"Girl, nasaan ka ba? Andito ako sa Rodic's! May klase ka pa ba?"
Tumambad sa akin ang nakakabinging boses ni Kara pagkatapos na pagkatapos ng klase ko. Alas dose pa lang at isang oras pa ang kailangan kong hintayin para sa susunod kong klase.
"Bakit? Anong ginagawa mo dyan?"
"Lunch kaya, haller?! Tara dito! Sabay na tayong mag-lunch!"
Kumulo ang tiyan ko. Sobrang gutom na ako at gusto ko na sanang kumain ng masarap nilang Tapsilog, kaso... wala sa budget.
"Dali na, hati tayo. Sagot ko na kalahati ng order mo."
Napangiti naman ako. Sino ba naman ako para tanggihan ang grasya?!
-
Sinubo ko ang napakasarap na tapa ng Rodic's. Parang sobrang tagal na ang nakalipas nang makakain ulit ako dito.
"Hay nako, buti na lang mamaya pa klase mo at may kasama ako habang hinihintay yung ka-groupmate ko..."
Nanlaki ang mata ko. "May hinihintay tayo dito?! Sino?!"
"Ay, nakalimutan ko bang banggitin sa'yo?! Oo, hinihintay ko yung ka-groupmate ko sa Humanities. Nakakainis nga yun eh. Ang pulpol. Alam mo namang running for Suma ako diba? Tapos yung prof ko galit ata sa akin at pinartner ako sa Engliserong varsity na yun... e pano pa ako papasa nyan diba?!"
Engliserong varsity?! Ha? Muntik ko nang mabuga ang iniinom kong Royal.
Ngumisi naman si Kara. "Ay oo! Basketball player, yun, Ave. Baka kilala mo! Jusko, sa halos araw araw ba naman ng panonood mo sa kanila, ewan ko na lang kung di mo pa makabisado mga players ng UP."
Bigla akong nakaramdam ng kaba at para akong nabuhusan ng malamig na malamig na tubig. Basketball player?! Hindi naman nya siguro tinutukoy ang taong pinakaiiwasan ko, mag-iisang linggo na?!
"O, wag kang mag-alala. Di si Rivero tinutukoy ko! O yan na pala..."
Tumayo si Kara ngunit di ako lumingon. Ayoko. Di ako handa kung sino ang makikita ko. Hindi man si Ricci ito, malaki pa rin ang posibilidad na kabahan at mapahiya ako sa taong ito at kung maaari, ayaw ko na maulit ang nangyari noon sa likod ng gym.
"Hi girls, what's up? Sorry I'm late."
Rinig ko sa likod ko at pumikit na lang ako bago ko siya hinarap. Gusto na lang isubo lahat ng natitira kong pagkain at umalis na.
"Javi, this is my friend Avery. Avery, si Javi yung yung tinutukoy kong classmate ko."
Oo kilala ko. Kilalang kilala ko. Di mo na kailangan ipakilala Kara. Si Javi ang isa sa mga pinaka-malapit sa taong pinakamalayo sa akin.
Ngumiti si Javi at inilahad ang kanyang kanang kamay. Nagulat ako pero tinanggap naman ito at binigyan siya ng malimit na ngiti.
"Bro, have you ordered already?! Man, parking sucks!" bigla naman dumating na hihingal hingal ang isang lalaking napakapamilyar din sa akin. Ayoko na. Gusto ko na lang ubusin 'tong pagkain ko at umalis na.
"Girls, is it okay if I tagged my brother along?! Gutom na rin daw kasi siya eh."
Malimit na tumungo naman si Kara ngunit di siya ngumiti. Alam ko na ang iniisip nito. Alam kong inis na 'to dahil imbis na academic lunch ang mangyayari, mukhang hang out pa ata.
Tumayo si Javi at Juan at pumunta sa counter para um-order. Tumingin naman sa akin si Kara at umirap.
"Told ya, pulpol talaga. Nakakainis! Paano pa namin mapaguusapan yung paper namin kung karay-karay nya yung kapatid nya? Malamang, basketball lang at kung anong kababawan ang mapaguusapan natin nyan."
BINABASA MO ANG
Merci d'ignorer | Ricci Rivero
Fanfiction"At anong gagawin mo kung sobrang sakit na?" "Pipikit na lang siguro ako."