IS THIS ME?
Makalipas nang ilang araw
"Sa wakas makakalabas narin ako nang hospital!" wika ko sa aking sarili ngayon na ang araw na ang pagdischarge ko sa hospital na to ilang araw ko ring pinagtiisan ang amoy nang hospital na to mas lalo ata ako magkakasakit dahil sa amoy di naman sa nandidiri ako kundi kakaiba lang talaga ang amoy kapag nasa hospital ka .
Nagsimula na kami ni mama mag-impake nang mga gamit ko nabigla nga ako sa mga tatak nang damit ko LV,CH at PRADA abughhh sosyal mayaman na ba kami? .
si ate na ang nag ayos nang bill ko pagkatapos ay lumabas na kami nang hospital ngunit bago paman kami makalabas sa pinto ay pina-suot ako ni ate nang salamin at mask bakit kaya? Artistahin lang ang peg.?
nabigla ako nang may mga nakaunipormeng mga lalaki ang nag aabang saamin ano sila men in black? di nagtagal dumomog yung mga reporters papunta sa direksyon ko at nag umpisa akong kuhanan nang mga litrato at magtanong .
"Totoo ho bang may amnesia si ms.fortalejo" Tanong nang isang reporter
"Sino na hoh ang bagong magpapatakbo nang TLC?" rinig kong tanong nang isa pa.
"Ako muna ang mamahala sa TLC no more further answers excuse me". Sagot ni ate sa mga ito .
At tuluyan na akong pinasok nang mga men in black sa isang malaking kotse .
"Are you okay?." Pag aalalang tanong ni ate.
"oo naman ate ayos lang bakit ba ako pinagkakaguluhan nang mga tao artista ba ako?". Pagtatanong ko kay ate.
"Ieexplain ko sayo sa susunod na araw sa ngayon magpahinga ka muna sa kwarto mo." Matipid na sabi saakin ni ate no bayan may pathrill pang nalalaman si ate.
Nang tumigil ang sasakyan labis ang aking pagkamangha nang dumunaw ako sa salamin nang kotse isang napakalaking gate ang nasaharapan namin at sa likod nito ang isang mansion na akala ko ay makikita ko lamang sa mga k-drama.
mas lalo akong napanganga nang makita ko ang kabuoang laki nang mansion at ang ganda nito .
"Welcome home mam quiin". Bati saakin nang mga cosplayer na nasaharapan ko bat kaya ganto tong mga babae na to parang mga anime yung maid outfit nila cosplayer ba ang mga to?
"Thankyou." Yun nalamang ang nasabi ko sana mayroon din akong ganyang damit .
May lumapit saamin na medyo may edad nang babae mukhang andito pala si ms. Minchin asan kaya si sara? charot.
"Welcome home mam quiin" sabi nang meyo may edad nang babae na naka maid outfit ngunit mahaba eto at mas pormal para nga siyang si ms.minchin sa princess sara. Yumoko eto sa harapan ko. oo na kanina pa kayo welcome nang welcome ulit ulit.
"Salamat." sabi ko sakanya yumuko rin ako dahil yumuko rin siya .
"Siya si mrs.celia siya ang head mistress sa mga mga katulong kung may kailangan ka o ano pa tawagin mo lang siya dadalhin ka niya sa kwarto mo sige na sumama kana sakanya at may aasikasuhin pa ako." Wika ni ate saakin .
"nasaan sina mama ate?" tanong ko kay ate .
"Mamaya pa dating nila may inasikaso lang sige na pahinga kana" sabi ni ate sabay beso saakin. huwaw close kami.
tinanaw ko nalamang si ate habang papalabas sa malaking pinto .
"Mam, quiin sumunod po kayo saakin." Banggit ni ms.minchin ay mali mrs.celia pala . Tahimik ko naman siyang sinundan sa likod namin ang mga cosplayer daladala ang aking mga bagahe.
tumigil kami sa plain white and gold na pinto at binuksan eto ni ms.minchin ay mrs. Celia pala bobo ko talaga .
napamangha naman akong talaga dahil sa laki nang espasyo nang kwartong iyon halos ganto kalaki bahay namin noon .
