I'M ALIVE!
Madilim sobrang dilim ang tinatahak kong daan ngunit may naaninag akong isang puting liwanag.
baka doon na yata ang daan papuntang langit tumakbo ako nang tumakbo patungo sa liwanag na iyon nang makarating ako roon biglang sobrang liwanag na nakakasilaw ang aking nakita .
Napabalikwas ako dahil sa liwanag na nakita ko hinahabol ko pa ang aking paghinga .
nang imulat ko ang mata ko may kung ano anong tube ang nakalagay sa ilong at kamay ko.
nang tumigin ako sa bandang kanan nakita ko ang gulat na gulat na mukha ni mama at ni ate at kung sino mang lalaking halos kasing edad ni mama .
"Nak! mabuti at gising kana!! salamat sa diyos" naiiyak na sabi saakin ni mama habang yakap yakap niya ako.
"Hoy quiin! ano bang ginagawa mong bata ka bat ka nasa ilog!? mabuti gising kana." Pag aalala niyang banggit sabay yakap saakin.
"Pasensiya na ate at ma--" di ko pa natatapos ang aking sasabihin nang bigla akong niyakap nang lalaking kasing edad ni mama .
"Mabuti at ligtas ka di ko alam ang gagawin ko kung hindi mo minulat ang iyong mga mata" sabi nito ramdam ko na umiiyak siya dahil sa paghikbi niya habang yakap ako.
Labis ang aking pagkagulat kung kayat hindi ako makasagot sakanya .
"Ang anak ko mabuti at buhay ang anak ko" sabi pa nito
"A--NAK!!?" utal-utal kong banggit dahil sa labis kong pagkabigla.
binitawan ako nang medyo may edad nang lalaki mula sa pagkakayakap niya saakin.
nakita ko ang pagtataka sakanyang mukha dahil gayon din naman ang aking nararamdaman .
"Anak di mo kilala ang papa mo?" tanong saakin ni mama.
"bakit ma, nag asawa ka ulit? ilang taon ba akong tulog!?" pagtatanong ko kay mama.
"anong nag asawa ulit? ang papa niyo lang naman ang tanging pinakasalan ko" sagot ni mama
"diba matagal nang patay si papa? mula nung bata palang kami" pagtatanong ko ulit kay mama yun naman talaga alam ko ehh.
"Aba siraulo to ! tadyakan kita riyan ehh! buhay pa si papa langya ka!" pang gagalit saakin ni ate.
"Di ko naman talaga-" di ko pa ulit natatapos sasabihin ko nang makita ko ang reflection nang mukha ko sa nakabitin na salamin sa hospital.
"Hala! Bat wala nang mga tigidig!!?" lubos na pagkabigla kong sabi nang makita ko mukha ko.
"Atsaka bat ang lambot nang mukha ko? Uyy sexy narin ako!" Pangkikilatis ko sa pangagatawan ko.
"Ganto ba talaga ma, pag nahohospital gumaganda?" tanong ko kay mama.
"Talagang ginagalit ako nang batang ito!!" pagsisigaw ni ate .
Muntik na akong mabatukan ni ate sa ulo nang biglang pumasok ang doctor at labis ang pagkagulat niya nang makita ako.
"Doc, bat parang nag-iba ang anak ko? Parang wala siya sa sarili niya di niya rin kilala ang kanyang papa." pagtatanong ni mama sa doctor
"We don't know how did this miracle happened mrs. dapat nalang tayo magpasalamat dahil nagising pa siya at bumalik agad ang kanyang sigla." sabi nang doctor kay mama.
"Maybe this was the side effects nang kanyang pagkakalunod may mga bagay na hindi niya matandaan. If im not mistaken may amnesia siya sa ibang mga bagay." dagdag pa nito.
"Amnesia? ibig sabihin di niya ako matatandaan doc?" pagtatanong nang lalaking nagpapakilalang ama ko is he really my father.
"Im sorry to say mr.fortalejo if thats the case maaring oo" . Sagot nang doctor.
Napaupo nalamang sa sobrang pagkabigla ang nagpapakilala kong ama.
ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang mukha ngunit wala akong magagawa wala naman talaga akong kinagisnang ama.
"Pano na to ma, pano na yung TFC?" pagtatanong ni ate kay mama ano kayang TFC? .
"Wag na muna nating intindihan yan ang mahalaga nabuhay ulit ang kapatid mo." sagot ni mama kay ate.
"Anong TFC ma? Atsaka nasaan si nataniel at krishna? gusto ko silang makita". pagtatanong ko kina mama at ate .
"sinong nataniel at krishna ba ang hinahanap mo?" pagtatanong ni ate parang baliw to si ate mga anak niya di niya kilala.
"Nagpapatawa kaba ate? sino pa ba ehh di yung dalawa mong chikiting". Sarkastikong sagot ko.
"ikaw yata nagpapatawa ni wala nga akong boyfriend tapos magkaanak pa kaya!?" mariing sabi ni ate .
"Hah!? alam ko na panaginip to ! Oo panaginip to! matutulog na ulit ako." sabi ko dali dali akong humiga at pumikit at makailang minuto lamang ang lumipas iminulat kong muli ang mga mata ko ngunit wala paring pinagbago.
"Anong nangyari!? bat andito parin ako kailangan kong gumising!!" pagpapanick kong sabi .
"ma, asan sina nataniel at krishna ma!! hindi to masayang biro!!" at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata .
"Ma!! hindi to maari !!" pag iiyak kong sabi kay mama tumayo ako para hawakan si ate sa balikat at niyuyog ko siya na parang puno. "Ate sige nanaman ohh sabihin mo naman saakin na nagbibiro ka lang!! ate sige na!" buong lakas kong pagtatanong kay ate .
Biglang may kumirot sa bandang leeg ko at unti-unti akong nakaramdam nang panghihina na tila inaantok. Palabo na nang palabo ang aking paningin habang pauulit ulit kong sinasabi "a--saan.. na sila.." hanggang tuluyan nang dumilim ang aking paningin .
"Nathaniel,Krishna!!" bumangon ako dahil nanaginip ako tungkol sa mga pamangkin ko. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa may bandang pispis ko . Nang magising ako alas dose na pala nang gabi nadatnan kong natutulog si mama sa tabi ko habang si papa naman ay nakahiga sa couch siya nga ba talaga ang papa ko? Hindi mahagilap nang mata ko si ate malamang wala ito rito .
Di ako makatulog dahil sa mga kakaibang nangyayari paano at bakit? nabuhay ang papa ngunit wala ang mga pamangkin ko?
-Dwjhrngitae🐷🐯
YOU ARE READING
The Unknown World
FanfictionThis story was a taehyung fanfiction where some magical turn out of events has been made would you like to live as the person you dreamed to be or would you live as the person you already living . Would this two worlds can change you fate or would t...