"Kasalanan mo talaga 'to, Rick Alfonso!" angil niya na nagpapapadyak pa mula sa kinahihigaan. Agad niyang kinuha ang tuwalya niya at pumasok ng banyo para magshower. Matapos ay nagbihis na siya at nagready nang pumasok. Hindi na niya nagawang mag-almusal pa dahil mali-late na siya. Kaya nagdesisyon siyang dumeretso sa starbucks para magtake-out na lang ng kape.
Abala siya sa pagmamaneho papunta sa opisina kaya halos hindi na niya napansin ang mga tao sa paligid niya. Mula pagpasok sa building nila hanggang sa pagsakay sa elevator. Hawak ang starbucks coffee niya ay mabilis siyang naglakad papunta sa opisina niya. Hindi niya napansin na may tao pala sa likuran niya. Sa pagmamadali ay hindi niya napansin na nagmamadali rin pala ang isang ito. Kaya naman paghakbang niya ay halos magkasabay na sila sa paglakad ng lalaki. Sa kasamaang palad ay nagkagitgitan sila kaya naman natapon ang kape na hawak niya sa damit nito. Agad na kinuha niya ang panyo sa loob ng bag niya.
"I'm sor..." saad niya at akmang pupunasan na niya ito nang makilala niya ang mukha nito. Halos hindi niya natapos ang sasabihin nang makita niya ang pamilyar na mukha ng lalaki at ang halimuyak ng pabango nito na animo'y isang drugs na hindi niya makalimutan. Saka lang niya napansin na ito pala ang aroganteng lalaki. At sa muling kamalas-malasang pagkakataon sa buhay niya ay ito na naman ang dahilan ng pagkasira ng araw niya. Natapunan niya ng kape ang lalaking kinaiinisan niya.
"I-ikaw na naman?!" halos magkasabay na sabi nila nang makita nila ang isa't isa.
"What are you doing here?" iritableng tanong niya kay Rick. Hindi naman kaagad nakapagsalita si Rick dahil sa kapeng natapon sa damit niya. Sa halip na sumagot ay inagaw niya ang panyo sa kamay ng dalaga na dapat sana ay ipupunas nito sa kanya. Pinunasan niya ang sarili gamit ang panyong iyon. Nairita naman si Mika sa ginawa nito pero ang mas lalo niyang ikinairita ay nang ngitian siya nito ng naka-aakit.
"Dito raw muna ako for two to three months hanggang sa makabisado ko na ang trabaho ko." sabi ni Rick sabay kindat kay Mika.
"Huh? Bakit sa 'kin?! Madami namang ibang operations manager dito bukod sa 'kin. Nandiyan naman si Teddy o hindi kaya ay si Brenda." paliwanag ni Mika.
Halos mangiyak-ngiyak siya sa inis. Alam niyang mahihirapan siyang magtrabaho kapag nando'n ang presensya ni Rick. Napansin naman ng binata na parang naiiyak sa inis si Mika. Ayaw rin naman niya na tuluyan siyang isumpa ni Mika.
"Look, I don't want to be here either. It's just that I don't have a choice. Sa tingin mo ba gusto ko rin 'to? Kung pwede lang pumili. Okay rin naman ako kay Brenda..." Hindi maintindihan ni Mika ang nararamdaman. Kung matutuwa ba siya o maiinis. Ayaw rin nito na makasama siya pero parang manyakis naman nang banggitin ang pangalan ni Brenda.
"Unless, you talk to Ni... I mean, Mr. Lopez." nakangisi pa na sabi nito na parang nang-aasar pa sa kanya.
" Ano pa nga ba?" nagtangis ang mga ngipin ng dalaga sa inis. Puwede naman din niyang gawin ang sinabi o suggestion ni Rick pero ayaw niyang lumabas na hindi niya kayang i-handle ang isang katulad ni Rick. All the while ay sobra ang tiwala at bilib sa kanya ng boss niyang si Mr. Lopez. Hindi siya papayag na dahil lang kay Rick ay masisira siya.
"No way!" sigaw ng isip niya. Tinalikuran niya ang binata ay lumakad na papunta sa desk niya pero nakabuntot naman si Rick sa kaniya. Nang makarating siya sa desk niya ay saka lang niya narealized ang isang bagay na ipinagtataka niya kahapon.
Kaya pala dalawa ang mesa sa opisina pagpasok niya ay dahil makakasama niya ang antipatikong lalaking ito. Silang dalawa sa isang kuwarto? Magkatabi pa ang mesa? Hindi niya rin alam kung paano siya magpo-focus dahil sa lakas ng halimuyak na dala ng pabango ng binata na kina-aadikan niya. Halos mapuno ng amoy nito ang loob ng opisina.
