III

409 15 7
                                    

"Lo, sige na po umupo na lang kayo ako na lang po ang kukuha ng pagkain nyo."

"Aba, anong tingin mo sa akin bata ka? Kaya ko sarili ko!"

Napakamot na lang ako ng ulo. Minsan ang kukulit talaga ng mga matatanda eh.

Sabado ngayon, at part ng outreach program ng NSTP namin na tuwing Sabado, maglalaan kami ng oras dito sa Home for the Aged. Pangalawang session pa lang namin dito kaya ito ako ngayon, hirap na hirap paamuhin ang naka-assign na Senior Citizen sa akin buong sem.

Kumuha ako ng chicken sandwich at Zesto, umupo at tahimik na kumain at hinayaan na lang na kumuha si Lolo ng pagkain. Yamot pa rin siya sa akin. Sana naman sa susunod na linggo ay mapalambot ko na ang puso nya. Konting tiyaga pa.

"Hoy Avery, makakatulog ka na jan. Puyat ka na naman kaka-internet kagabi 'no?"

Suminghap ako at iniripan na lang 'tong kaklase kong walang ginawa kung hindi asarin ako. Oo puyat at pagod ako dahil alas-kwatro na ako nakatulog dahil tinulungan ko pa ang nanay ko gumawa ng 30 pcs of Leche Flan kagabi.

Magkaka-diabetes na ata ako kakatikim kagabi.

"Alas-tres na! Uwian na. Umuwi ka na kaya at matulog na?"

Napabangon ako at nabigla. Napatingin ako sa orasan ko at sakto, 3:00 na nga ng hapon!

Late na 'ko sa game!

4:30PM ang game nila sa UP Gym at mahaba pa ang lakbayin ko pabalik ng UP niyan. Hay. Ang tanga, tanga mo Ave!

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko sa upuan at sinuot na ang aking jacket. Nagpaalam ako kaagad sa Prof namin at tumango.

"Lo, sige po sa Sabado na lang po ulit. Salamat po. Nag-enjoy ako!" nagmamadali kong paalam kay Lolo.

Inirapan nya lang ako at kumagat ng sandwich nya.

"Kahit wag ka nang bumalik!"

-

Umabot ako sa 2nd quarter ng laban. Maraming nanonood pero may mga upuan pa namang natitira. Lamang na naman ang kalaban at siyempre, nakakunot na naman ang noo ng taong ipinunta ko rito.

Pero bakit ba ganun? Kahit lagi siyang nakasimangot at masungit, sobrang gwapo pa rin?

Lagi pinapasa sa kanya ang bola at nakaka-shoot naman siya, ayun nga lang, laging kulang. Parang kahit gaano pa siya kagaling at kagigil, sa tingin ko ay mas practisado at gamay ng kabilang team ang galaw ng isa't isa.

"Rivero, foul! Labas ka muna sa laro!" sigaw ng head coach na nakita ko namang tumungo at napamura siya ng malutong.

Halos lahat ng nanonood dito ay nagulat dahil inilabas siya sa laro at alam kong naiinis siya, pero halata naman kasing wala na siya sa kondisyon at pagod na siya. Wala naman kasing masama tumambay muna sa bench, 'diba Ricci? Inom inom din ng tubig.

Pinanood ko siya habang umiinom ng paborito nyang color gray na Gatorade at nilalagok ito na parang wala nang bukas. Alam kong mukha na akong tanga dito dahil mas pinapanood ko pa siya kesa sa laro pero siya naman kasi ang talagang rason kung bakit parang mas pumapasok pa ako dito kesa sa mga klase ko.

Minsan napapaisip ako, minsan gusto ko na lang maging bote ng Gatorade eh. Para maramdaman ko naman yung init ng labi nya. Or masyado na atang kakaiba yun?

Hoy Avery, ayos nga! Bata-bata mo pa puro kapusukan na iniisip mo dyan.

Kriiiiiiing.

Kumunot ang noo ko nang marinig kong tumatawag ang nanay ko sa akin. Dali-dali akong lumabas ng gym dahil paniguradong sesermunan na naman ako ng nanay ko kung malaman nyang andito na naman ako sa gym – nanonood ng laro ng crush ko.

"Nasaan ka ba?! Diba kanina pa tapos ang klase mo?"

