CHAPTER FIVE

385 2 0
                                    

---------------------------------------
CONTINUATION:

"Hi kairey." Nagulat ako sa boses na narinig ko.

"Tristan?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Yes! Akala ko nakalimutan mo na ako e." Sabi niya. Siya si TRISTAN SMITH. Kababata din namin ni Hailey nag aral siya sa US ng naghighschool na kami kaya nakakagulat na napatawag siya ngayon.

"Anong kailangan mo panget?" Walang gana kong sagot. Ganan tawag ko sa kanya simula pa nung mga bata pa kami. Babybaboy naman ang tawag saakin. Nakakainis nga e. Hindi ko pa siya ulit nakikita 3years na ata. Ewan ko.

" Malapit na ako umuwi magbabakasyon ako for 5months or for good na." Baliw talaga to hirap kausap.

" Talaga? Pasalubong ko ha? " sabi ko

"Syempre ikaw pa sobrang lakas mo kaya saakin. Kamusta kana pala? " tanong niya.

"Okay naman. Maganda parin." Sabi ko

"Hahaha joke ba yun?" Sabi niya

Tumagal ng isang oras ang pag uusap namin. Hindi ko namalayan na 7pm na pala. Paglabas ko sa office ko ay kokonti nalang ang tao. Nakita ko ang secretary ko na nandun parin naka ayos na siya pero hindi parin naalis. Ganito talaga hinihintay niya ang pag alis ko yun kase ang sabi ni mommy. Pag uwi ko nasa may sofa si daddy.



"Ginabi ka ata? " tanong ni dad

"Tumawag po kase si tristan." Sabi ko kay daddy

"Talaga? Kamusta naman kaya yung batang yun?" -Dad

"Okay naman po siya dad. Magbabakasyon daw po siya dito. " sabi ko


" nakakamiss kaya yung batang yun. Sana tumagal ang bakasyon niya dito" sabi ni dad gustong gusto niya kase si tristan parang may anak na lalaki daw siya. Pero sabi ni dad kung saan daw ako sasaya dun daw siya.

"Really dadating si tristan? Kailan?" Biglang tanong ni mommy


" hindi niya po sinabi? Pero 5months or for good daw po ." sabi ko.


"Okay. Nagdinner kana ba anak? " tanong ni mommy

"Hindi pa po magpapadala nalang po ako ng pagkain sa room ko nasakit po kase yung ulo ko." Sagot ko

"Siya magpahinga kana. And congratulations na sarado mo ang deal kay Mr.lee." sabi saakin ni mommy kahit strict siya nagkakausap naman kami ng maayos.

Pagkatapos ng pag uusap na yun ay pumunta na ako sa kwarto ko. Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pangtulog. Narinig kong may kumatok.

"Pasok po!! " sigaw ko

Si nanay milda pala. Dala dala niya ang  pagkain na pinahanda kanina.

"Kaikai eto na yung pagkain mo. Mukhang matamlay ka?" Kaikai tawag saakin ni nanay milda at nanay naman ang tawag ko sakanya.

"Okay naman po ako nay. Medyo masakit lang po ang ulo ko." Sagot ko


"Uminom kana ng gamot pagkatapos mo kumain. Alam kong may pinagdadaanan ka din ngayon. Dapat sabihin mo sa mommy at daddy mo yan." Sabi ni nanay milda

Nagulat ako ng una. Alam ko naman na mahahalata ni nanay milda. Hindi naman siya nanunumbong o ano. Gusto niya ikaw mismo ang magsasabi ng totoo  sobrang swerte nga ng mga anak niya sa probinsya. Kase may nanay milda sila na sobrang maintindihin. Lumabas na din si nanay milda pagkatapos nun. Napaisip ako sa lalong madaling panahon sasabihin ko na. Kahit ano pa ang kahihinatnan nito. Kinain ko na ang dinala ni nanay milda at nagtimpla ako ng gatas ko para makatulog agad ako. Sana lang hindi pa malaman ni mommy to

Just a night with him.Where stories live. Discover now