Sa gitna may isang king sized bed na may apat na pellars nakapalibot dito sa harap ang isang napakalaking TV screen at sa baba nito ang isang mababa at malapad na shelf na puno nang mga DVD's at libro dalawang malalaking bintana ang nasa kwarto ko at sa labas nito ay may maliit na balkonahe.
Sa gilid naman nang kama sa kanan ay nakalagay ang computer set at sa kaliwa naman ay maliit na desk na may lampara sa ibabaw nito at magandang litrato ko naman lang at happy family picture shala may paganyan si mayora.
May maliit din na refrigirator malapit sa kama ko na punong puno nang mga pagkain at inumin . Sa tabi naman nito ang malaking aircon .
dalawa ang pinto ang nasa kwarto ko Yung nasa kaliwa at nasa kananan malamang isa rito CR dahil ako ay lumaki bilang isang pooritang tao at ngayon lang makakaranas nang karangyaan agad ako pumasok kaliwang pintuan at pagbukas ko rito bumungad saakin ang malaking bathtub na may shower sa harap nito isang magandang salamin at isang shelf na punong puno nang mga mamahaling shampoo at sabon maganda pa yata ang CR nato kesa dun sa bahan namin dati.
Nang pagbukas ko naman sa kanang pintuan ay halos malaglag ang panga ko sa dami nang branded clothes,bag,shoes at kung ano ano pang kasosyalan ang nandoon heaven ba to? Sana di na ako umalis dito .
"Mam,kung may kailang pa ho kayo tawagan niyo lang po ang numerong nakalista riyan sa telepono." natigilan ang aking pagpapantasya nang makalamutan kong andito pa pala si minchin and her friends .
"Oo sige makakalabas na kayo." Sabi ko may mrs.celia and her pwends at lumabas na sila sa kwarto ko.
Pag labas nila agad akong tumalon sa ibabaw nang malambot at malaki kong kama . "Mapapasarap tulog ko nito aircon ang kwarto ko kahit di na yata ako lumabas andito na lahat nang kailangan ko." pagkakausap ko saaking sarili .
Nag pagulong gulong ako sa kama nang biglang may mahulog na magazine at nakita ko ang mukha ko rito .
"Sabi na nga ba artista ako". Sabi ko saaking sarili binuksan ko ang pahina nang magazine at binasa ang mga artikulo tungkol saakin .
Doon ko lang nalaman na isa pala akong business woman na may ari nang isa sa pinakamalaking companya sa pilipinas ang The Fortalejo's Company.
at ayon rin sa magazine kinamanghaan ako nang mga tao dahil sa sipag ko at dahil sa murang edad ko isa na akong bilyonarya.
Maging ako rin ay namangha sa aking sarili dahil ibang iba ang pagkatao nang iris quinzel fortalejo na nandito kumpara saakin .
Napaisip ulit ako kung bakit andito at buhay na buhay si papa at kung bakit wala ang mga pamangkin ko at di sila nag eexist .
and my mind made up with one conclusion "kabaliktaran" wala sa mundo ko si papa dahil patay na siya at dahil kabaliktaran ito kaya andito siya at buhay . Tamad ako at walang kwenta sa mundo ko ngunit dito successful at talaga namang napakasipag ko. May mga pamangkin ako sa mundo ko at dito ay wala naguguluhan ako sa mga nangyagari dito .
Ito ba talaga ako?
paano kaya ako makakabalik sa dati kong mundo? Possible kayang andun din sa mundo ko ang iris quinzel fortalejo dito? Asan na kaya siya?
what is this unknown world?
mga katanungan nalamang na ito ang nanatili sa isip ko.
-dwjhrngitae🐷🐯
YOU ARE READING
The Unknown World
FanfictionThis story was a taehyung fanfiction where some magical turn out of events has been made would you like to live as the person you dreamed to be or would you live as the person you already living . Would this two worlds can change you fate or would t...