"Nakakahiya ka talaga", sermon ni Keshia sa kanyang sarili ng sa wakas ay nakabalik na siya sa kanyang tinutuluyang backpacking hostel sa naturang isla.
"Bakit ba kasi nakasanayan kong magsalita nang mag-isa at nag-eenglish pa." magkahalong hiya at inis ang kanyang nararamdaman sa tuwing maiisip niya kung paano ngumiti nang nakakaloko ang lalaking iyon. Parang na sa sistema na talaga niya ang pag-eenglish.
"Hay kung hindi lang siya gwapo baka nasapak ko na." Napailing nalang siya sa naisip. Ayaw niya nang ganoong iniisip, ayaw na niyang humanga uli at baka mahulog na naman ang puso niya sa mga mapanlinlang na mundo nang pag-ibig. Sawa na siyang laging nasasaktan.
Nabadtrip na tuloy siya. Biglang nawala ang gana niyang maglakad-lakad sa may buhanginan ng mga sandaling iyon nang maisip na naman niya ang kanyang balat na ngayon ay namumula na. Ayaw niyang masunog.
"Hindi pwede,ayokong magkasunburn." bulong niya at dali-daling hinanap ang sunblock sa kanyang backpack. Kailangan niyang maglagay niyon ayaw niyang masunog. Oo ayaw talaga niyang masunog sa araw dahil nag-absent siya sa trabaho at ang rason niya ay may sakit siya. Pero totoo naman talaga na may sakit siya, sakit nga lang sa puso. Saka na niya poproblemahin ang medical certificate kung saan siya makakuha nito para isubmit sa deployment as proof na nagkakasakit nga talaga siya. Kaya hindi siya pwedeng masunog para hindi siya mahuli na nagsisinungaling.
Oo maputi naman talaga siya. Mestisahin ang kanyang beauty. Mukha nga siyang hindi anak ng mga magulang niya eh kasi purong pinoy beauty ang mga ito. Sabi naman nang nanay niya pinaglihi daw siya sa isang Hollywood actress noong ipinagbubuntis pa lang siya. Tumawa lang siya kasi hindi siya nagpapaniwala sa ganoong mga paniniwala. She believes in science. Mas kapanipaniwala pa ang paliwanag ng kanyang ama na namana daw niya ang angking ganda sa yumao nitong mga ninuno. Mga mestizo daw ito kaso hindi daw nakuha nang ama niya ang kagwapohan nito. May hitsura naman ang mga magulang niya, hindi naman talaga ito pangit siniswerte lang talaga ito na nakapanganak nang sobrang ganda na tulad nila. Ang kapatid nga niyang si Raymond ay napakagwapo din. Minsan nga binibiro sila ng mga pinsan nila na ang swerte daw ng mga magulang nila sa pag-ampon sa kanila. Tinawanan lang nilang lahat.
Bigla na naman siyang nalungkot ng maalala ang hinayupak na lalaking nang-iwan sa kanya. Oo maganda nga siya pero malas naman siya sa pag-ibig. Maraming nagpapalipad hangin sa kanya pero hanggang doon lang iyon kasi tinarayan niya kaya hanggang patingin tingin nalang except nalang sa isang lalaking medyo makapal ang mukha at hindi tinablan nang kasungitan niya..si Jerome. Si Jerome ay masigasig na nanligaw sa kanya. Parang maamong tupa ito sa harap niya, mahal na mahal daw siya nito noon pang unang kita nito sa kanya at gagawin daw nito ang lahat para matutunan siyang mahalin ni Keshia. Araw't gabi ay hatid sundo siya nito sa bahay galing sa trabaho. Napakagentleman at napakalambing ni Jerome hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob niya dito at hindi na niya namalayan na mahal na mahal na pala niya ito. Parang hindi niya na maisip na mabuhay nang wala si Jerome sa tabi niya ngunit isang umaga nagising nalang siyang wala na ang lalaki sa buhay niya. Ang dating makulay na pag-iibigan ay naging isang bangungot para kay Keshia. Halos hindi na sila nagkakausap hanggang nalaman nalang niya na nagresign na ang lalaki sa pinagtatrabahoan nila. Pinutol ni Jerome bigla ang komunikasyon nila na wala man lang sinabing rason kung bakit. Kaya nahihirapan si Keshia na magmove on. Hindi siya makapaniwala na basta basta nalang siya iwan nito na walang dahilan. Ayaw niyang magalit dahil baka may malalim na rason ito ngunit ilang buwan na siyang bigo hindi parin bumabalik ang lalaki para magpaliwanag sa kanya. Hindi siya makatulog, hindi makakain pati trabaho niya naapektuhan na. Ilang buwan din siyang wala sa sarili. Hanggang dumating ang time na naisip niyang tama na ayaw na niyang umiyak. Kaya hito siya sinisimulan na ang pagmomove on.
Napapangiti nalang siya nang maalala ang gwapong lalaki kanina sa beach.
"Gwapo sana kaso mukhang mananakit lang ng babae iyon", napailing nalang siya sa naisip.
Keshia magmomove-on ka pa at huwag ka nang magpapaniwala sa mga lalaki, paalala niya sa sarili.
Don't forget to vote. Thanks!💕
BINABASA MO ANG
Irresistible Kiss
RomanceA stunning Keshia Louise Gonzaga meets Mathew Rogers, a devastatingly gorgeous stranger who always steal her a kiss. Imbes na magwawala siya sa biglang panghahalik ng estrangherong ito ay bakit ang kanyang mga labi ay kusang gumaganti rito. They a...