Nang makarating sa desk niya ay saglit siyang napatulala. Hindi niya alam kung paano magsisimulang turuan ang mokong na 'yon na makakasama niya for two to three months sa opisina. Hindi niya namalayan na sa saglit na pagtulala niya ay kinakabisado na pala ng binata ang mukha niya. Nakatitig lang ito sa kanya at nakahawak sa pisngi habang nakatukod ang siko sa mesa. Naghihintay na magsimula sila sa kanilang gagawin.
"Okay. Shall we start?" nakangiting sabi ni Rick sa dalaga. Hindi alam ni Mika kung bakit sa tuwing nakangiti ang binata ay parang nag-aawitan ang mga anghel sa langit.
Bukod pa ro'n ay para siyang yelong natutunaw. Napailing na lamang siya nang bigla siyang magising sa reyalidad na mali ang pumapasok sa isip niya. Dapat ay mainis siya dito. Naisip niyang tiisin na lang ang tatlong buwan. Mabilis lang naman ang araw. Kahit labag sa loob niya ay pinilit niyang magpaka-professional para turuan si Rick kahit naiilang at nauutal siya. First time lang nangyari na nawala ang confidence niya.
Tuloy lang ang pagdi-discuss niya tungkol sa pinag-uusapan nila nang biglang naputol ang pagsasalita niya. Bigla kasing bumukas ang pinto nang wala man lang katok na nangyari. Bigla na lang bumulaga sa pintuan si Brenda. Napapaisip na lamang si Mika na may halong pagtataka dahil never itong pumunta o dumalaw man lang sa kanyang opisina. Isang milagro na bisitahin siya nito o hingan ng kahit anong opinyon o suhestiyon.
"Ano kaya ang kailangan ng babaeng ito." tanong ni Mika sa sarili habang tinititigan ang babaeng hindi niya alam kung ano ang agenda sa kanya.
"Hi! friendship, Mika!" maarteng bati ni Brenda sa kanya habang abot-tainga ang ngiti nito pero hindi sa kanya kung hindi ay kay Rick. Biglang namang tumaas ang kilay ni Mika dahil hindi naman gano'n ang pakikitungo ni Brenda sa kanya. Simula't sapul ay hindi na magkasundo ang dalawa dahil laging nakikipag-kompetensya si Brenda sa kanya. Pero likas na magaling sa trabaho si Mika kaya naman bilib na bilib sa kanya ang boss nilang si Mr. Lopez sa kakayahan niya.
Sa kanilang dalawa ay mas maganda si Mika. At hindi lang siya maganda. Napakabait din pati sa mga empleyadong nasasakupan niya. Kaya naman mahal na mahal siya ng mga ito at ng iba pang mga empleyado sa ibang departamento. Ngunit taliwas ito sa pagka-kilala sa kanya ni Rick dahil sa insidente sa mall sa unang pagtatagpo nila.
"Yes?" nagtatakang tanong ng dalaga kay Brenda. Agad namang lumapit ang babae sa kanya at sinabi ang pakay na ikinagulat niya.
"I actually need your help for something. I want to ask an advice from you." malambing na sabi ni Brenda habang bitbit ang portfolio designs niya at nakatingin kay Rick habang nakangiti dito. Biglang napagtanto ni Mika na hindi pala siya ang sadya ng babaeng ito kung hindi ay si Rick para makipag-flirt at magpa-cute dito.
"Pero... Mukhang busy ka yata. Ay! Nandito pala si Mr. Alfonso e..." sabi pa ni Brenda habang nakatitig pa rin sa lalaking tinutukoy.
"Oh! Hi there." Pa-cute na sagot ni Rick. Sabay abot ng kamay ni Brenda para makipagshake hands dito na kung saan ay kinilig naman ito. Bigla namang nainis si Mika dahil parang gustong-gusto ni Rick ang pagpa-papansin ng babae sa kanya. Agad na tumayo si Mika dahil hindi mai-abot-abot ni Brenda ang portfolio sa kanya at para matapos na ang pakay nito. At nang makaalis na rin dahil malagkit pa rin itong nakatitig kay Rick. Bigla namang natauhan si Brenda nang kuhanin ni Mika sa kamay nito ang portfoliong hawak nito.
"Can I?" tanongni Mika sabay kuha ng portfolio habang matamang nakangiting bumaling ng tinginkay Brenda.
BINABASA MO ANG
HATE to LOVE
RomanceMarcus Alfonso and Mikaela Salvatore Will you love the one you hate or will you hate the one you love? Hate love? Love hate? We cannot choose the person we love. Sometimes we meet the right person at the wrong time. And, at the right time, we meet a...