"Bilisan mo, K. Hindi na natin maabutan yun!"
Dali-dali kong hinila si Kara papunta sa UP College of Human Kinetics Gym para masilip - kahit isang segundo lang ang isang taong nagpapakilig to the bones sa akin. 10 minutes na ata akong tumatakbo dahil ang layo ng pinanggalingan ko (Kinailangan ko pa sumakay ng UP Ikot) pero wala akong pakielam. Worth it naman 'tong gagawin ko.
"Jusko naman, Avery. Akala ko naman kung ano. Wait lang, papatayin ko lang 'tong laptop ko!"
"Wag na! Mamamatay naman ng kusa yan! Dali na!"
Tumakbo na kami ng sobrang bilis at pagkatapos ng ilang segundo, narating na namin ang lugar kung saan halos araw-araw naman andun ako.
Nagaabang, sumisilip, umaasa.
Talbog ng bola, langitngit ng sahig at kung anong sigawan ang sumalubong sa amin. Nakaramdam na naman ako ng kakaibang hangin sa puso ko habang papasok kami ng gym.
Bigla naman uli tumagaktak ang pawis ko.
"Kinakabahan ka pa rin hanggang ngayon, Ave? Jusko, sa araw araw naman na ginawa ng Diyos present ka dito. Di ka pa ba nasasanay dyan?"
Umiling ako habang sumusulyap sa taong ipinunta ko rito. Di ko pa siya makita, pero yung ibang kalaro nya andito na. Hindi pa ata nagsisimula ang training.
Umupo kami sa usual spot namin sa bleachers. May ilan ding nakatambay, pero halata naman na wala silang pakielam sa mga nangyayari at parang wala lang silang magawa kaya andito sila sa napakainit naming gym.
"Hala, bakit wala pa siya? Andito kaya yun? Baka tapos na mag-train? Ikaw naman kasi Kara! Ang tagal matapos nung klase mo!" maktol ko habang tumitingin tingin sa buong kahabaan ng gym.
Umirap sa akin si Kara. "Kasalanan ko pa ngayon? Alam mo Ave, ang swerte mo na nga sa akin dahil sinasamahan kita jan sa kaadikan mo sa lalaking yun. Wala ka namang napapala."
Umirap din ako. Anong walang napapala? Araw-araw nya kaya akong napapasaya!
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin siya. Alam ko, kahapon ko lang siya huling nakita pero malulungkot talaga ako pag di ko siya nakita ngayon. Pakiramdam ko, may kulang pag di ko siya nakita sa isang araw.
Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Nakita kong nag-alert ito at ipinapaalala sa akin na 10 minutes na lang, klase ko na uli. Napaismid na lang ako. Wala, mukhang hindi ko ata makikita ang "happy pill" ko ngayong araw.
Di bale, meron pa namang bukas.
Tumayo ako at tumango kay Kara para ayain na siyang umalis. Binuhat ko uli ang bag ko nang may narinig akong malakas na tunog ng sapatos.
"O, ayan na pala yung Prince Charming mo e!"
Inangat ko uli ang aking mga mata at totoo nga, siya na 'to! Andito siya! YES! Buo na uli ang araw ko!
"Cci, late ka! 10 rounds!"
Ngayong araw, nakasuot siya ng kulay White na tshirt at black shorts. Orange naman ang naisipan nyang kulay ng sapatos nya ngayon. Pero yung headband nya, ganon pa rin. Gaya ng kahapon.
Pinanood ko siya habang tumatakbo paikot ng court. Di ko alam kung anong meron sa kanya bakit sa simpleng takbo nya, may anong kabog na akong nararamdaman sa dibdib ko.
"Alam mo Avery, kung sinasabi mo lang sa kanya yung totoong nararamdaman mo - baka mapansin ka pa nya."
Hindi ko pinansin ang mga katagang sinabi ni Kara dahil di ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. Hindi siya nakangiti, hindi rin naman siya nakatawa. Wala, parang andun lang siya - ginagawa yung dapat nyang gawin dahil inutos sa kanya.
"Gaano mo na ba siya katagal ka-gusto? Eh nag-eenroll pa nga lang ata yan dito crush mo na yan e. Magpakilala ka na kasi."
Sabi na naman ni Kara na yamot na yamot na dahil sa katorpehan ko. Alam ko namang mali na sinasama ko pa siya dito dahil wala naman talaga siyang pake sa kagagahang ginagawa ko pero minsan masarap lang sa pakiramdam na may nagsasabing katangahan na ang ginagawa ko. Oo masarap, kasi umaasa akong balang araw magigising din ako sa katotohanang pangarap ko lang talaga siya - at wala nang iba.
"Sa araw-araw na andito ka, ni minsan di ka niya nilingon o napansin. Minsan ba naisip mo na tama na?"
Pinapanood ko pa rin siya at kung hindi ako nagkakamali, pang 5th round na nya sa takbo. Umiling ako kay Kara at binigyan siya ng mapait na ngiti.
"Tara na, okay na ako. Bukas na lang uli."
Kinuha ko ang bag ko at tumayo na. Sumunod naman sa akin si Kara at sabay na kaming bumaba ng bleachers.
Bye, crush. Bukas na lang uli. Sana bukas suotin mo yung maroon tshirt and gray rubbershoes mo. Favorite ko yon, e.
Nang makarating na kami sa pinto at paamba na si Kara palabas ng gym, humirit pa ako ng isang sulyap.
Sige na, kahit isang tingin lang oh. Pampagana man lang sa klase.
Pero naghintay ako ng ilang segundo ngunit tuloy pa rin ang pagtakbo nya. Gaya ng mga nakaraang araw, wala pa rin talagang sulyap.
Sige, tanggap ko naman na. Better luck next time, Avery. Just like every day.
"Hay nako ka talaga! Sumuko ka na nga!"
Ayoko nga. Buong buhay ko, wala akong sinukuan. Kahit anong mangyari, andito pa rin ako - naghihintay, nagaabang, umaasang balang araw makikita at mapapansin nya rin.
Dahil gaya nga ng sabi nila, habang may buhay, may pagasa. At dahil andito ako, nabubuhay - aasa at aasa pa rin ako na mapapansin ni Ricci Rivero.
—————-
OMG HELLO GUYS! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko bakit ko naisipang gawin 'to. Hindi ako sure kung kakareerin ko 'to gaya ng ginagawa ko sa Get You at di rin ako sure kung ano ba talagang balak ko dito pero andito na eh? Hahaha.
Guys, g ba kayo dito? Sa totoo lang, hirap na hirap ako dito kasi I'm planning na hindi ito maging coño story unlike Get You. Kaya kung di nyo napapansin, tagalog talaga 'to hehe
Hit me up on your thoughts. Love y'all.
BINABASA MO ANG
Merci d'ignorer | Ricci Rivero
Fanfiction"At anong gagawin mo kung sobrang sakit na?" "Pipikit na lang siguro ako."