Totoo kayang first love die hard?
"Can you please give me another chance?" he said
"Tama na, ayoko na. Ilang chance na ba?" Sagot niya dito
"Last chance, I promise I'll be good".
He was her first love. A highschool puppy love."Pano kita bibigyan ng chance kung sa huli alam kong hindi naman ikaw ang end game ko?" She said.
"Kahit na hindi tayo ang end game sa huli, bigyan mo lang ako ng chance na iprove sayo na nagbago na ako at papatunayan ko sayo na pwede namang tayo hanggang huli."
His words seems so true but she knows better. She can trust him once again but she can't trust her judgement. Tinatak na niya sa isip niya na hanggang magkaibigan nalang sila, kasi in that way walang masisira ulit.
"Gala tayo" sabi ni Gerald.
"Hindi ako pwede eh" tanggi niya naman agad.
"Bakit? Wala ka naman pasok ah" nagpupumilit.
"Ikaw may pasok" nagpapalusot.
"Day off"
"Pahinga ka."
"Ayaw mo na talaga?" Tanong nito na tila susuko na.
"Ayoko lang masira yung friendship."
"Walang masisira, hindi ko na ipipilit, okay na ba? Sasamahan mo na ako mag gala?" Nagsusumamo at umaasa
"Kulit."
"Ayaw pa kasi." Nagpipigil ngumiti.
"Tara, san ba?" bibigay din pala
"Wait. Sunduin kita"
She likes him as a person. Long time ago she fell inlove with this guy, but for some reason they always end up breaking each others heart And then she changed. She felt nothing towards him now except for the friendship she can offer.
"Picture tayo" sabay tapat ng camera sa harap nilang dalawa.
Click
"Saglit lang naman! Di pa ko nakatingin eh" natatawa pero busangot na sabi niya.
Nang sunduin siya nito sa kanila dumiretso sila sa simbahan.
Nasa playground sila ngayon at napagod na sa kakaikot-ikot sa buong lugar kaya naupo nalang sa bench habang kumakain ng ice cream.
Inulit nila yung pag pose. Naka peace sign siya. Samantalang naka heart sign naman si Gerald.
Inulit pa nila ng maraming beses ang pag kuha ng picture sa cellphone nito.
Walang pinagbago.
"Para tayong nagdedate hehe, cute natin dito sa picture." Sabi ni Gerald habang nagsswipe ng mga photos, siya naman bumalik sa pagkain ng ice cream.
"Hindi nga kasi ito date." Pagtatama niya
"Friendly date lang naman, wag kang assuming" basag nito sa kanya.
"Bahala ka nga jan. Uwi nalang kaya na tayo?" Sabi niya ng maubos na yung ice cream niya sabay tayo.
"Maaga pa, punta tayo kila Jaypee" aya nito sa kanya.
"Ayoko. Di kami bati." Tanggi
"Edi magbati na kayo. Ano kayo mga bata"
"Kayo nalang ng kaybigan mo magsama" maktol niya
"Kaibigan mo rin naman yun." Sabi pa.
"Hindi na. Nagbago na siya." May himig ng pagtatampo.
"Busy lang yun sa baby niya, matampuhin ka naman kaya di tayo nagtatagal."
BINABASA MO ANG
Mga KWENTONG Walang KWENTA
RandomNagtataka kayo kung bakit sinulat ko pa ang kwentong ito kung wala namang kwenta? Ako din naman (⑉꒦ິ^꒦ິ⑉) Pero nais ko lang sabihin na lahat naman ng kwento ay may kwenta. Itong kwento lang ang wala 😂 Alamin kung bakit walang kwenta ang kwentong...