Kabanata 4

2 1 0
                                    

#WNSAKABANATA4

Ilang segundo ang lumipas bago ko
maintindihan ang lahat. Wala akong makita sa harap kung hindi ang likod ni Sir Geun. Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kanang braso ko.

Umalis na ang babae at lumingon si Geun sa akin. Hindi niya inalis ang kanyang kamay kaya ako na mismo ang nag-alis nito. Nakita ko ang malalim na paghinga niya.

"Kanina ka pa dito, tama ba ako?" Saad niya. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Alangan naman sabihin ko na oo, baka magduda siya bakit hindi niya ako nadatnan dito? Bakit kasi sinabi pa ng babaeng iyon na naghihintay ako dito!

Napansin ko ang pag-angat ng kamay niya at ipinatong sa mga braso ko. Dali-dali akong umatras dahil naiisip ko kanina kong paano ito gumalaw sa binti ni Alexa.

Nakita ko ang mapait na ngiti niya at tumingin sa labas bago balikan ako. Tumayo naman ako nang diretso pagkatapos ay yumuko.

"Patawad po, sir." Paghingi ko ng tawad nong maisip na mali itong inaasta ko. Siya ang anak ng may-ari dito kaya may-ari na rin siya.

"Kanina ka pa dito? Dito sa labas?" Tanong ulit niya. Mas kita ngayon sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

Napatango nalang ako kahit hindi alam ang ginagawa. "Opo, Sir. Hinahanap po kasi kita. Sabi kasi nong babae nandito ka daw." Sabay turo ko sa pintuan na kinaroonan nilang dalawa ni Alexa kanina.

Tumango-tango siya at kita ang pangangamba. "Hindi ka kumatok?" Tanong niya na ikinalunok ko.

"Huh? Uh..." Putol kong saad at tinuro ang labasan.

"Mukhang kailangan ko na atang magtrabaho, Sir." Tanging nasabi ko kahit hindi pa naman alam kung saan magtatrabaho.

Ilang hakbang pa ang aking nagawa patungo sa labas nong hinigit niya ang braso ko. Nakita ko ang pamumula niya. Tinitigan ko kung gaano kahigpit ang paghawak niya dito. Tinuro ko ang aking braso ngunit hindi niya binitawan.

"May narinig ka ba kanina? Uh-ingay?" Aniya at umiwas ng tingin sa akin.

"Opo." Diretso kong sagot dahilan para makuha ko ang atensyon niya. Dali niyang binaling ang kanyang sarili sa akin.

"Anong narinig mo?" Aniya.

Hindi ko muna ito sinagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kinuha ko ang nakahigpit niyang kamay sa aking braso. Malalim akong huminga.

"May narinig akong ungol." Tinitigan ko ang reaksyon niya.

Hindi ko alam kung bakit ako nasisiyahan sa oras na ito. Parang ang sarap ngumiti. Parang ang sarap na kumawala nang isang malakas na tawa para mabawasan naman ang sakit na dinadala ko.

"Ungol ng ano?" Basag niyang tanong.

"Ah iyon ba? Ungol ng ano yon. Ungol ng aso." Palusot ko para hindi niya malaman ang narinig ko kanina.

"Walang aso dito." Napalaki ang mata ko.

Aba! Siya na nga ang pinagtatakpan ko dito para hindi siya mapahiya at siya pa itong gustong magpabuko!

"Ay! Ang ibig kong sabihin, ungol ng pusa. Pusa talaga ang nasa isip ko. Bakit ko ba nasabi na aso?" Humagalpak ako sa pagtawa.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko!

"I am allergic with cats. So obviously, walang pusa dito." Saad nito. Napaawang naman ang bibig ko.

"Baka may napadaan lang kanina." Rason ko.

"We have guards here." Saad niya. Aba at gusto talagang mabuko! Tingnan natin ngayon!

"Ano ba itong pinagsasabi ko! Puro nalang aso at pusa! Nakakatawa na talaga ang sariling ito!" Sambit ko na may kasabay pang tawa.

Why not stay awhile?Where stories live. Discover now