#TNTBAG 2

512 9 3
                                    

Chapter 2- Family Argue

{a/n: Eto yung scene kung saan umalis muna si airi sa onyx bar}

[Airi's POV]

Pauwi na ako ngayon sa hospital upang dalawin si mama at kagagaling ko lang sa transaction namin ng grupo kay Mr.Jung. Medyo nawala na ang galit ko kanina sa Ginawa ni Mr. Jung sa amin. So far yun pa lang ang Pinakamalaking Bayad sa amin kung nagkataon dahil bago lamang kami naging grupo. We've been training since we're kids. I was 10 that time when Mr. Gloucester Trained me along with other kids. Lagi akong tumatakas sa bahay para lang makapunta sa mansion ni Mr. Gloucester. Doon ko din nakilala ang anak niyang si MARKIN LOUIE ARANETTA GLOUCESTER. 

Mabait na talaga si Kuya Mark dati pa at dalawang taon ang agwat namin. Sina Ate Sam at ZJ naman ay kababata ni Kuya Mark. Pinilit niya ang dalawa na sumali sa Training namin kasama ang mga batang seniors ng RGP na si Mr. Gloucester ang nagtratrain. Di kalaunan ay sumali na rin sina sachy, sophy at Lianne.

At katulad din ngayon, Playboy din si sachy noon at madalas si sophy ang tinutukso niya at si Lianne naman ang naghahabol kay sachy. Isang taon pa lamang simula nung naging official Group kame. Kami ang huling batch ng RGP at kami rin ang grupong pinakamatagal na nagtraining kaya itinuturing nila kameng Gem. Bukod sa mga kagrupo ko, Si Mr. Gloucester lang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao namin. Hindi rin alam ng pamilya ko na kasama ako sa mga ganyang bagay.

Dumaan muna ako sa fruit stand na nakita ko at bumili ng Prutas dahil Mahilig kasi si mama kumain ng Prutas. Pagkatapos ko bumili ng Prutas  dumiretso na ako sa hospital kung saan nakaAdmit si mama. Naawa nga ako kay mama dahil naghihirap siya para samin kahit na may sakit siya.

Simula kasi nung namatay si papa binuhos na lamang ni mama ang kanyang sarili sa paglalabada at kung ano-ano pang trabaho na kikita siya ng malaki laki para sa pag-aaral namin ng mga kapatid ko at para na rin sa pang-araw araw na gastusin namin. Kaya nga noong nakilala ko ang grupo at si Mr. Gloucester, hindi na ako nagdalawang isip pa na sumali dahil alam kong kikita din ako ng malaki pag Nagtrabaho ako sa kanila.

Nandito na ako sa harap ng pintuan ng room ni mama ng may narinig akong nagtatawanan at nagkwekwentuhan at sa unang dinig mo pa lang halatang masaya sila. "Tapos po maghahanda tayo ng maraming marami! " tumatawang sabi ng isang batang babae. "At paggumaling ka na mama mamamasyal tayo at ililibre kita sa mcdo kasi may naipon din ako kahit konti sa baon na binibigay mo mama" sabi naman ng isang babae. "Ako din ate SZENNA sama ako hahaha" tumatawang sabi nung batang babae. "Syempre naman SUZAINNE kasama kayong dalawa ni mama" sabat naman ni Szenna.

Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanila, Hinayaan ko muna sila sa loob at nanatili muna ako sa labas. "Naku! kayo talaga kung ano ano sinasabi niyo kay mama hahaha. Ma kain ka na oh eto dinalhan kita ng siopao. Mainit pa po yan at binili ko yan sa paborito mong bakery." sabi naman ng isang babae.  "Ako din Ate ZHANEY pahinge." sabi naman nI Suzainne

"Hala! ako rin ate Zhaney, di pwede si suzainne lang meron haha" sabi naman ni Szenna. "hahahaha kayo talaga. Zhaney hati na lang tayo at ibigay mo na lang yang isang siopao sa mga Kapatid mo" sabi naman ng boses ng matandang babae na sa hula ko ay si mama. Habang nagkakatuwaan sa loob kumatok na ako sa pintuan ng kwarto.

The Nerd Turns To Be a Gangster (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon