2

8 2 0
                                    


Chapter two

"Bilisan mo nang kumain, Gabby. Andiyan na si Ansel sa labas, hinihintay ka." Mahinahon na sabi ni Mom habang kumakain kami ng almusal. Ang aga naman ata ni kuya Ansel?

"Huwag mong madaliin si Gabby, Mavell. Maaga pa naman, hindi pa naman siya mala-late." Sabi naman ni Dad.

"Tapos na po ako Mom, Dad. Alis na po ako!" I kissed them both sa cheeks at binitbit na ang bag. "Mag ingat ka Gabrielle, wag kang magpapalipas ng gutom!" Paalala ni mama.

"Opo, Mom. I love you." I replied and went outside. I saw kuya Ansel there, leaning on his car with his hands on his pockets; waiting for me.

He looked so tall in his uniform.

Nang makita na niya ako ay pinag buksan niya ako ng pinto at sumakay narin siya sa driver seat.

Siguro kay Kuya Harlan hindi na ako mag tataka kung bakit sobrang bait niya sa akin, sabi kasi ni papa gustong-gusto ni Kuya Harlan na magkaroon ng nakababatang kapatid pero he never had one kaya ako yung tinuturing niyang kapatid.

But Kuya Ansel is different, parang pang-asar lang niya yung pagka over protective niya sa akin. Sobrang kulit kasi ni Kuya Ansel.

Still, he treats me like a princess.

"Bakit ang aga mo? Himala wala kang hangover." Tanong ko sa kaniya while trying to fix my see-through bangs.

"Pinagalitan kasi ako ni Papa. Gago yang pinsan mo, sinumbong ba naman kay Mama na lagi kang nala-late dahil sa akin." Grabe maka pinsan mo e, pinsan rin naman niya yun.

"Sanabi ko naman sayo, kuya. You don't have to drive me papuntang school, I can take care of myself. Twenty-two na ako." Sabi ko. Minsan kasi masyado na nila akong bine-baby.

"Kaya nga, mas dapat ka naming bantayan. Baka kasi may mangligaw na sayo." Natatawang sabi ni Kuya Ansel.

"Para namang may oras akong mag boyfriend, ang dami ko kayang kaylangang gawin para sa academics ko. Mas gugustuhin kong mag focus nalang sa studies, magiging proud pa si Mama sa akin." Tama naman diba?

Relationships will only cause pain.

"Sus, ilang beses nga akong tinatanong ni tita Mavell kung may boyfriend kana, e. Gusto na daw niyang magka-jowa ka. Siguro kung matatagalan pa bago ka magkaroon ng boyfriend ipapa-arranged marriage ka na nun." He chuckled finding the idea funny. Si Mama talaga.

Umiling nalang ako, I don't like the thought of being engaged this early. Pero kung gagawin man ni Mama yun I don't have any choice naman. Ayoko ring suwayin siya. The only thing I can't do in life is to disobey my parents.

"At tyaka pag dating sa pag-ibig, kahit wala kang planong ma-fall talagang hindi mo mapipigilan kapag dumating na yung tamang lalaki para sayo. Kaya nga may mga taong nasasaktan, diba?" Dagdag pa niya. Ang daming alam.

"Dito mo nalang ako ibaba kuya." Sabi ko. "Bakit?" He paused at hininto niya yung sasakyan.

"Building namin to, ah? Ang layo pa ng sainyo." Tanong niya. He looked like a lost kid dahil sa confusion. "Gusto ko kasing maglakad-lakad muna. Maaga pa naman, e." I need to unwind, ang dami ko kasing school works lately, nakakastress.

Lost In A Lie | The Lost SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon