chapter 12: Concept

5.7K 276 141
                                    

“Scandal?!” sabi ni Yster.

Masyado naman ata silang na-shock sa sinabi ko. Eh kung tutuusin, bagay bagay sa kanila yung salitang yun.

“O? Bakit parang gulat na gulat kayo sa sinabi ko?” sabi ko.

“That’s the complete opposite of our previous album!” sabi ni Ice. Opposite nga kasi medyo pa-good boy yung album na yun. Hmp! Pretentious. Layo nila sa pagiging good boy.

“Opposite nga ng album niyo pero saktong sakto sa personalities niyo” sabi ko.

“We are not scandalous” sabi ni Rem.

Tama ba yung narinig ko?

“Ows? Talaga? Eh bakit ako may pictures niyo kasama ang maraming babae at bakit kaya lagi kayo napupunta sa entertainment news?” sabi ko kay Rem.

“Pero personal life namin yun!” sabi ni Rem.

“Your personal life can reflect your life on stage” sabi ko sa kanya.

“Can’t we have a concept that is safer?” sabi ni Dos.

Ang dami dami naman nilang reklamo, nauubos na ang laway kaka debate sa kanila.

Pero ang pinakaimportante. . .

Gutom na akoT___T

Akala ko mabilis lang matatapos ang meeting na to kaso ang dami nilang comment. Di na talaga ako nagtataka kung bakit ang dami nang managers na dumaan sa kanila.

“Parang mas lalo tayo paguusapan nito, hassle” sabi ni Rem.

Mat reklamo pa rin? Di pa sila tapos kakareklamo?

Isa pa, hindi na ba sila nagugutom? Parang ako na yung pinakagutom sa kanilang lahat.

“Basta I hindi ako papayag sa concept na to, masyadong hassle. Diba Sky?” sabi ni Rem.

Lahat kami tumingin kay blondie, siya na lang kasi yung wala pang komenta sa concept na to.

Nakakairita talaga sila! tagal tagal kong inisip ang concept na to noh! Tapos lalait-laitin lang nila?! Buti na lang kasing haba ng wall of china ang pasensya ko kundi, kanina pa ako umalis at kumain na lang sa mcdo.

Nag-iisip pa ata ng reklamo sa concept tong si blondie, ang tagal niyang magsalita.

“I like it” sabi ni blondie.

O___O

“What?” sabi ni Rem.

“Gusto ko yung concept, sounds dangerous. At guys, admit it, boring ang first album natin” sabi ni blondie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Starry Sky (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon