"Ano ba naman anak!" sigaw ni papa.
T____T
Nandito ako ngayon sa office ni papa habang sinesermonan niya ako.
"Alam mo naman ang face ang pinaka inaalagaan ng isang artist, diba? Bakit kelangan mo pa siyang suntukin? Paano kung nadeform ang ilong niya o ano? Edi kelangan natin siyang dalin kay belo, extra expense ito" sabi ni papa.
Tss. Alam ko naman yun. Pero ang sarap talaga basagin ang mukha ng lalaking yun. Kaya no regrets ako. Masya ako ako na dumugo ang labi ng manyakis na yun.
"Eh papa, sino naman ang hindi uupakan ang mukha ng lalaking yun? Eh hinalikan niya ako!" sabi ko.
"So?" sabi ni papa.
Whatda? So? Yun ang sagot ni papa? Anong klaseng daddy ka!
"Anong so, papa?" sabi ko.
"17 ka na anak besides, hindi ka ba masaya? Ang daming babae dyan na nagkakaranda rapa dyan para makalapit sa sound check. Choosy ka pa?" sabi niya.
Ako? Choosy? Wala akong pake kung kahit si Kris Aquino nagkakarandarapa sa kanya, manyak pa rin siya!
"Papa! First kiss ko yun!" sabi ko sa kanya.
Biglang napatahimik si papa.
"Papano yung time na kayo pa ni Vincent?" sabi ni papa.
Naramdaman kong namula sa ang pisngi ko. Dahil ba sa naalala ko siya o dahil nabubuisit ako sa pangalan niya? Pareho siguro.
"Hindi po kami umabot sa ganung level" sabi ko kay papa.
Hanggang holding hands lang kami. Tss, kala ko pa naman totoo yung mga moments namin.
Best actor ka talaga Vincent, dapat bigyan ka ng oscar at ipukpok sa ulo mo.
"Talagang first kiss mo yun?" sabi ni papa.
". . .opo" sabi ko.
Gusto ko pa namang maging memorable ang first kiss ko. Oo memorable to, pero not in good a way. Eto yung first kiss na gusto kong kalimutan at ibaon sa lupa.
Kinuha ni papa ang cellphone niya.
"Tart, pumunta ka dito. This is very important" sabi ni papa kaya mama sa phone, tart ang tawagan nila.
Teka, bakit tinawagan ni papa si mama? Times two na ang sermon sakin nito.
Minutes later, dumating na agad si mama.
"Ano yun tart?! Pumunta ako agad nung narecieve ko yung call mo" sabi ni mama.
"Si Star. . . may first kiss na" sabi ni papa.
Napa-nga nga si mama.
"Ang anak ko. . . may first kiss na?" sabi ni mama.
"Oo at sa isang lalaki" sabi ni papa.
"Sa isang lalaki? Oh my anak!" sabi ni mama at bigla akong niyakap.
"I'm so proud of you! Your first ever kiss! We should celebrate!" sabi ni mama.
"A-ano meron?" sabi ko.
Bakit parang daig pa ng new year ang celebration ng first kiss ko?
"All this time kasi, your dad and I thought na lesbian ka. We're so happy!" sabi ni mama.
Pati ba naman sila tingin nila na lesbian ako?!
"Hindi ako lesbian mama! Isa pa, hindi ko gusto yung lalaking humalik sakin" sabi ko.
"So hindi mo siya boyfriend?" sabi ni mama.
"Hindi po" sabi ko.
"Ka-m.u?" sabi ni mama.
"Hindi rin po" sabi ko.
"Friend" sabi niya.
"Hindi po" sabi ko.
"Friends with benefits?" sabi niya.
"Ma, schoolmate ko po siya at bigla na lang niya akong hinalikan. Di nga po kami masyadong magkakilala eh" sabi ko kay mama.
"So parang stranger lang siya na hinalikan ka?" sabi ni mama.
"Parang ganun nga po" sabi ko.
Mukang nalungkot si mama.
"Tart, kilala mo ba ang lalaking humalik sa kanya?" sabi ni mama.
"Si Skye Layola, eto siya" sabi ni papa at binigay niya yung picture kay mama.
Matagal tinitigan ni mama yung picture.
"Gwapo siya anak! You and him would make a beautiful child together, ayaw mo ba talaga siya? Sayang naman oh"
Beautiful child? Ako at si blondie?!
"Mas gugustuhin ko pa pong maging matandang dalaga kesa sa makatuluyan ang lalaking yun!" sabi ko at lumabas na agad ako.
Minsan talaga nakakairita si mama. After naming makipagbreak up ni Vincent, sinet-up ako ni mama sa napakaraming blind dates hanggang sa nabuisit na ako at sinabi ko sa kanya na ayoko nang makipagdate kahit kanino.
Siguro kaya akala nila na lesbian ako. Bakit? Tingin ba nila na kapag may karelasyon ako, magiging masaya na agad ako?
Magiging masaya pa kaya ako kasama ang isang lalaki ng hindi masasaktan?
Haay, wala ring kwenta kung iisipin ko yun. Gagawin ko na lang ang assignment kesa naman sa mamroblema pa ako sa mga bagay na di naman dapat problemahin.
Well atleast tapos ang sermon session.
the next day. . .
"Miss Sanchez, hindi naman porket anak ka ni Mr. Franco Sanchez eh ibig sabihin na pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo" sabi ng principal.
Akala ko pa naman tapos na ang sermon session, may part 2 pa pala. Sa principal's office naman ngayon.
At ang mas masaklap, kasama ko pa ang lalaking may kasalanan kaya ako napunta dito.
"Pero Mr. Baron, siya po ang nauna! Sexual harrassment po ang ginawa niya!" sabi ko.
"According to witnesses, you didnt show any sign of restraint" sabi ni Mr. Baron.
"I was in shock po!" sabi ko.
"Aminin mo na, naenjoy mo talaga" sabi ni blondie.
Peste kang lalaki ka.
"Mas gugustuhin ko na halikan ako ng aso kesa sayo!" sabi ko.
"Ssshh!!! Quiet! I will not tolerate any kind of violence here in our school so I will send you both in detention for 1 week plus school service. Maglilinis kayo ng classroom at library hanggang matapos ang one week, understood?" sabi ni Mr. Baron.
1 week?!
"Sir? One week po?!" sabi ko.
"Make that two weeks!" sabi ni Mr. Baron.
TWO WEEKS?!! Kasama ang manyakis na to?!
Lord, please help me.
author's note: sorry maikli>___< pero I'll try to update as soon as possible. thank you for reading!♡
BINABASA MO ANG
Starry Sky (on hold)
RomanceONGOING~★ (previously titled "My Lady Manager") Dahil sa past na di makalimutan ni Star, kinalimutan na niya rin ang salitang love. Pati sa lalaki, ayaw niya na rin kaya napagkakamalan siyang tomboy. Pero paano pag napilitan siyang maging manager ng...