Chapter: 2

34 13 2
                                    

Chapter: 2
Sorry

-Cintyrella♥

Anne's POV

"Ouch!"

Nako-konsensysa ako kay Lance Kawawa naman sya...
Kahit ginugulo nya ako araw-araw naawa parin ako sa kanya.
Leche kasi yung Zian na yun!!! Ughh!!! Nakakainis sya!!!

"Ano bang kasalanan ko sayo Anne?!" Tanong nya..

Waaaa dumugo pa naman yung lips nya..

"So-sorry.." Tanging ang mga katagang pinakawalan ko...

Na aawa talaga ako sakanya...

"Anong sorry?! Sa tingin mo mapapagaling ng sorry mo ang sugat sa kissable lips ko?"

Ay nagbiro pa si gago.

"Gusto mo bang dagdagan ko pa?!!" Bulyaw ko.
Bwisit! Kahit kailan talaga nang-gagago tong lalaking to!!

"Halikan mo nalang para gagaling"

Asa! Sarap sapakin eh noh

"Nakakaputa ka talaga!!!"

Umalis na ako sa cafeteria.

Bwisit!

Nawalan na ako ng ganang kumain...

Dinala ako ng aking mga paa sa mini forest.

Umupo ako sa malaking ugat ng puno... Parang di lang ako nag iisa dito ah.

Nilibot ko ang aking paningin wala namang tao..

"Waaaaaaaaaa!!" Sigaw ko.

Pano ba pag bigla ka nalang makakita ng taong bigla biglang tumalon galing sa puno, try natin kung di ka magugulat.

Tangina naman oh.

Napaka malas ko ngayon!!

At ang mas masaklap pa si Zian ang taong iyon!!

"Mukhang gulat na gulat ka ah"

Ang tanga naman nya di ba obvious?!!

"Ay hindi obvious?!!!" Pagtataray ko.

Bwiset!

Imbis isang lalaki lang ang nangugulo sakin dumagdag pa tong mokong to.

"Bakit ba ang init ng ulo mo sakin?" Nag tatakang tanong nya.

Tinatanong pa ba yun?!!!

Ano pala sa tingin nya yung mga ginagawa nya?!! Hindi kaya nakakatuwa!

Bwiset!

Di ko nalang sinagot yung tanong nya.

Umupo lang sya sa tabi ko.

-----------------

Limang minuto na ang nakalipas....

Kumkain lang yung katabi ko.
Ang takaw-takaw nya pfftttt

"Gusto mo?" Alok nya.

Wala na akong gana kumain eh.

I rolled my eyes.

"Bahala ka..." Pinag patuloy nya ang pagkain.

Parang nangyari na to dati...
Pamilyar to masyado tong scene na to!!!

"Gusto mo?" Alok nya ulit.

Tumawa lang ako ng mahina.

"Wala nga akong gana kumain!"

"Bahala ka dyan...." Pinag patuloy nya na ulit ang pagkain.

*Kruuuu kruuuuuu*

Tyan ko wag mokong traydorin nakakahiya!! >,<

Humalakhak lang sya.
"Bwisit!!!" Sigaw ko.

Kinuha ko ang kinakain nya at kinain ito... Wla na akong pake! basta gutom ako!!

Kinain ko lang ito ng kinain hanggang sa naubos ito..

"Juliana...."

Juliana? Sino ka yun?

Pamilyar talaga yung pangalang yon.

"Sino si Juliana?" Biglang tanong ko.

"Ahh wala." Sagot nya.

Speechless ako

Kinuha ko yung juice nya at ininom ito. Nauhaw ako eh...

"I-indir-ect k-ki-kis-s" Nabubulol na sambit nya...

Sus! Ang OA naman nya!

"Oa!!!"

Humalakhak lang kaming dalawa....

"Dahil ininom mo yung juice ko, pag mamay ari na kita! Anne ko!!"

May biglang na-alala akong kataga..

Liana ko

Sino ba kasi yang Liana?! Bakit napapanaginipan ko nalang at minsan lumilitaw nalang sa isipan ko!!!

Kumunot ang akin noo.. Langya!!!!

Makalipas ang ilang minutong panggugulo sakin ng mokong na yun ay iniwan ko na sya sa mini forest. Nakakainis!! Ako? Pagmamay ari nya? Asa!!

"Uy Anne! Si La-Lance! Tulongan mo sya!" Pagsalubong sakin ni Sidney

"Anong nangyari?!!"

Hey! Mr. Desperate! #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon