Kabanata 9

6 0 0
                                    

#WNSAKABANATA9

Napalingon ako sa aking likod nang umalog ang kinakapitan kong kawayan. Nakita ko ang babae ni Geun na nakatingin din sa akin.

"Diba nagtatrabaho ka sa resort nila Geun?" Hinarap ko na siya nang tanungin niya ako.

"Oo." Tanging sagot ko. Lalayo na sana ako sa kanya para sumisid ulit pero nakuha niya ang atensyon ko.

"So, bakit ka nandito?" Tunog maldita niyang banat.

"Si Riel ang nagpapunta sa akin dito." Pinigilan ko ang pagka-irita sa kanya.

"At bakit ka naman niya naisipang isama sa amin?" Aniya at tiningnan ako galing ulo hanggang sa parte ng katawan ko na hindi nakalubog sa tubig.

"Kaibigan niya ako." Nginitian ko siya.

"Kaibigan?" Tumawa siya at tiningnan ulit ako.

"May problema ka?" Hindi ko na mapigilang tanong sa kanya.

"Meron sana pero masasayang lang ang oras ko...sayo." Lumayo siya pagkatapos niya itong sabihin. Matalim ko siyang tinitigan.

"Leah pala." Sabi niya nang makalingon at lumangoy na palayo sa akin.

Leah ang pangalan niya? Ganyan bang babae ang gusto ni Geun? Kawawa naman siya kung pareho lang din sa ugali ni Alexa ang magiging asawa niya.

Huminga ako nang malalim at sumisid na ulit. Hanggang lumipas ang mga oras ay bumalik na kaagad kami sa isla.

"Masaya ba ang paglalandi?" Napalingon ako kay Tatay Rogelio na nakaupo sa silya, tapat sa lamesa, habang sinisindihan ang sigarilyo. Alam ko naman na galit ang madadatnan ko sa kanya pag-uwi pero hindi ko ata nahanda ang aking sarili sa mga banat na ganito. Alas otso na ng gabi kami nakabalik sa mga bahay namin galing sa isla kaya nag-aalab na ngayon ang mabigat na nararamdaman ni Tatay.

"Magandang gabi po, Tay." Hindi ko pinansin ang tanong niya at nagmano na sa kanya. Hindi pa ako nakakahawak sa kamay niya ay tumayo na siya.

"Kayo na ba ng lalaki mo? Ano, natikman ka na niya? Binigay mo na ang sarili mo?" Sunod-sunod na tanong niya na ikinabalewala ko na lang.

"Kumain na po ba kayo?" Tinignan ko siya at kitang-kita ko ang paninitig niya.

"Sagutin mo ang mga tanong ko!" Sigaw niya.

"Wala po akong lalaki. At hindi naman po ako pagkain para kailangang matikman. At bakit ko naman po ibibigay ang sarili ko?" Hindi ko inasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Tinakpan ko ito at idinasal na lang ang lahat na posibleng mangyari pagkatapos kong sagutin si Tatay.

"Ilang beses kong pinagdadasal na hindi ka magiging katulad ng Nanay mo pero wala rin pala iyong silbi. Marupok ka ring bata ka! Bukas na bukas, papuntahin mo ang ama ng dinadala mo para mapag-usapan namin na hindi ko papayagan na ipagpapatuloy mo ang pagbubuntis." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi po ako buntis." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Lolokohin ka lang ng lalaking iyon!" Sumigaw ulit siya.

"Akala ko ba hindi ko alam? Kalat na kalat sa buong lugar na ikaw ang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang kasal ng boss mo na yan! Na inaakit mo daw siya! Na hinihintay mo daw sa ilalim ng puno ng niyog tuwing gabi upang maglampungan! Alam mo ba kung gaano kasakit marinig ang mga 'yan? Pinapahiya mo ako! Pinapahiya mo ako sa mga barkada ko!" Nagulat ako sa lahat ng narinig mula sa kanya. Hindi pa maproseso ng utak ko ang lahat ng iyon. Ang lahat na puro kasinungalingan lamang!

Umalab ang galit na nararamdaman ko sa aking puso. Nanibago ako sa aking nararamdaman. Nanibago ako sa lahat ng reaksyon ko. Parang gustong lumaban ng katawan ko. Parang gustong suntukin ang lahat ng mga masasakit na salita na binabato nila sa akin.

Why not stay awhile?Where stories live. Discover now