Bersiyong Tagalog:
Meron akong kaaway, gusto niya akong patayin. Ang talas ng tingin niya saakin habang nakangiti na animoy ngiti ng demonyo.
Binigyan niya ako ng isang likidong nakalagay sa bote ng alak. Inamoy ko ito.
Nakasusulasok at nakakalason ang amoy. Sabi niya ay idilig ko daw iyon sa mga halaman na nakatanim sa di kalayuan dito sa bahay. Tinanggap ko naman ang bote ng lason na iyon at tumungo na sa mga halaman. Binabagalan kong maglakad, ako’y kinakabahan.
Nilingon ko ang demonyo ngunit hindi parin nagbago ang nakakagagong ekspresyon sa kanyang mukha. Tinuloy ko ang paglalakad. Gusto kong patunayan sa kanya na hindi niya ako kayang patayin.
‘Di nagtagal ay narating ko rin ang mga halaman. Nakikita parin naman ako dito. Nakikita ko din ang mga kapamilya kong nagsasaya sa labas ng bahay. Sinimulan ko ng ibuhos ang lason. Napakalakas pa rin ng amoy. Tinakpan ko ang aking ilong at dahan-dahang ibinuhos ang asido.
Nang maibuhos ko ang asido ay narinig ko ang pagsunog ng asido sa lupa ng halaman. Pagkatapos noon ay biglang pumasok ang amoy ng asido sa aking ilong. Namula at sumakit ang mata ko. Ang baga ko ay animoy nasusunog at akoy biglang nahilo at natumba. May lumabas na puting bula sa aking bunganga at tenga. Nagsisimula nang lumabo ang aking paningin at parang bumabagal ang oras. Tiningnan ko ang aking paligid. Nakangiti parin ang demonyo, ang pamilya ko naman ay nagsasaya parin habang nakatalikod sa akin. Alam kong mamamatay na ako.
Wala akong nararamdaman. Walang masakit, hindi ko rin naramdaman ang aking pagbagsak. Hindi ako masaya, pero hindi din ako malungkot. Hindi din naman ako natatakot. Hinihintay ko nalang malagutan ako ng hininga. Pero sa panahon ding iyon naisip ko ang mga salitang hindi ko nasabi. Lalo na ang mga salitang “Mahal kita” sa mga taong mahalaga sa akin.
Hanggang sa unti-unti nangang nabalot ng kadiliman ang paningin ko. Namatay ako.
.
.
.
.
.
.
Epilogue:
Naramdaman kong binuhat ako ng mga kuya ko. Bahagya ding bumukas ang aking mga mata nang binuhat nila ako. Nasilip ko sila, lahat sila ay natataranta. Naririnig ko ang mga boses nila ngunit hindi ko maintindihan. Pumikit ulit ang aking mata.
Kadiliman.
.
Minulat ko ang mata ko. Parang ako’y bumangon sa isang mahabang tulog.
Nakaupo ako sa isang sasakyan. Ang mga kaibigan ko ang mga kasama ko. Nagkakasiyahan sila. Buhay ako?
Tinawag ko ang isa sa mga kaibigan ko. Hindi niya ako pinansin. Tiningnan ko ang paligid ko at parang wala silang nakikita. Naging multo pala ako. Siguro dahil may hindi ako maiwan dito sa lupa.
Pinagmamasdan ko na lamang sila habang sila’y nagsasaya. Halos tumulo na ang aking luha nang-….
“Ui Jane, ba’t ang lungkot mo? Jinojoke ka lang namin noh. Affected ka naman masyado! Hahahaha!”
“A-anong ibig niyong sabihin?? Buhay ako????” Naghalo-halong pagkagulo, saya, at gulat ang naramdaman ko.
“Oo naman noh!”
At doon ako’y nabuhay muli.
----
At dahil may part 1, may part two din. May English version din
BINABASA MO ANG
Beyond Reality
FantasyBeyond Reality is my collection of short stories that are beyond reality. Dreams, horror, beliefs, myths, unseen. Just random thought provokers. Some happens to be real, some are just pure imagination (or a mix of both). Languages are English and Fi...