Part 2: Resbak ni Kamatayan

6 0 0
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog. Tumingin ako sa paligid ko. Ang kwarto ko ang nakita ko at ang sikat ng araw. Hindi pala nangyari ang lahat. Pero tandang-tanda ko parin ang mga pangyayari na animo’y isa itong alaala. Bakit kaya ganoon ang panaginip ko? Bumalik ako sa pagkakahiga upang alalahanin ang panaginip na iyon.  At sa kalagitnaan ng pag-iisip ay nakatulog akong muli.

Nagising ako sa isang kwarto. Hinanap ko agad ang aking ama upang ipaalam sa kaniya ang balak na pagpatay sa akin.  Hindi ako papayag na mangyari ulit saakin iyon.

“Papa! Papa! Siguradong babalik ang taong gustong pumatay sa akin, lalo na kapag napag-isa ako. Pag sumigaw ako, puntahan niyo po ako kaagad. Kahit anong mangyari, ipangako niyo po.”Yan ang sinabi ko sa papa ko. Hindi ko Makita ang kanyang reaksyon dahil malabo ang pagtingin ko sa kanya. Pero alam kong sumang-ayon siya.

Pagkatapos noon ay nanatili lang ako sa loob ng bahay. Dumaan ang oras ay wala namang kahinahinalang pangyayari. Wala si papa sa aking paningin ngunit alam kong nasa paligid lang siya. Ipinagpatuloy ko lang ang paggawa ng mga normal na bagay dito sa bahay, gaya ng pag-inom ng kape, panonood, at pag-upo sa sala.

Hanggang sa nagsimula ng lumubog ang araw.

Nasa kwarto ako upang magpahinga at nahiga na ako sa aking kama. Pero natatakot akong matulog. Natatakot akong baka hindi na ako magising. Pinipigilan ko ang pagpikit ng aking mga mata.

Biglang uminit ang lalamunan ko. Parang nasusunog. Hinawakan ko ng dalawang kamay ang leeg ko, inaasahang maibsan ang sakit. Nagpupumiglas ako, lumuluha, kaya naman nahulog ako sa kama. Anong nangyari saakin? Lason? Yung kape….

 

“Papa!Papa!” Sigaw ko pero hindi ko mawari kung sumisigaw ba talaga ako o sa isipan ko lang.

“Papa!Papa! Tulong! Please papa!” Tuloy kong pagpupumiglas at pagsisigaw. Walang sumasagot.

Inulit-ulit ko ang pagsigaw ng buong lakas hanggang sa basag na ang boses ko.

“Papa… akala ko ba tutulungan mo ako…?” Sa tingin ko ay mamatay ulit ako. At ngayon wala ng tutulung saakin.

“Oo.”

Epilogue:

Muli akong nagising sa isa na namang kakaibang panaginip ng aking pagkamatay. Pero hindi ako takot. Matagal na rin akong nagtataka kung ano ba ang pakiramdam sa tuwing nasa bingit ng kamatayan. Maaring ganoon nga ang pakiramdam, maaring iba. Pero isa lang ang nasa isip ko, dapat akong magpasalamat dahil ako’y buhay pa hanggang sa araw na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon