Naked Scar - Last Chapter

4.3K 86 18
                                    

LIMAG ARAW ang nagdaan bago nila inihatid si Winona sa libingan nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LIMAG ARAW ang nagdaan bago nila inihatid si Winona sa libingan nito. Tahimik ang kanilang seremonyas. Iilan lang din ang dumalo kasama si Graciella at Bridgette. Pagkauwi'y nag-alok ang mga ito ng saglit na oras.

"Sa ilang beses kong pagbisita kay Vika. Madalas kong makita 'yung Andrei na umaaligid sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya 'yon, kasi natatakot na ako. Hanggang sa magulat nalang ako na minsan wala siya sa condo niya. Akala ko, walang tao. Aalis na sana ako. Kaso nagulat ako sa nakaawang na pinto. Sumilip ako at natakot sa aking nakita," ang tila nagigimbal at nakukunsensiyang si Graciella.

"Anong nakita mo?" tanong ni Pause.

"The guy raped her. I saw the gun pointed at Vika," Graciella croaked.

Mariin siyang pumikit upang itago ang kilabot sa bawat himaymay ng kanyang katawan. On her side, Malik, rubbed her shoulder to ease her cloudy mind.

Umawang ang bibig ni Jessica at naiyak. Nilapitan ito ni Mr. at Mrs. Friis para aluin.

"And you didn't do something?" Frank butted in.

Tumulo ang luha ni Graciella. "Sinabi ko 'yon sa Security Guard. Tinawagan ko rin si Bridgette. Natatakot man kami, pero naglakas-loob kaming bumalik para puntahan si Vika kasama ang mga pulis. Kaso nagulat kaming wala na siya roon," dugtong nito.

Nilapitan ito ni Bridgette para magbigay ng panyo. Malungkot ang babae noong tumingin sa kanya. "Nangyari 'yon noong pumutok ang balitang peke si Vika. Hindi namin pinahahalata sa kanyang may alam kami. Pero sinubukan naming tulungan siya. Nakakalungkot dahil siya mismo ay kinikimkim ang lahat sa sarili," paliwanag nito.

Lumingon si Jyra kay Malik. Iyon ang kapanahunang nagtatago sila sa Casa De Rios at makita si Winona sa isa sa mga hotel and resort doon.

"She became desperate because of her deep hole of madness to her life. She suffered terribly. Kaya hindi niya tinanggap ang offer ko. Gusto ko siyang magbago at magkaroon ng pag-asa, pero sa tingin ko ay gumaling ang masalimuot niyang pagdurusa. Nagbunga iyon ng pilat sa puso niya. Tinakpan noon ang liwanag na gusto nating ipaunawa at iparamdam sa kanya, pero bulag na siya at suklam." Si Frank na hindi maipinta ang mukha.

"Let's buried this all. Winona needs a clean name. She is the famous masked model, Vika. Winona is Vika," Jyra spotted after she roamed the people surrounding her- Pause, Frank, Mr. and Mrs. Friis, Jessica, Gracialle, Bridgette, and Malik- "Peachy told me that she secretly helped the children on Escape Homes. Kahit na napuno ng galit ang puso niya, kailanman hindi niya sinara ang isip na tumulong sa mga gaya naming nawalan ng pamilya at matitirhan. Winona deserves to be awarded."

Lahat ay malungkot na ngumiti.

"We will continue what she started on that matter," Mr. Friis declared.

"Thanks, daddy," she said.

Niyakap ng butihin nitong maybahay ang asawang lalaki. Tatlong araw lamang ay nagreklamo na itong palabasin sa Ospital. Hindi naman daw malala ang natamong sugat sa pisngi ng pang-upo. Pinawalang-bisa rin nila ang isinampa ng Mayor ng lungsod sa kaguluhang nangyari.

NAKED SCAR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon