Chapter 2

1.5K 134 17
                                    


MIKAELA'S POV:

2012

'a_lost_stranger: sa almost 2 months na magkausap tayo, yun talaga yung mga araw na sobrang saya ko. So, thank you. Thank you for coming into my life. Akala ko noon, hahayaan mo na akong mag-isa.'

Napasmile naman ako nung mabasa ko 'yon. Pareho kami. Akala ko nung una, trip-trip n'ya lang talaga and hindi ko naman sana talaga sasagutin yung messages n'ya. Kaso naisip ko, papa'no kung seryoso pala s'ya at totohanin n'ya yung banta n'ya? Eh di konsensya ko pa 'yon diba?

At sa simpleng reply  ko na 'hello', dun pala magsisimula yung isang malalim na pagkakaibigan namin.

Ang dami-dami n'yang kwento. And yung huli nga, about sa ex girlfriend n'ya. Sabi nga n'ya, naghiwalay silang dalawa noon dahil hindi daw s'ya maipaglaban nung isa. Hindi na rin ako nagtanong about sa ibang details dahil nung time na 'yon, alam kong nasasaktan pa rin s'ya. And ayoko namang 'patakan ng kalamansi' yung sugat dahil baka mas masaktan s'ya at kung ano pa ulit yung isipin n'yang gawin.

Pero ewan kung bakit pumasok sa isip ko na kung ako yung ex girlfriend n'ya, hinding-hindi ko gagawin sa kanya 'yon. Ipaglalaban ko s'ya. Mahal ko diba?

Whoa! Stop there Mikee, anong mahal-mahal? Ano yang pinag-iisip mo dyan? Ni hindi mo pa nga nakikita yang taong yan no!

Ipiniling ko na lang yung ulo ko bago i-type yung reply ko.

'sum1foru: No need to say thank you, ginusto ko rin naman. And sana, hindi lang hanggang dito yung pagkakaibigan natin. Sana mameet kita in person.'

Isang smiley lang yung natanggap kong reply. And before ako matulog nung gabing yon, hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman habang iniisip na pwedeng magkita kami sa personal ni CJ. Parang may kung anong kumikilti sa tiyan ko, pero hindi ko maintindihan.

Soon, CJ. Soon.

***

2018

"No, no no no no! Hindi 'yon si CJ. Hindi pwede. Hindi ako papayag na babae yung kinakausap ko noon at natutunan kong mahalin. Hindi ko pinangarap mapabilang sa LGBT community na yan no! Well, not that hindi ko sila sinusuportahan. It's just that, ayoko lang maging isa sa kanila. Sabi ni Papa, kasalanan yon sa Diyos. Kapag sinasama nila kami sa pagba-bible study nila ni Mama and sa mga prayer meetings nila, mula nung bata kami, isinaksak na nila sa isip namin na kahit kalian, hinding-hindi pwede kahit kailan na ang babae ay magkagusto sa babae, at ang lalaki sa lalaki. Ang babae daw ay para lang sa lalaki, tapos. At isa pa, papa'nong s'ya si CJ, eh sabi nga n'ya sa akin na may ex-girlfriend s'ya diba? So lalaki s'ya, tama? Lalaki lang naman yung pwedeng magka-girlfriend diba? At isa pa, masyado namang maganda yung babaeng 'yon para maging lesbian na pumapatol sa kapwa n'ya no! So nope, hindi yun si CJ ko. Hindi s'ya si stranger ko. Tama, hindi s'ya yon! Hindi s'ya si CJ!!" pagkatapos naming magbanggaan nung babaeng 'yon kanina, inihatid na lang ako ni Jerome dito sa tent at sinabing wag ko na s'yang ihatid. Magpahinga na lang daw ako dito.

Pero papa'no ako makakapahinga kung ginugulo naman ng babaeng 'yon yung isip ko? At bakit may kung anong kumiliti na naman sa tiyan ko nang magkatinginan kami kanina. Pero agad din iyong nawala nung irapan n'ya ako at talikuran. Ni hindi man lang nakuhang magsorry. Ang kapal ng mukha n'ya ha!

Tapos ngayon, eto, kung anu-ano yung pumapasok sa isip ko dahil sa kanya.

"Sinong hindi si CJ mo? Sinong hindi si stranger?" agad naman akong napalingon sa may harap ng tent dahil sa tanong na 'yon.

Uh-oh.

Nagtatanong naman yung mga mata ni Ara sa akin.

"Anong babae si CJ? Nakita mo s'ya? Yung first love mo?" sunud-sunod na tanong pa n'ya.

How to Unlove Mr. (Ms.) StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon