"Seryoso, nagbabasa ka ng story ni Cecelib! OMG! Possesive stories? Syeet!" hindi ako makapaniwalang sabi ko sa kasama kong si Mae.
"Hahaha, promise! at hindi ka makakapaniwalang inaapply ko siya kay Mr. Grey! Kaya hindi ako maiwan iwan non eh! Hahaha"
Nandito kami ngayon sa isang park sa Quezon City, dahil nagyaya itong si Mae gumala at dahil first time niya dito sa metro manila galing siyang probinsiya, ginawa lang naman niya akong tour guide.
"Hype! Iba ka. Ayaw ko mag imagine! Pero grabe grabe! Matagal na din ako nagwawattpad pero lately ko lang talaga binasa yung stories niya eh, yung Forbidden Island series ata yun" kwento ko.
Nasa kasarapan na kwento namin ng may mag interrupt samin.
"Uhh hi miss. Pwede magtanong?" Sabi nung lalaki. Dalawa sila actually. Mukha naman silang di gagawa ng masama kaya tumango nalang ako.
"Familiar kayo sa una? Or any idea about una?"
Syempre familiar ako. Negative jan mga kaybigan ko eh. At hindi ako interesado mga kuya.
"Hindi masyado pero may naririnig na din naman ako about dyan" sabi ko, dahil ayaw ko din sila mapahiya pag sinabi kong di ako interesado.
"Panong familiar ate? Ano pagkakakilala mo kay una?"balik tanong niya sakin
"Ikaw ateng maganda, may idea ka ba kay una?" tanong din niya sa kasama ko.
Daming tanong ni kua ah, di ba niya pansin na di kami interesado. Nag iisip ako kung sasagutin ko o hindi yung tanong niya kasi hindi talaga kami matapos tapos dito kasi alam kong mangungulit at mangungulit sila.
"Negative siya sakin, kasi diba pyramiding yan. Scam scam scam ganun. Pero no offense ha yun lang yung pagkakarinig ko sa iba".
"Yun lang pagkakaalam mo ate? Pero ang totoo pag nalaman mo yung system ng una, masasabi mong ay ang ganda pala talaga niya, natural lang na sabihin ng hindi nakakakilala kay una na pyramiding, pero ang hindi nila alam matagal na kayong kasali sa pyramiding! Gusto niyo ba malaman kung bakit?" Kwento ni kuya.
Ohh diba feeling close na tong si kuya, di nga kasi kami interesado pero ang dami na niyang sinabi! Ang kulit mo po.
"Pero bago ko sabihin kung bakit, Jason nga pala at etong kasama ko si Ethan, ikaw ate anong pangalan mo?" Tanong niya sa kaybigan ko sabay lahad ng kamay niya dito
"Mae"
"Mae, ikaw ate" baling niya sakin.
"Salvy" sabi ko, nagdadalawang isip kung tatanggapin ko yung shake hands niya o hindi.
Nag end up nalang ako na idampi yung mga daliri ko sa kamay niya, hindi yung buong kamay ko kasi feeling ko pag tinanggap ko yun winelcome ko na siya sa buhay ko! Hahaha advance kasi ako mag isip.
"Grabe ate, hindi naman madumi kamay ko." Natawa ako dahil pinunas pa niya kamay niya sa polo shirt niya at iniabot ulit sakun kamay niya kaya napilitan akong makipagkamay pero yung tip pa din ng kamay ko lang ipinangshake hands ko. HAHHAHA ANG ARTE KO LANG .
BINABASA MO ANG
Mga KWENTONG Walang KWENTA
RandomNagtataka kayo kung bakit sinulat ko pa ang kwentong ito kung wala namang kwenta? Ako din naman (⑉꒦ິ^꒦ິ⑉) Pero nais ko lang sabihin na lahat naman ng kwento ay may kwenta. Itong kwento lang ang wala 😂 Alamin kung bakit walang kwenta ang kwentong...