"Ma, may dinaanan lang po ako saglit. Pauwi na rin po ako. Bakit po?"

"May nag-order na naman ng 20 na leche flan. Umuwi ka na para matulungan mo ko dahil may pasok pa ako mamayang gabi."

Um-oo ako at binaba ang tawag. Buti na lang at Linggo bukas at makakapagpahinga ako pagkatapos ng isang mahabang gabi na naman.

"Fuck this, I never wanted this school in the first place!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang makarinig ako ng mura sa likod ko. Halos matanggalan naman ako ng puso nang marinig ko kung sino ang boses sa likod ng marahas na pagsasalita na yun.

Si Ricci. Oo, si Ricci nga.

So ganito pala ang boses nya sa personal? Di kasi ako masyadong pamilyar dahil sa internet ko lang dati naririnig 'to eh.

"Yeah, I get it. Nag-aadjust naman ako e. I'm trying to fucking fit in pero wag nyo naman ako madaliin!"

Tumalikod ulit ako dahil di ko ata kayang makita siyang nanggagalaiti sa inis. Okay na ako sa ganito. Sa malayo. Kahit isang pader lang ang pagitan namin.

Di ko pa talaga kayang makaharap siya. Isa pa, baka isipin naman nito tsismosa ako. E anong pang pag-asa ko sa kanya nyan?

Joke, asado lang?!

"Basta I'll fucking do what I can. Pero wag nyo akong pilitin sa gusto ko. Di lang naman ako ang magttrabaho dito. Kaya nga team diba? Tangina."

Kriiiiing!

Napalunok na lang ako. Hala shet yung cellphone ko! Gusto ko na lang gumuho. Bakit ngayon pa?! Si Mama na naman ba 'to?!

Pinatay ko ang cellphone ko nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Mamaya ka na.

Unti-unti na akong lumayo sa kinalalagyan ko nang makarinig ako ng malalakas na yapak sa likod ko.

Jusko, ito na ba ang katapusan ko? Napapikit na lang ako at napadasal. Wag naman sa ganitong paraan, please please.

"What are YOU doing here?!"

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at sa ilang segundo, pakiramdam ko nasa langit na ako.

Yung mga mata nyang nakatitig sa akin na para ba akong yelong matutunaw. Yung ilong nyang napatangos. Yung mukha nyang kahit galit na galit para nya pa rin akong pinapaamo.

Kahapon, tinititigan ko lang ang litrato nya sa cellphone ko. Ngayon, ito na. Malapit na.

Totoong-totoo na. Abot ko na.

Yung pinapangarap ko, ito na. Totoo na. Nasa harap ko na.

"Sabi ko, anong ginagawa mo dito?!"

Bigla naman akong nagising sa katotohanan na sinisigawan nya pala ako sa likod ng court. Napalaki lang ang mata ko at di nakapagsalita.

Hinawakan nya ang tulay ng ilong nya na parang nagpipigil siya.

"Nakikinig ka ba?!"

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at parang di ko magawang magsalita. Ni hindi ko nga magawang huminga. Ganito ba ang epekto sa akin ni Ricci Rivero? Kung ganito pala e dapat layuan ko na siya. Nagiging inutil ako e.

"Rivero! Ano bang ginagawa mo dyan?! The game's not over yet!"

Bahagyang lumayo siya sa akin at tumingin kung saan galing ang boses na bagong narinig namin.

Kung sino man siya, maraming salamat. Parang ilang segundo na lang hihimatayin na ako eh.

"Yeah, pasunod na ako."

Paamba akong aalis nang bigla akong makaramdam ng malakas na paghatak sa kanang kamay ko. May kung anong kuryente akong naramdaman sa buong katawan ko. Hindi, alam kong hindi ito tama. Napalunok ako nang makita kong malapit ang mukha namin sa isa't isa.

"Di pa tayo tapos."

-

GUYS. Sorry sobrang di talaga ako magaling sa tagalog. Sorry kung ang weird & sorry din kung natagalan ang update. TBH, di ko pa talaga alam kung anong path ang gusto ko i-take sa story na 'to so if you guys have any suggestions or ideas, please share them with me. Masyado ata akong nasanay sa Get You at di ko na alam kung paano pakawalan yun hehe

Merci d'ignorer | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon