"May mga itatanong ka pa ba? Kasi kung wala na ay ihahatid na kita sa opisina mo." seryosong saad ng dalaga at tinalikurang muli ang lalaking kausap nang mapansing wala naman itong katanungan. Pero nang tumalikod siya ay nauna ito ng bahagya sa kanya at pumunta sa harapan niya. Tila hindi pa ito nakukuntento sa pang-iinis sa kanya. Napanganga siya sa hindi inaasahang katanungan nito sa bagay na kahit ito ay nagulat din sa sariling tanong.
"Do you have a boyfriend?" katanungang namutawi sa mga labi ni Rick na hindi niya rin malaman kung bakit niya ito naitanong. Marahil ay dahil sa naiintriga siya sa kasungitan nito. Maari ring nang dahil sa nagagandahan talaga siya kay Mika na kahit sobra ang kasungitan ay hindi maikakaila na may kagandahan itong taglay.
"Are you flirting with me?" angil nito sa binata.
"Hindi ako katulad ng ibang mga babae diyan na makukuha mo lang sa pangiti-ngiti mo." saad muli ni Mika.
"At puwede ba? Hindi kita type. Ayaw ko sa bastos, walang modo at antipatikong lalaking katulad mo." dagdag pa ni Mika na halos hindi na mapigil ang sarili na sinagot ang binata. Napupuno na siya sa usiserong lalaking ito. Ang lakas ng loob na magtanong kung may boyfriend na siya sa oras ng trabaho.
Napangisi naman ang binata. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang lumapit si Rick sa dalaga na halos isang pulgada na lang ang layo sa isa't isa. Nanlaki naman ang mga mata ni Mika sa ginawa ng binata. Halos mag-unahan sa pagtibok ang puso niya nang dahil sa pagkabigla. Langhap na hanghap niya ang halimuyak ng pabango nito. Mas ikinabigla pa niya ang pangyayari nang ilapit nito ang bibig sa kanyang tainga. Ramdam niya ang init ng hininga nito lalo pa nang bumulong ito.
"Let see then, Ms. Salvatore? Soon you'll be mine." dinig niyang sambit nito. Amoy pa rin ni Mika ang bango ng hininga ni Rick.
Halos sumabog ang puso niya sa kaba. Parang nabuhay ang dugo niya sa katawan nang maamoy niya ang mabangong hininga ni Rick. Parang libu-libong kuryente ang dumadaloy sa katawan niya na hindi niya maipaliwanag. Gusto niyang sampalin ang binata pero parang ayaw makisama ng katawan niya. Halos magdikit na ang mga katawan at mukha nila nang maabutan sila ng matandang Lopez.
"There you are! Nakita ko rin kayo. Puwede ko bang mahiram si Rick? I need to discuss something to him in my office." sabi ni Federico na abot-tainga ang ngiti.
"Okay po. Actually, tapos na kami. I was about to send him to his office." sagot ni Mika na namumula pa ang mga pisngi dahil sa awkward na posisyon nila na naabutan ni Mr. Lopez.
"Hmm... Sige. Ako na ang bahala sa kanya, Mika. Maraming salamat." nangingiti pa rin ang mata sa naabutang tagpo ng dalawa.
"No problem, Sir. Babalik na rin po ako sa office ko." nagpaalam na ang dalawa sa kanya at gano'n din naman siya. Agad siyang nagtungo sa opisina para simulan ang trabaho na dapat ay kanina pa niya nasimulan. Kung hindi lang dahil sa aroganteng lalaking iyon.
Matapos ang mahabang araw sa opisina ay natapos na rin ang kanyang trabaho. Nagmadali siyang bumyahe pauwi ng bahay. Kasalukuyang natutulog naman ang alaga niyang si Tootsie pagdating niya ng bahay kaya naman umakyat na lang siya kaagad sa kwarto niya. Pagpasok na pagpasok niya sa kwarto ay pasalampak na dumapa si Mika sa kanyang kama at pinagpapadyak ang kanyang mga paa. Para siyang mababaliw.
Bakit sa dinami-dami ng taong puwede niyang maka-trabaho ay ang mayabang na manager pa sa shop? Halos maiyak siya sa sitwasyon niya. Isang gigil na sigaw ang pinakawalan niya habang nakasubsob ang bibig sa unan. Matapos ay bumuntong-hininga sa inis at marahang kinagat ang kanyang labi. Saglit siyang pumikit para ipahinga ang isip sa maraming bagay.
