Kabanata 6

4 2 0
                                    

#WNSAKABANATA6

Itinaas ko ang nakatali kong buhok dahil hindi na masyadong mahigpit ang pulupot ng tali sa nakakumpol kong buhok. Naglakad na kaagad ako habang kinukuha ang listahan at ballpen. Nakasalubong ko si Drew, 'yung lalaking sinabing kilala niya ako noong bago pa lang ako rito na ngayon ay isa na sa matalik kong kaibigan.

"May meeting mamaya. Sabay na lang kayo ni Joana papunta sa office ni Sir." Sambit niya at kinurot ang pisngi ko. Tumango ako at kinurot ang braso niya.

"Meeting para saan?" Nakita ko ang paglukot ng noo niya.

"Hindi ko rin alam." Huling sabi niya at umalis na nang may tumawag din sa kanya.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at nahinto ako nang may narinig akong tumatawag sa akin. Nahagilap ng aking paningin si Sir Geun. Hindi ko alam kung bakit diretso akong bumalik sa paglalakad at hindi siya pinansin.

"Mariposa!" Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Aling Mia na nakatuon ang tingin sa akin. Naramdaman ko ang aking katawan na tumigas at hindi na makalakad.

Mas lumapit siya sa akin at mas klaro ko ang mukha niya ngayon. Ito ang pangalawa kong kita sa kanya simula noong sa labas ng office ni Sir. Mas bumuhaghag ang kanyang buhok at dumadami rin ang peklat na nakikita ko sa kanyang mukha.

Habang lumalapit siya sa akin ay nagsasayaw siya at napakalaki ng ngiti.

"Mariposa! Mariposa! Hindi ka ba natatakot sa akin? Hindi ka ba tatakbo? Hindi ka ba hihingi ng tulong?" Sabi niya at gumiling-giling pa.

"Anong gagawin mo sa akin?" Natatakot kong tanong. Napahinto siya at hinawakan niya ang kanyang mabuhaghag na buhok.

"May mawawala! Iiyak ka!" Tawa siya nang tawa.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Mahina kong tanong. Napansin ko ang pag-abante niya patungo sa akin kaya naglakad naman ako nang paatras tuwing lumalapit siya sa akin.

"Alam ko ang kapalaran mo! Alam ko ang mangyayari sa'yo!" Kinakanta niya ang nilalabas sa kanyang bibig na mga salita.

"Tigilan mo na ako." Nanindig ang balahibo ko nang magtama ang mga mata namin. Parang binabasa niya ang nasa isip ko.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang mangyayari sa'yo?" Humagalpak siya ng tawa at umiikot-ikot na habang tinataas ang kanyang kamay at winawagayway.

"Tigilan mo 'ko." Pangilang ulit kong tugon sa kanya. Napatigil siya sa pagsasayaw at naglalakad palapit na naman sa akin.

Napalunok ako at susubukan ko sanang umatras nang may mabigat na nakaharang sa likod ko. Napalingon ako dahil sa gulat at nakita ko si Sir Geun.

"Aling Mia. Umalis ka na." Matigas niyang sabi. Nilingon ko pabalik si Aling Mia pero hindi pa rin siya umaalis subalit naging tuud siya kakatitig kay Sir Geun.

"Ikaw! Ikaw! Gusto mo siya no?" Natigil ako nang tinuro niya ako. Napabaling din ang atensyon ko kay Sir Geun.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nabasag ang natitirang pag-asa ko dahil sa tanong niya.

"Alam kong gusto mo siya! Hala at nagmamaang-maangan ka pa!" Sumasayaw na siya ngayon.

"Umalis ka na." Natigil sa pagsasayaw si Aling Mia dahil sa tugon ni Sir Geun.

Diretso namang tumakbo si Aling Mia papalayo sa amin. Hindi ko na nilingon ulit si Sir Geun at nagmamadali akong tumakbo palayo sa kanya. Hindi pa ako nakalalayo ay tinawag niya ako.

Patuloy lang akong naglakad, hindi siya pinapansin.

Naaalala ko na naman ang ginawa niya sa akin noong lasing siya. Matagal-tagal na rin iyon pero parang bago lang sa akin. Ito ang una naming pagkikita matapos iyon.

Why not stay awhile?Where stories live. Discover now