"Ano kayang pakiramdam nang malapitan ka ng ganito kalapit?"
Singhal ko habang hinihintay kong matapos si Princess, isang 11-year-old kid na tinuturuan ko pagkatapos ng klase ko.
"Are you looking at your crush again?"
Ibinababa ko ang phone ko at tinaasan ng kilay itong batang kaharap ko. Itinago ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinignan ang mga worksheet na ipinapagawa ko sa kanya.
"Cess, tapusin mo na yang assignment mo. Dali, 10 minutes na lang dinner time nyo na. Papahuli ka ba doon?"
Dali-dali namang inalis ni Princess ang tingin sa akin at binilisan ang pagsagot sa assignment nya.
Halos isang taon ko na rin part-time job ang pag tutor sa mga bata. Kapitbahay namin ang pamilya ni Princess kaya naman pumayag agad ako na turuan siya dahil wala namang hassle at hindi naman ako aayaw sa extrang kikitain ko rito.
Naisip ko na naman siya. Hindi ko talaga alam kung bakit baliw na ako sa kanya. Bigla bigla na lang lilipad ang isip ko at maalala ang matatalim nyang tingin at napapaisip kung ano kaya ang pakiramdam matitigan nya?
Sa tingin ko, hindi ko kakayanin.
Bigla naman akong nakaramdam ng kung anong kiliti sa tiyan ko. Wala, gutom lang siguro 'to.
"Avery, dito ka na kumain. Nagluto ako ng Sinigang na salmon. Hindi ba favorite mo 'to?" biglang aya ng Mama ni Princess na siya namang ikinangiti ko.
Napakabait at maalahanin sa akin ng pamilya ni Princess. Only child siya kaya naman lahat ng attention ay na sa kanya kaya naman lagi siyang napapabayaan sa kusina.
"Ay hindi na po siguro. Nagluto rin po si Mama. Thank you na lang po."
Hindi naman kalakihan ang kinikita ko rito sa tutor, pero nakakatulong sa pang araw-araw na gastusin. Hindi kami mayaman kaya naman nagpursigi talaga akong makapasok ng UP. Awa ng Diyos, nakakaraos naman kahit pangalawang taon ko pa lang dito.
"Mabuti naman at nandyan ngayon ang Mama mo. Dun pa rin ba siya nagttrabaho?"
"Opo."
"O sige, ipag-tatakeout na lang kita para kahit papaano may makain ka pag hindi nakapagluto ang Mama mo."
Tumango na lang ako at nagpasalamat. Minsan iniisip ko kung bakit ganito kabait sa akin ang Mama ni Princess? Naaawa kaya siya sa akin?
Huwag naman sana. Kaya nga ako nagsusumikap para huwag kaawaan at maliitin.
-
"O? Ano na namang ginagawa mo dito? Maaga pa ah? Maaga training ngayon?"
Bungad sa akin ni Kara nang matagpuan na naman nya ako dito sa UP Gym. Alas-dose pa lang kasi pero nagtext na ako sa kanya na andito na ako - naghihintay at nagaabang.
BINABASA MO ANG
Merci d'ignorer | Ricci Rivero
Fanfiction"At anong gagawin mo kung sobrang sakit na?" "Pipikit na lang siguro ako."