Pregnant or Not

3.9K 123 43
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MABILIS ang pintig ng puso ni Jyra ng siya'y lumabas sa kuwarto. Kanina ay natanaw niya sa glass window ang mabilis na kilos ng yateng lulan niya. Tirik na rin ang araw kaya't tiyak siyang kanina pa gising si Malik. 

Bumaba siya sa hagdan habang ninanamnam ang ganda ng interior design. Pinaghalong champagne color at puti ang kulay. Malinis tingnan at nakakagaan sa pakiramdam, idagdag pa ang buhay na ilaw sa bawat sulok.

Natigilan siya sa paghakbang ng matanaw sa ibaba si Carlos at Biboy. Sabay itong lumingon sa kanya.

"Good morning," bati niya sa dalawa, pero hindi manlang siya kinibo ng mga ito. Napansin din niya ang black eye sa kaliwang mata ni Carlos. Ngayon niya lang nakitang nagsuot ito ng sunglasses na itim, bagay na nakuha niya agad kung bakit. Kasalanan niya kung bakit ito nagkaroon noon. Hindi niya rin napansin iyon kagabi dahil masyadong siyang preoccupied.

Napahaplos siya sa sikong may benda bago nagpatuloy. Nilagpasan niya ang dalawa at agad natigilan ng sumunod sa kanya si Carlos. "Nasaan si Malik?" tanong niya rito.

"Pumunta po sa cockpit kanina kasama si Mr. Paul," sagot nito.

Tumango siya bago nagpatuloy. Hindi man niya kabisado ang lugar, hinayaan niyang dalhin siya ng kanyang mga paa sa side deck. Pagtulak niya ng sliding door ay sumabog ang buhok niya sa lakas ng hangin. Sinasayaw din noon ang suot niyang maxi dress.

Doon siya naupo sa hilerang puti na sofa matapos ay pumikit.

Sumagi sa isipan niya ang pangyayari kagabi. Nang makita niya si Andrei, ang pagnanasa na makaganti rito ang namayani sa kanyang isip. Napuno ng galit ang puso niya kaya kahit masaktan siya sa panlalaban ay wala na siyang pakialam. Nanginginig siya sa takot na maulit ang nangyari noon. Hindi siya papayag at gagawin niya ang lahat para iligtas ang sarili. Pero balewala ang lahat ng iyon dahil mahina pa rin siya. Kung hindi dumating si Dante ay baka hindi na siya sinikatan ng araw.

Napakaskas siya sa mga braso sa sobrang kilabot. Hindi niya mawari ang sarili na walang malay at nakahiga sa ataol. Maligalig niyang iniling ang ulo at sumulyap sa itaas. Doon ay nakita niya ang pigura ni Malik na nakatingin sa kanya mula sa itaas. Malamig nitong iniwas ang tingin upang pakinggan ang sinasabi ng kausap. Matanda na lalaki iyon na hindi niya makilala dahil nakatalikod sa gawi niya.

Umalis siya sa puwesto upang puntahan kung nasaan ito. Isa iyong glass-walled huge living room. Plain white and minimalist style yet every chair, round glass tables, and chandelier screams its expensive price.

Malik in his white t-shirt and dark blue khaki shorts equal the ambiance. Sabayan pa ng summer get-up ng kasama nito.

The old man noticed her. He murmured something with Malik, the reason why his man glanced at her before he took his flutes and sip it. Like the coldest mountain of the ice burg, Malik ignored her once again.

NAKED SCAR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon