Kaya mo bang mainlove sa unang beses niyong pag uusap?
Luma na kasi love at first sight. Love at first touch. Love at first kiss.
Ibahin naman natin para di cliche yung love story natin rome!
Natin? Love story?
Ay walang natin.
Mas lalong walang love sa story ko at mo. Dejk kwento na nga lang to di ko pa ba gagamitin yung salitang TAYO. Pagbibigyan ko naman sarili ko tutal ako naman nagsusulat neto. Na kahit sa isang story merong TAYO.
Wow! Magkaka love na yata tong story na to ah! Ipipilit! Hahaha
So san ako magsisimula. Sa una syempre bago huli.
Hindi ko alam kung pinagtagpo lang tayo pero di tinadhana, o tinadhana pero di na muling magtatagpo. Pero ang alam ko lang. Pinagtagpo tayo ng tadhana.
Sa isang ordinaryong araw ko sa trabaho, hindi ko inakalang mapapasaya mo ko.
Naka kulay dilaw ka na tshirt. Kasama mo mama mo at kapatid mo, bumibili ng cartolina. Nang dahil sa cartolinang green pinagtagpo tayo ng tadhana. Ako yung kahera na pinagbayaran mo. Ng bigla ka nalang nagsabi ng...
"Ang saya talaga dito sa bansa natin noh ate, hindi katulad don sa ibang bansa ang lungkot." masayang sabi mo.
Nung una di ko alam ako kinakausap mo, pero siguro ako nga kasi ako nasa harap mo. Nasa gilid naman si mama. Ay si tita pala. Mama mo.
Ngumiti lang ako. Kasi di ko pa alam ano sasabihin ko. Kung oo ba ako o dadamihan ko pa yung sasabihin ko para di naman masayang yung good vibes mo.
Pero ngumiti lang ako.
"Kasi ate kakarating ko lang kanina galing America" sabi mo pa, di ko alam kung mayabang ka o nagmamayabang ka dahil may ipagmamayabang ka.
Tumingin lang ako sayo na parang di makapaniwala.
"Seryoso ate, actually sinurprise ko si mommy kasi mothers day diba." Aliw mo talagang kwento.
Tinignan ko si mama. Ay si tita pala.
"Wow ang sweet nung ganon! Sana lahat!" sabi ko naman kasi naaaliw na ako sa kwento mo.
Di ko alam kung bakit tumagal yung transaction eh 8pieces na cartolinang green lang naman binili niyo.
"Oo totoo yan sinabi ng anak ko. Nagulat nga ako kasi ang expected namin na uwi niya next week pa pero nagulat nalang ako kanina pinapauwi niya ako sa bahay kasi may darating daw na package edi ako naman umuwi din naman ako tas ayun gukat nalang ako na nandon na siya sa bahay" masayang kwento din ng mommy mo.
"Hahaha umiyak nga yan si mommy eh, kasi di daw niya talaga expected. Ganyan ko kamahal mommy ko." Sabi mo pa sabay yakap sa mommy mo.
"Hahaha gusto mo pinapaiyak mommy mo ah! Pero nakakatuwa yung ganyan. Sobrang nakakatuwa na may nakikita akong ganyan ka sweet na anak sa mommy" komento ko pa.
"Oo si mommy lang naman pinapaiyak ko. Kasi yung ibang babae ako yung pinapaiyak kaya si mommy nalang talaga love ko." Humugot ka yata sa part na yun kuya.
"Oii may hugot!"
"Haha di biro lang pinapatawa lang kita. Romeo nga pala ate ng Walang kwentang video sa youtube search mo. Pramis matatawa ka kasi napakawalang kwenta naman talaga ng video ko don" sabi mo sabay tawa.
"Ahh yun pala yun kuya nagpromote si kuya Romeo na walang Juliet!" sabi ko kasi natatawa talaga ako kasi nagppromote ka lang pala ng youtube channel mo kaya mo ko kinausap!
BINABASA MO ANG
Mga KWENTONG Walang KWENTA
RandomNagtataka kayo kung bakit sinulat ko pa ang kwentong ito kung wala namang kwenta? Ako din naman (⑉꒦ິ^꒦ິ⑉) Pero nais ko lang sabihin na lahat naman ng kwento ay may kwenta. Itong kwento lang ang wala 😂 Alamin kung bakit walang kwenta ang kwentong...