--------------------------
Habang nasa biyahe kami pauwi ni Hailey hindi maalis ang takot saakin. Iniisip ko kung paano sasabihin ang ganito sa mga magulang ko. Ang hirap kase sobrang laki ng expectations saakin nila mom at dad. Kung hindi lang sana ako sumuway sa kanila hindi mangyayare to.
"Bestie ang lalim ata ng iniisip mo. Si czues yan no? Hahaha ayieeehhhh!!! Bayaan mo may number ako nun gusto mo tawagan ko?" Nanunuksong sabi ni Hailey. Teka bat siya may number nun?
"Hindi iniisip ko lang ang mangyayare. Natatakot lang ako." Sabi ko.
"Bayaan mo hindi ka naman papabayaan ni czues. Diba nangako siya sayo mukha namang totoo sinasabi niya." Sabi nito.
"Sana nga." Pagkatapos naming mag usap ni Hailey nanahimik na naman ako. Tumingin nalang ako sa bintana.
After 3hours nakarating na kami saamin.
"Hi tita!!! Hi tito!!!" Sabi ni hailey kahit kailan talaga ang bunganga nito. Kahit papaano nawala sa isip ko ang problema ko.
"Hi Hailey. Tamang tama maghahapunan na sumabay kana saamin." Sabi ni dad
"Nag enjoy naman ba kayo?" Dagdag ni dad
"Yes tito sobrang nag enjoy kami. Alam niyo ba--------." Pinigilan ko agad ang sasabihin ni hailey wala talagang preno bibig nito. Siniko ko tuloy
"Ano yun?" Sabi ni dad.
"Hahaha wala po. Kako kumain kami ng loming Batangas super sarap po pala talaga hehehe." Sabi ni hailey
"Tara na kakain na tayo." Sabi ni mom
"Babygirl parang tumaba ka ata hahaha. " sabi ni dad habang tumatawa
"Ahhh. A-ano po ang sarap po kase ng seafoods dun kaya napaparami po ang kain." Sabi ko
"Ah ganon ba. Maganda yan." Sabi ni dad
Katulad ng kinagawian namin tahimik kaming kumain. Kahit si Hailey alam yun sa tagal ba naman naming magkaibigan. Pagkatapos naming maghapunan nagpaalam na din si Hailey mukhang pagod na pagod ang bruha.
Nasa kwarto na ako. Naligo ako bago matulog. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ito. Hindi ko naman pinagsisisihan sabi nga nila every child is a blessing so as soon as possible sasabihin ko kanila mommy ang nangyayare saakin. Maiintindihan namam siguro nila ako.
At pagkatapos ko mag isip natulog na ako bukas ay mag uumpisa na ako magmanage ng company namin. Syempre tutururan muna ako kung paano patakbuhin yun.
Good night baby. Zzzzzz😴😴😴😴😴
-----------------------------
--------------------------------Naging maganda naman ang unang araw ko sa company namin. Si dad mismo ang nagguide saakin para malaman ko ang dapat malaman. Isang linggo na ako nagtatrabaho dito at hindi mawawala ang morning sickness ko tuwing umaga. Hindi ko pinapahalata kanila mommy ang nangyayare saakin. Hindi pa kase ako handa.
Ngayon nasa opisina ako at may pinipirmahang mga papels. Mamaya naman may lunch meeting ako kay mr.lee sa isang sikat na Chinese restaurant. Buti nalang dun napili ni mr.lee na maglunch kami nagke crave kase ako ngayon sa Chinese food.
"Ma'am excuse po nandito po si Ms. Hailey. Papapasukin ko po ba?" Tanong ng secretary ko.
"Yes please." Sabi ko
"Bestie. Grabe naman pati ako ayaw papasukin dito." Sabi ni Hailey
"Order ni mom yun. Ayaw niya kase ng maistorbo ako kapag working hours." Sabi ko
"Grabe naman si tita. Nakakatampo na.😔😔" biglang nalungkot ang mukha ni Hailey.
"Don't worry sasabihin ko sa secretary ko na kapag ikaw ang pupunta patuluyin ka agad. Okay na ba yun?" Nawala ang malungkot na mukha ni Hailey at napalitan ng masaya.
"Really bestie? Thank you nabobored din kase ako sa bahay. Kaya ako pumunta dito." Sabi niya
"Ganon ba." Maikling sagot ko.
"Ano na nga nasabi mo na ba kanila tito yan?" Tanong ni Hailey
"Hindi pa " sabi ko
"Nga pala nakalimutan kong sabihin wala si czues ngayon dito. May business meeting siya sa Europe." Sabi ni Hailey.
"Talaga? Kailan naman ang balik niya? " tanong ko bakit nga ba hindi ko kunin ang number nun. Ayoko naman na ako ang gagawa ng first move. Bahala siya .
"Hindi ko lang sure ha. Baka sa Friday. Nung Saturday siya umalis. Baka naman iba iniisip mo ha. Pag uwi niya kase pagpeprapare niya ako ng blind date sa kaibigan niya." Sabi nito nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman ko yun.
"Okay. Ikaw pursigido ka talaga na makahanap ng boyfriend ha. "
"Syempre baka mapag iwanan e." Sabi nito
Sobrang tagal pala ng kwentuhan namin at lunch na pala.
" Sige bestie may lunch meeting pa ako kay Mr.Lee see you nalang ulit." Sabi ko kay Hailey
"Ingat kayo ni baby ha. Hahaha" sabi nito na pinanlakihan ko ng mata. Baka kase may makarinig patay tayo pagnangyare yun.
Nakarating naman ako sa oras.
"Good afternoon Mr. Lee " sabi ko
"Good afternoon Ms. Lewis." Pormal na sagot nito. Halata mo na businessman talaga ito sa suot at pakikipag usap palang
" Kumain muna tayo bago natin pag usapan ang business. " sabi nito nakakapagtagalog siya. Siguro sa haba ng panahon na dito siya nagstay kaya natutunan niya ang language natin.
Madami ang inorder ni Mr. Lee busog na busog ako nito. Pero kailangan parin ng maging mahinhin baka malaman pa ni mommy patay ako.
Natapos namin ang pagkain. Medyo marami lang ng konti ang nakain ko. Mamaya ako babawi pag uwi ko. Napag usapan din ang para sa business. At napapirma ko din si Mr. Lee ng kontrata. Business partners na ang lewis at lee company. Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa company para tapusin ang natitirang pipirmahan na papeles. Pag uwi ko magpapahinga nalang ako magpapaakyat nalang ako ng pagkain sa kwarto ko. Grabe pala ginagawa nila mom at dad. Kahit naka upo ka lang ay nakakapagod din pala."Ma'am may tumawag po nasa kabilang linya na po." Sabi ng secretary ko
"Okay" sabi ko
Dinampot ko ang wireless na telepono.
"Yes hello?" Sabi ko
"Hi kairey." Nagulat ako sa boses na narinig ko
--------------------------
To be continue:Sino kaya yun