MIKAELA'S POV:"In fairness, maganda nga si Ate ha. Mas maganda pa sa'yo, Mikee." gigil naman na tiningnan ko si Ara. Kanina pa kasi n'ya ako kinukulit na ituro sa kanya si CJ. Tapos nung itinuro ko na, ayan, paulit-ulit n'ya yang sinasabi. Oo na nga, mas maganda na nga sa akin, unli lang sa kakasabi ng ganon?
"Ay, pero parang ang sama pa rin ng tingin sa'yo. LQ agad? Nakasimangot eh. Parang mas bet ko yata 'yung loveteam n'yong dalawa ni Stranger kesa kay Jerome. Love and Hate relationship na, Against All Odds pa. Ay bet! Titiwalag na ako sa #JerKee, dito na ako sa bag—aray!" naiinis na siniko ko na s'ya kaya hindi na n'ya naituloy yung kalokohan n'ya. Jusko, kung anu-ano yung pinagsasabi. Mas bet ko pa yung kaming dalawa ni Jerome yung pinagpapartner n'ya. Kesa naman dito sa CJ na 'to diba?
Pero palihim kong sinulyapan yung babaeng kanina pa namin pinag-uusapan. At tulad ng sinabi ni Ara, nakasimangot nga ito pero hindi na sa akin nakatingin.
Bakit ganon? Medyo unfair talaga yung life. Bakit may mga babae na kahit di naman nagmamaganda or di nagpapacute, sadyang maganda pa rin? Yun bang nakasimangot na s'ya, pero ang ganda pa rin? Hindi nakakasawang pagmasdan yung mukha n'ya.
Don't get me wrong ha. Nagagandahan lang naman ako sa kanya at yun lang 'yon. Hindi ako attracted sa kanya. Hindi dahil feeling namin ni Ara na s'ya si CJ, eh magugustuhan ko na s'ya. Iba yung feelings ko para dun sa CJ na nakakausap ko noon. At magkaiba silang dalawa.
"Matunaw yan 'te. Sige ka, mababawasan tayo ng isang talent." namumula namang inalis yung tingin ko kay CJ. Lecheng Ara kasi 'to, ang daming alam. Akala ko ba si Jerome dapat? Na hindi dapat mainlove sa taong di pa nakikita? Tapos nung nalaman n'yang may isang tao na pwedeng maging si Stranger, biglang nagbago yung ihip ng hangin.
"Manahimik ka na nga lang dyan. May makarinig pa---" ang bruhang 'to, biglang nawala sa tabi ko.
Nanlaki yung mga mata ko nang makita kung saan s'ya pupunta. At bago ko pa s'ya mapigilan, nakangiti na s'yang lumapit dun sa CJ na 'yon at sa kaibigan n'ya.
"Hi. May I know your name?" narinig kong tanong n'ya dito.
Takang tumingin naman sa kanya yung isa pero ngumiti din nung nakilala s'ya. Malamang, si Ara yata yung magpapasweldo sa kanila no. Kapag dinedma nila yan, baka dedmahin din sila kapag bayaran na.
"Chloe Janezcha po. Pero CJ na lang po." nakangiting sabi naman nung isa. Wow ha, ang bait ah. Ibang-iba sa itsura n'ya kanina. Yun bang parang ako yung may kasalanan sa kanya. Eh s'ya nga yung haharot-harot kaya hindi n'ya napansin na may mababangga s'ya.
"And you are?" tanong din ni Ara sa kaibigan ni CJ. Ay wow, para nga naman hindi halatang dun lang s'ya kay CJ interesado.
"Quinnie po." pakilala din nung kaibigan ni CJ.
"Natatandaan ko kayong dalawa. Kayo yung huling nag-audition nung isang araw diba? Muntik pa nga kayong hindi makapasok non." napakunot naman yung noo ko sa narinig. Bakit hindi ko alam yon?
"Ay opo. Buti na lang po, tinulungan n'yo po kaming dalawa nitong si CJ. Kailangang-kailangan po kasi namin talaga 'to. Pasensya na po at hindi kami nakapagpasalamat nung time na 'yon. Nawala po kasi kayo." sabi nung Quinnie.
"Nagmamadali kasi ako non. Kailangan ko kasing puntahan yung friend ko. Speaking of my friend, s'ya yung sumulat ng script dito, wait, ipapakilala ko kayo. Asan naman ba ---" oh no. No, no, no, no. No Ara. Nakita kong nagsmirk s'ya nung makita n'yang nakatingin ako sa kanilang tatlo.
Akmang tatalikod ako para lumayo, pero nakalapit agad sa akin si Ara at nahawakan agad ako.
Nagpipilit akong kumawala pero parang lakas-lakas ng bwisit na babaeng 'to. Agad akong nadala sa kung nasaan yung dalawa. At kahit ayaw ko, wala akong nagawa kundi tumingin kay CJ at dun sa kaibigan n'ya.