AN: Eto yung sinasabi kong bagong story. Tho, sisimulan ko s'ya after pa nung ABD, PS, and SYIH. Ipinost ko lang s'ya para may idea kayo kung tungkol saan s'ya. Kailangan daw kasi ni jpaulineee ng bagong story na mababasa, kaya yan, nag-isip ako. Char! Haha.
And dahil don, s'ya yung gumawa ng book cover, cute no? Galing talaga ng Labidabs ko, haha.
So, eto na. Sana, masuportahan n'yo din s'ya tulad ng iba. Lablab.
=======================================
MIKAELA'S POV:
"So, Mikee, kelan mo ba talaga sasagutin si Papa Jerome? Aba, halos 1 year na s'yang nanliligaw sa'yo ah? Ayaw mo namang bastedin dahil sabi mo, gusto mo s'yang bigyan ng chance. Eh kamusta naman na pinapaasa mo s'ya sa wala?" itinigil ko muna yung pag-aayos nung script na kailangang idistribute sa mga talents namin at ngumiti sa kaibigan kong makulit.
"Well, bago ka kasi magtatalak dyan, gusto ko pong sabihin sa inyo na napag-isip isip ko po na kapag nagtanong ulit s'ya sa akin ngayong gabi, sasagutin ko na s'ya. Tama ka, medyo matagal ko na nga s'yang pinaghintay. And he deserves to be happy." nakangiting sagot ko naman.
At syempre, dahil kaibigan ko s'ya, kilalang-kilala nya ako, matiim s'yang tumingin sa akin.
"Eh ikaw, masaya ka ba?" seryosong tanong nya.
At para maitago yung kung ano mang nararamdaman ko, mas lalo akong ngumiti sa kanya.
"Hindi ba halata?"
Tumango-tango naman sya pero hindi mukhang convinced.
"So, nakalimutan mo na s'ya?" tanong pa n'ya at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bakit kailangan pang ipaalala yon?
"Sino?" maang-maangan ko naman.
"Si 'stranger' mo. Your first love, remember? Yung nakachat mo lang ng ilang beses, nainlove ka na. Jusko, eh ni hindi mo nga alam kung totoong tao ba yon no! Ni hindi mo nga alam yung itsura. At eto pa, hanggang chat lang talaga kayo ha! Wala man lang audio or video call. Medyo nakakapaghinala kaya 'yon" pinilit ko pa ring hindi magpaapekto.
"Nakalimutan ko na yon no! Ang tagal na non. At sabi mo nga, sinong tanga yung magmamahal sa isang tao na ni hindi mo pa nakikita." I tried to hide kung ano man yung nararamdaman ko.
"Good. At least, marunong ka naman palang makinig. And happy ako para sa inyo ni Papa Jerome, hihi." nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko yon. Buti na lang.
"O sya, maiwan muna kita at may kailangan pa akong asikasuhin don." sabi nya after nya akong yakapin.
I sighed nung naiwan na lang akong mag-isa sa may table ko. Bakit kasi kailangan ko ulit s'yang maisip? Hindi na dapat eh. Hindi na dapat.
Pero at least, pipilitin ko na syang makalimutan ngayon. At sana, magawa ko yon.
"Kadiri ka talaga. Ang corny mo." pinagpatuloy ko yung ginagawa ko nang may marinig akong nag-uusap. Hay, sinasabi na sa kanilang bawal yung maingay sa side na 'to.
"Hoy! Nauso naman kasi yon, so sinubukan ko."
"Yahoo messenger? Jusko, napakamakaluma ha!" ugh! Bakit ba ang lakas ng boses nila? Di ba nila alam na may nagttrabaho dito?
"So? At least, may mga nakausap ako don. Mga naging friends. Inggit ka lang kasi dahil wala kang kaibigan."
"Siraulo! Ikaw kaya, kaibigan kita." naiiling na lang ako na pinagpatuloy yung ginagawa ko. Mamaya ko na lang sila papagalitan. "Eh teka, naalala mo pa ba yung username mo don?"
Tumahimik naman yung paligid kaya akala ko, nakaalis na sila.
Pero bigla kong nabitawan yung hawak-hawak ko nang narinig kong sumagot yung isa.
"A lost stranger".
WTF!