chapter 11: Pre-meeting

2.8K 151 14
                                    

“Then let’s start the meeting” sabi ko at tumayo na ako para ibigay sa kanila isa isa ang  folders na dala dala ko.

Teka, bakit parang may kulang dito?. . . ay shhhh.

Kelangan ko ng projector. Pano ko mapapakita yung plano namain kung di ko ipapakita yung powerpoint presentation ko? Gusto ko lahat organized, hindi ako makakapag-start kung kulang ang mga materials ko.

Sabi ko na nga dapat di ako pumayag na dito mag-meeting eh. Di kasi kinaya ng powers ko yung aegyo ni Yster.

“Anything wrong manager? Bakit parang napatahimik ka bigla” sabi ni Yster.

“Kelangan ko ng projector” sabi ko.

“Projector? Yun lang ba? No prob, just give me a sec” sabi ni Yster at lumabas muna siya.

Naku naman, masasayang ang oras namin nito. Pero mukang may projector naman si Yster kaya di na ako masyadong nababahala.

“While we’re waiting, how about we eat dinner first?” sabi ni Dos.

“I’m starving!” sabi ni Ice.

“How bout you manager?” sabi ni Rem.

“Anong how bout me?” sabi ko.

“Gutom ka na ba?” sabi ni Rem.

Wala pa nga kaming napag-uusapan tungkol sa album nila at schedule tapos kakain na agad sila? Hindi ako papayag noh. There is work that has to be done first.

“Walang kakain hanggat hindi pa tayo tapos sa meeting” sabi ko sa kanila.

At nagsimula na ang mga angal.

“Ang sakit na ng tyan ko eh!” sabi ni Ice.

“Parang nahihilo tuloy ako” sabi ni Dos. Hmp, best actor talaga toh.

“Ikaw ms. Principal, hindi ka pa ba gutom?” sabi ni blondie.

Nginitian ko siya.

“Hindi ako maarte katulad niyo noh”

*Grrrrkkkkkrrr*

.

.

.

Awkward.

“Pfffft” lahat sila pinigilan ang tawa nila.

Kainis naman oh! Tyan naman eh! Sa dinadami ng oras na pwede ka mag-ingay, bakit ngayon pa? Pinipilit ko nga maging superior sa kanila oh!

“Fine, gutom ako. Pero wala lang to, kaya ko tong tiisin kaya hanggat di pa natatapos ang meeting, walang kakain” sabi ko sa kanila.

“Hindi kami sanay magutom and besides, kasalanan ba namin na kelangan mo pa ng projector?” sabi ni Rem.

Aba aba, bitchesa rin ang isang to ah.

“Oh bakit? Sino ba kasi ang nagsabi na dito mag-meeting? Diba kayo? Pinagbigyan ko lang kayo. At isa pa, wala akong pakielam dyan sa spoiled niyong attitude at wala akong pakielam kung magka-ulcer kayo” sabi ko.

Naiirita na ako sa kanila.

“Wow, she’s feisty” sabi ni Ice.

“Since our kitten is trying to be a tiger, fine” sabi ni Rem. Teka, anong kitten ha?

“Principal na principal talaga ang dating niya” sabi ni blondie.

Mukang medyo pumayag na sila na di muna kakain pero nagbulungan pa sila, kala naman nila di ko sila maririnig-___-

“I’m back!” sabi ni Yster na may dala-dalang box.

“Ano yan?” sabi ko sa kanya.

“Di ba sabi mo kelangan mo ng projector? So I bought the latest model” sabi niya. Umalis siya para bumili ng bagong projector?!

“Akala ko meron kang available!” sabi ko. Sayang naman yung pera sana dinala ko na lang yung projector namin>___<

“It’s no problem, ido-donate ko na lang siguro after” sabi niya.

Nakaka-stress sila. Wala atang silang idea sa hirap ng buhay sa mundong to.

Sinet-up na namin yung projector at finally, nagsimula na rin ang meeting.

“So here’s the plan for your comeback, major make-over kayong lahat” sabi ko.

“What do you mean by make-over?” sabi ni Ice.

“Papalitan natin ang concept niyo from your previous album” sabi ko.

“What? Di pwede yun! Succesful naman ang previous album namin ah!” sabi ni Dos at tumayo pa sa upuan niya para mas intense.

“Successful?” sabi ko sa kanila at nilagay ko sa next slide yung powerpoint.

“Nakikita niyo yan? Isa kayo sa pinakamababang sales last year, I hardly consider that as succesful” sabi ko sa kanya at napaupo si Dos.

Wag ka kasi agad agad magsasalita.

“But we have a lot of loyal fans at nagustuhan nila yung first album” sabi ni Yster.

“Their numbers are not enough. Ano ba? Hindi ba gusto niyo sumikat? Kung ganyan ang iaasta niyo, one hit wonders lang ang kalalabasan niyo” sabi ko sa kanila. Matitigas talaga ang ulo nila.

“Pero a major make-over? That sounds really painful!” sabi ni Rem.

Make-over? Painful?

“Guys, let her finish. Anong concept ba ang plano mo?” sabi ni blondie.

Isang concept na perfect para sa inyo.

“Scandal” sabi ko sa kanila.

Author’s note: thank you for reading:)

Starry Sky (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon