Ahmm.. Basag na vase?? Saka flowers?? Ang ignorante mo naman,"

Sa paglabas ko sa kwarto ko. Tumambad sakin ang makalat na sala.

Mga unan sa sahig, may sira-sira na ring unan, sira ang sofa, at ...

At..

At..

YUNG VASE NA BIGAY NI MAMA!!😱😱😱 BASAG NA!!

Tumingin ako sa mga limang tao na nasa sala.

"HOY!! S-SINO K-KAYO?! MAGNANAKAW!! T-TULONG!! TU---HMMMMM!!!" May biglang sinenyas lang ang isang babae tapos bigla nalang natikom ang bibig ko.

Nakakatakot sila. Andami. 😵😵 Lima. Dalawang babae at tatlong lalaki. Mukha silang mga teenagers at magagara ang suot. Teka.. Ganito na ba mga magnanakaw ngayon??

"Paki-knock out muna siya. Nabigla yan kaya ganyan," may pagka-bossy na sabi ng isa sa mga babae.

Ano? Knock-out? Papatayin na ba nila ko?!😲

"Owkie😊," sabi pa noong isa pang babae na kumumpas kanina lang. Tapos kumupas ulit siya at pagkatapos nun, nawalan na ko ng malay.

××××

"Guyssss!!! Gising na siya!!" Excited na sabi ng isang babae.

Nang makita ko na sila ng malinaw, napakurap ako ng paulit-ulit. Naka-ilan akong kurap?? Mga 100 times siguro.

"Hi😊 sorry kanina, mukhang natakot ka namin. Don't worry, hindi kami magnanakaw or anything harmful that you think. Where just here kasi where finding color," mabilis na sabi ng babaing malapit sakin.

Kiss the Rain #summerlovefga18Where stories live. Discover now