Pero hindi niya pa rin maiwasan na hindi isipin ang naganap kanina sa opisina. Paulit-ulit na lumilitaw ang napaka-gwapong mukha ng aroganteng lalaki na minsan na niyang nakaaway. Patuloy na sumisiksik sa isipan niya ang mukha nitong parang palaging nanunukso. Ang nakababaliw nitong amoy na parang dumikit na sa ilong niya at hindi maalis. Idagdag mo pa ang matipunong katawan nito.
Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya kanina na halos tumigil ang ikot ng mundo niya. Naka-slow motion ang paligid niya. Never pang nagka-boyfriend si Mika kahit na maganda siya. In fact, since college at kahit hanggang ngayon ay may nanliligaw sa kanya pero wala siyang nagugustuhan. Ipinangako na rin kasi niya sa sarili niya na hinding-hindi siya mag-aasawa kahit kailan.
Lumaki siya sa America kasama ang mga magulang niya. At sa paglaki niya ay halos hindi niya nakasama ang mga magulang niya dahil palagi itong busy sa kani-kanilang career. Solong anak lang si Mika kaya halos lahat ng mga materyal na bagay ay nasa kanya na maliban sa kalinga ng mga magulang. Paminsan-minsan lang sila nagkasama at ang minsan pang iyon ay puro away lang ang nakikita nya. Noong mag-college na siya ay nagdesisyon siya na umuwi sa Pilipinas.
Labag man sa kalooban ng mga magulang niya ay wala rin silang nagawa sa hui. Tumira siya sa kanyang lola Modesta. Ang nanay ng kanyang mommy. Si lola Modesta ang kaisa-isang taong nakakaintindi sa kanya. Kaya nang namatay ito ay halos ilang taon din bago niya natanggap ang pagkawala nito. Nasanay na rin siyang mamuhay kasama ng kanyang alagang aso at si Cris.
Napabalikwas siya nang magising. Nakadapa pa rin pala siya at nakatulog nang hindi niya namamalayan. Tumihaya siya ay napatingin sa kisame. Naisip niya na parang nananadya talaga ang kapalaran dahil hanggang sa kanyang panaginip ay hindi siya nilulubayan ni Rick. Narinig na lamang niya na kumakatok at tinatawag siya ni Criselda.
"Mika, handa na ang dinner. Kain na tayo..." dinig niyang sabi Cris sa kabilang bahagi ng pinto habang kumakatok ito. Pupungas-pungas pang naupo siya gilid ng kama.
"Okay, Cris. Salamat! Baba na ako." Agad na tumayo si Mika mula sa pagkakaupo sa gilid ng kanyang kama. Saglit na nagtungo sa banyo para maghilamos at saka bumaba na para kumain.
Pagkatapos nilang kumain ay umakyat siyang muli sa kwarto para magshower. Bago magshower ay naisipan niyang silipin muna ang kanyang cellphone. Saka niya lang nakita na mayroon siyang missed calls galing sa daddy at mommy niya. Ilang araw na rin niyang iniiwasan ang mga ito. Ibinaba niya ang cellphone niya at pumasok na siya sa toilet para magshower.
Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Mag-aalas dose na ng hating-gabi ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Pabaling-baling siya sa higaan na halos hindi niya alam kung paanong posisyon ba ang gagawin niya para lang makatulog. Hindi siya pinapatulog ng mga isipin niya sa dami ng problema niya. Sa trabaho, sa mga magulang niya, at lalong-lalo na sa aroganteng intern na si Rick.
Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay mukha ng lalaking iyon ang nakikita niya. Mga ilang minuto pa ang nagtagal at sa wakas ay dinalaw na rin siya ng antok. Hanggang sa makatulog siya ay si Rick pa rin ang nasa isipan niya. Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog. Basta ang alam niya ay nakatulog siya kahit papaano.
Tinanghali ng gisingsi Mika dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Sa kasamaang palad ayikinaresulta ito ng hindi maayos na tulog niya. Mula sa pagpikit ng mga mataniya hanggang sa pagmulat nito ay mukha ng binata ang nakikita niya. Naalala nanaman niya ang aroganteng lalaki. Dahil doon ay mas lalo siyang nainis dito.Kung bakit ba palagi na lang sumisingit sa isipan niya ang lalaking iyon?
BINABASA MO ANG
HATE to LOVE
RomantizmMarcus Alfonso and Mikaela Salvatore Will you love the one you hate or will you hate the one you love? Hate love? Love hate? We cannot choose the person we love. Sometimes we meet the right person at the wrong time. And, at the right time, we meet a...