CHAPTER TWO

498 5 0
                                    

--------------------------

Kairey POV

Bakit at paano niya ako nakita three months na ang nakakalipas. Simula ang nangyare saakin. Kahit wala ako sa katinuan nun. Naalala ko naman ang mga mata niya lalo na ang kanyang napakagwapong mukha. May atraso kaya ako sakanya? Sa pagkakaalam ko wala naman. So bakit ganito. Pagkatapos niyang magsalita ay sinarahan ko siya ng pinto. Noong una ay katok siya ng katok pero ng mapagod siya ay  tumigil na din. Parang ayoko na tuloy umalis. Dito nalang ako sa hotel room ko. Pero sayang naman ang one week na bakasyon ko.




*isip



*isip




*isip




*isip




*Ting💡☝



Malawak naman itong resort namin at imposibleng magkikita kami. O hindi kaya magdi disguise nalang ako. Tama yun na nga.




Ngayon oras na magkikita kami ni Hailey. Magsu swimming na din kase kami ngayon kaya sinuot ko na ang red two piece ko at nagsuot din ako ng dress na see through With shades at hat. I'm done. Grabe parang artista ang nakikita ko sa salamin. Pero bakit ganon tumaba nga ako pati yung tiyan ko lumaki. Magjojogging na nga ako every morning. So pagkatapos ko pinuntahan ko na nga si Hailey sa lobby.


"Wow ang sexy naman." Si Hailey



"Ikaw din kaya ang sexy mo." Naka yellow na two piece naman siya pero naka shorts pa siya na maikli. Parang model talaga to. Kung hindi lang ako babae liligawan ko na to. Hahahahaha joke lang po peace✌



"Tara kain muna tayo gutom na kase ako e. Kanina pa hindi na kase ako nakapagbreakfast. Kaya eat na tayo." Si Hailey sabay hila saakin sa loob ng isang resto dito sa ibaba ng hotel sa sobrang gutom naming dalawa madami dami kaming nakain. The best talaga ang pagkain dito. Pagkatapos namin kumain pumunta na agad kami sa beach.




"Grabe bestie ang ganda talaga dito." Siya





"Syempre naman. Tara dun na tayo." Sabay turo dun sa may bench malapit sa dagat.




*SA KABILANG BANDA




Hindi niya alam na nakita ko siyang lumabas ng hotel room niya. At sinundan ko siya hanggang sa pumunta siya sa lobby. Dun din ako umupo sa malapit sa kanila ng kaibigan niya. Ang ganda niya sa suot niyang swimsuit nakita ko kung paano siya tignan ng ibang lalaki at naiinis ako dun. Hindi pa pala ako nagpapakilala ako nga pala si CZUES HENRY ANDERSON. 22years of age at nagmamay ari ng isang malaking kompanya dito sa asia. Balik na ako sakanya.





Nagulat din ako sa dami ng kinain nila. Lalo ko siyang nagugustuhan sa pinapakita niya. Naalala ko tuloy nung gabing yun.



****FLASHBACK****


Nandito ako sa bar kasama ako ang mga kaibigan ko. Sila matt, drew,kaizer at kurt. Kurt own this bar so walang problema sa amin nasa VIP section kami.





Habang pagabi ng pagabi mas nagiging wild ang mga tao dito sa bar. Pero may isang babae ang nakakuha ng aking tingin. Mukha siyang inosente. Kahit medyo madilim ang paligid parang siya ay nagliliwanag. Ano ba to. Hindi ko na inalis ang tingin ko sakanya. Nagiging wild na din siya dun ko nalang nakita ang sarili ko napapunta sakanya. Pumunta ako sa likod niya nakikisabay ako sa bawat kembot niya. Bigla ko lang hinawakan ang bewang niya nung una akala ko magrereklamo siya patuloy lang siya sa pagsayaw.




Just a night with him.Where stories live. Discover now