Lulan ng puting sasakyan ay ang isa sa mga anak ng pamilya Alfonso. Hindi nito napansin ang sasakyang magpa-park sana sa bakanteng parking space na nakita nito. Basta na lamang nito ipinasok ang sasakyan nang makita nitong available ang parking space. Agad namang umalis ang sasakyan na kanina ay nasa likuran lang nito. Matapos niyang mag-park ay agad itong nagtungo sa opisina ng ninong nito.
"Good morning, Nong!" bati ni Rick sa ninong niya na kanina pa naghihintay sa kanya. Abala naman sa pagbabasa ang matanda ng papeles na ibibigay sa binata para pagsisimula ng kanyang trabaho.
"Good morning, Rick! How are you!" masayang bati ng matanda. Inilapag nito ang hawak na papeles at kinamusta ang inaanak. Tunay na anak na ang turing nito sa binata. Sa kabila ng matagumpay na negosyo nito. Kailan ma'y hindi nabiyayaan ng anak ang biyudong Lopez kahit hanggang sa huling hininga ng asawa nito. Tanging ang negosyo na lamang nito at si Rick ang itinuturing nitong anak.
"Ayos lang, Ninong. Looking good ah!" sabi ng binata sabay abot ng kamay nito para magmano sa ninong niya.
"Nako. Ako ba o ikaw?" natatawang saad ng matanda. Kahit kailan talaga ay lagi siya nitong pinasasaya.
"Tara at naghihintay na ang mga tao sa conference room." sabay tayo nito mula sa kinauupuan. Pero bago pa man ito makarating sa pinto ay napahinto siya nang marinig ang sinabi ni Rick.
"Nong, may request sana ako. Ayaw ko kasing maging usap-usapan dito sa opisina. Puwede bang---"putol niya sa sasabihin. Nag-aalangan kasi siyang magsabi dahil nahihiya rin siya sa ninong niya.
"Puwede po bang... Rick Alfonso na lang ang pagpapakilala niyo sa akin? And, please don't mention that I'm part of the Alfonso clan." saad nito habang nakahawak sa batok. Nahihiya siya sa ninong niya pero katulad ng nabanggit niya ay ayaw niyang maging tampulan ng chismis.
"Please, ninong... Please?" paki-usap nito sa ninong niya na alam naman niyang pagbibigyan siya nito. Hindi naman siya nagkamali at agad itong pumayag.
"Oo naman, Iho. Ikaw pa ba? Malakas ka kaya sa 'kin." tapik nito sa balikat ng inaanak.
Saka lumakad papunta sa pinto. Sabay silang lumabas ng opisina para pumunta sa conference room. Masayang naglakad papuntang conference room ang magninong habang nag-uusap tungkol sa magiging posisyon nito. Hindi nagkamali ang matandang Lopez sa pagpili kay Rick dahil naging humble na bata ang inaanak. Nang makarating sa conference room ay agad na ipinagbukas ng pinto ang matandang Lopez ng secretary niya. Agad namang nagsitayuan ang lahat ng mga managers at sabay-sabay silang bumati.
"Good morning, Mr. Lopez!" bati ng mga empleyado at yumuko ang mga ulo tanda ng pagrespeto sa boss nila.
"Good morning! Are you all good?" nakangiting tanong ng matanda. Nagsitanguan naman ang bawat isa bilang pagsagot sa katanungan nito.
"I would like all of you to meet Ma--- I mean, Rick Alfonso. Our new intern as an operations manager." pakilala nito kay Rick sa mga empleyado.
Agad namang nagsitinginan ang mga empleyado sa binata at ganoon din naman si Mika. Halos dalawang beses siyang napalingon dito. Hindi makapaniwala sa nakita. Nanlalaki ang mga mata nang mamukhaan ang lalaking ipinakilala ng matandang Lopez. Halos hindi maalis ang paningin nito sa binata.
Hindi lang siya basta napatitig dito dahil sa naalala niyang manager ito sa shop na pinanggalingan niya kahapon. Kung hindi ay dahil sa hitsura nito. Hangang-hanga siya sa kagwapuhan nito ngayon. Ibang-iba ang mukha at hitsura nito nang makita niya ito sa shop. Mas fresh at mas gwapo kumpara kahapon.
"Anong--- anong ginagawa niya dito?" napatanong sa sarili na sabi ni Mika. Nakatitig pa rin siya kay Rick. Pero muli niyang naramdaman ang pagkayamot nang maalala niya ang insidente sa mall kasama ang aroganteng lalaki. Habang siya ay nanggi-gigil sa inis ang mga kasamahan naman niyang manager ay tila kinikilig sa kagwapuhan ng intern.
BINABASA MO ANG
HATE to LOVE
RomanceMarcus Alfonso and Mikaela Salvatore Will you love the one you hate or will you hate the one you love? Hate love? Love hate? We cannot choose the person we love. Sometimes we meet the right person at the wrong time. And, at the right time, we meet a...