MIKAELA'S POV:2018
"Miks? Miks? HOY MIKAELA!" napatigil ako sa paglalakad nang bigla akong harangin ako ni Ara.
"WHAT?!" inis na sabi ko sa kanya habang nagpupumiglas. F*ck! Kailangan kong malaman kung sino yung nagsalitang yon kanina. Hindi agad kasi ako nakalabas at nakasunod kanina dahil medyo nanghina ako nung narinig ko yung sinabi n'ya. Kailangan kong itanong kung s'ya si lost stranger na pinasakay lang ako sa mga chats n'ya and pagkatapos, hindi na nagparamdam.
At isa pa, bakit babae yung narinig kong nagsalita kanina? Ang alam ko, lalaki yung lagi kong kausap. Hindi s'ya pwedeng maging babae. NO! Lalaki s'ya. Lalaki si CJ. Tama. Kaya nga CJ eh, lalaki kase. Hindi s'ya babae.
Pero kailangan kong tanungin yung babaeng narinig ko kanina kung saan n'ya nakuha yung username na 'yon. Or baka nagkapareho lang naman sila. Baka yung sa kanya, a.lost.stranger, or aloststranger. Yung kay CJ kasi a_lost_stranger. Kaya kailangan ko s'yang makausap ngayon.
At kung hindi siguro ako hinarang nitong babaeng 'to, malamang, naabutan ko na s'ya.
"Ay wow. Anong nangyari? LQ agad kayo ni Papa Jerome kaya beast mode ka agad? At saka, kanina pa kasi kita tinatawag, pero hindi mo ako pinapansin. May sinusundan ka ba? Kanina ka pa kasi lingon ng lingon eh." tanong n'ya habang sinusundan yung tingin ko.
"M-may kailangan lang akong hanapin na talent." napa-'oh' naman s'ya at tumango, pero nagtanong ulit. "Bakit?"
Inisip kong sabihin na sa kanya yung narinig ko kanina, pero pinigilan ko yung sarili ko. Nope. Wag muna. Kailangan ko munang makisigurado bago ko sabihin sa kanya.
"M-may, may nirevise kasi ako sa script, and gusto ko lang malaman kung sino sa kanila yung mag-aact non. Tama, yun nga." pagsisinungaling ko sa kanya.
Parang nagdududa naman s'ya sa sinabi ko, pero wala na lang nagawa kundi tumango.
"Dun sa may right side yung mga talents. D'yan sa kaliwa yung mga artista natin eh." sabi pa n'ya kaya napangiti ako. Buti na lang, naniwala s'ya sa akin.
"S-sige. Iccheck ko lang sila, tapos ano, ano---" at bago pa ako makatapos sa kasinungalingan pang iniisip ko, biglang may nagsalita sa likod namin, at base sa ngiti ni Ara, parang kilala ko na kung sino.
"Hello girls." kinalma ko muna yung sarili ko, bago humarap ng nakangiti dito.
"Hi, Jerome." ang wrong timing naman o. Alam mo yon? Kung kelan ka may hinahabol at kailangang kausapin, saka pa may ganitong dadating.
Malamang, hindi ko pwedeng dedmahin 'to dahil kukulitin na naman ako ni Ara tungkol sa sinabi ko kanina. Pag sinuswerte ka nga naman.
"Hi Miks. Nakakaistorbo ba ako?" OO.
Umiling naman ako. Ugh! Next time ko na lang aalamin kung sino yung narinig ko kanina. Hindi ko na rin naman mahahabol dahil sa pag delay nitong dalawang 'to.
"No. No. Hindi naman masyadong importante yung gagawin ko." pinilit kong itago yung inis na nararamdaman ko. Ayun na kasi eh. Pero baka hindi naman talaga si CJ yon. Nabanggit lang siguro talaga s'ya ni Ara kanina kaya kung anu-ano na lang yung naririnig ko.
Tama, dito na lang muna ako kay Jerome magfofocus ngayon.
"Good. Dumaan lang ako dito dahil medyo malapit s'ya sa condo ko, and naisip ko din na dalhan kayong dalawa ni Ara ng food. Nabanggit kasi n'ya na minsan daw, nauubusan kayo ng pagkain dahil nagkakamali yung bilang sa mga extra n'yo." nakangiting sabi n'ya kaya napataas yung kilay ko kay Ara na nakapeace sign sa akin.