IS THIS THE END?
"Ano ba yan! wala kana namang trabaho!!? palibhasa kase napaka tamad mo!! di mo manlang pinagtiisan kahit isang linggo man lang!!" Pagsilyak saakin ni mama.
"Kase nga inispoiled mo yan ma, na walang trabaho kaya ganyan yan." banggit pa nang napakakontrabida kong ate .
"Pasensiya na ma di ko na talaga kaya sa pinapasukan ko" naiiyak kong sagot .
"lahat naman di mo kaya! di mo kaya nito,di mo kaya yan! panay kang reklamo! patanda kana ngunit pabata ka paring mag-isip!" panggagalit pa ulit ni mama.
"Atsaka tumigil kana diyan sa pag kokoreano mo! kaya nagkakaganyan utak mo!" sambit pa niya ulit .
"Ma, ayoko mahal ko sila pangako maghahanap na ako nang panibagong trabaho" halos humagolhol kung sabi.
"Ewan ko sayo di ko na alam gagawin ko puro kahihiyan binibigay mo saakin!" sigaw ni mama saakin.
Di ko na pinkinggan iba pang sinasabi ni mama tuluyan na akong pumasok saaking kwarto.
walang kwenta,tamad,bobo yun lagi ang naririnig ko mula sa bibig nina mama at ate hindi naman sila masyadong masama nang inaakala niyo sa totoo lang kase ganon talaga akong tao ewan ko ba bat ganto ako ang bilis ko magive up sa ano mang struggle ibigay sakin ni god .
Iris Quinzel Fortalejo yep thats my name they call me 'Quiin' but for me iam the 'Useless Queen' 19 years old na ako at wala parin akong naachieve sa buhay ko .
Madalas akong ikumpara nang mga tita at tito ko sa ate ko kase sobrang sipag niyang magtrabaho hindi tulad saakin napakatamad si ate kris na sana mag-aahon samin sa hirap ngunit napaaga ang kanyang pagbubuntis kayat saakin natuon lahat nang pangarap ni mama para sakanya.
Simple lang naman pamumuhay namin hindi naman sobrang hirap nasa tama lang.
Mahilig ako sa mga k-drama's at k-pop kung kayat doon nila sinisisi kung bakit ako tamad .
Di naman ako humihiling na sana bilhan nila ako nang ganito o ganyan sana suportahan nalamang nila ako sa kung anong gusto ko nakakalungkot lang kase sila pa ang main basher nang mga idol ko.
hindi ako gaano kaganda marami akong tigidig sa mukha inshort 'pimples' di rin ako sexy at hindi rin ako payat tama lang ang laki nang pangangatawan ko .
Di na ako nakapagtapos nang college dahil sa pagiging always 'NEGA' ko ayoko kase gumastos si mama nang pera pang tuition kase baka bumagsak ako. Kayat nagsimula na akong magtrabaho nung 16 years old na ako madami na akong nasubukang trabaho mula sa pagiging sales lady,tindera,katulong,manlalaba at pinaka huli cook sa isang kilalang fast food restaurant . May kung anong sumpa na laging nakakabit saakin dahil sa tuwing napapagod ako o kaya naman ay napapagalitan aalis na agad ako sa aking pinapasukang trabaho matagal na para sa akin ang dalawang buwan na pagttrabaho .
Sa tuwing nawawalan ako nang trabaho ako ang nagbabantay sa dalawa kong pamangkin na si nataniel na ngayoy apat na taong gulang na at si krishna na pitong buwang gulang palamang.
Namatay na ang ama ko kung kayat kami nalang nina mama at pamilya ni ate ang nakatira sa bahay .
--------
Di ko mapigilang umiyak dahil sa mga pinagsasabi ni mama di ko na alam ang gagawin ko dahil nangutang pa siga nang panggastos para lang sa pang requirements para sa pagtrabaho ko ngunit di ko pa nga nababawi ang nagastos ni mama ay umalis na agad ako.Alas dos na nang madaling araw ngunit di ko parin mapigilang umiyak. I feel so lonely, i feel unworthy, i feel lost halo halong emosyon ang aking nadarama dahil narin sa mga pangyayari sa buhay ko pakiramdam ko napaka walang kwenta kong tao kasi palagi nalang ako sumusuko .
I dont know what suddenly comes to my mind dahil kahit mag uumaga na ay lumabas parin ako nang bahay tumakbo ako nang tumakbo na di manlang nagsuot nang kahit anong sapin sa paa .
Before i knew it nasa tulay na ako medyo malapit lang kase saamin ang tulay nang napaka laking ilog sa lugar namin .
Umakyat ako sa harang nang tulay .
Nasa taas na ako habang nakatitig sa malalim na tubig nang ilog .I can still hear the voices of my mom and sister through my head that pushed me to carelessly jumped to the river.
Malamig..sobrang lamig nang tubig palalim na nang palalim ang paglubog ko sa tubig .
Unti-unting nawawala ang liwanag mula sa buwan na aking tinitignan habang ako ay hinahatak nang tubig pailalim pa .
Naninikip na ang aking dibdib dahil narin sa kawalan ko nang oxygen.
parang pinipisil ang puso ko sa sakit dahil sa hindi ko pahinga .
Pumikit nalamang ako nang dahan dahan upang matapos na ang aking paghihirap .
Wala akong ibang maramdaman o marinig sobrang dilim ang aking tinatahak na daan.
Walang liwanag, at wala akong maaninag .
Totoo nga bang patay na ako?
Ito na ba ang aking katapusan? .
-Dwjhrngitae🐷🐯
YOU ARE READING
The Unknown World
FanfictionThis story was a taehyung fanfiction where some magical turn out of events has been made would you like to live as the person you dreamed to be or would you live as the person you already living . Would this two worlds can change you fate or would t...